BREAK 22

35 1 0
                                    

Ex

Naging successful ulit ang naging meeting ko sa client na binigay sakin ni Carla. Actually ay pauwi na ako sa bahay ngayon. Isang linggo na lang at sasapit na ang araw ng pasko. Sa college naman ay hindi uso ang Christmas party, hindi kagaya nnung sa high school. Usually ay may paparty sa bahay, I don't know kung hanggang ngayon ay meron pa rin. Hindi na rin ako nag-abalang bumili ng regalo. Siguro sa susunod na araw na lang.

"okay na ba talaga ang pakiramdam mo, Chisel?"

Napatingin ako kay Rafael na ngayon ay nagdradrive. He volunteered na maging driver ko today dahil wala naman daw siyang gagawin. Pumayag ako kasi kailangan ko rin naman talaga ng sasakyan ngayon.

"I'm fine. Hindi naman ako araw-araw may sakit noh. " I chuckled.

"Hindi nga siguro, pero parang araw-araw ka namang nasasaktan."

Natahimik ako saglit. Tumingin ako sa view sa labas ng bintana. "Anong pinagsasabi mo?" I huff.

"Nagtext sakin si Callous kanina."

Umirap ako. pagkatapos nang nangyari ay nagulat na lang ako na nagkasund na pala ang dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari, bigla na lamang nagkwento itong si Rafael sa akin tungkol sa paglalaro nila ng basketball. Partida niya pa na kagrupo daw niya si Callous. Kaya din kanina ay hindi ako masyadong naniniwala na talagang nagvolunteer siya. May pakiramdam kasi akong parang may umutos sa kanya.

"Shut up." Pabalang kong sabi.

Tumawa siya. "Ay, naging masungit bigla?"

Tinapunan ko siya nang isang masamang tingin. "anong bang nangyayari sa'yo? Parang kailan lang ay galit na galit ka pa kay Callous. Then ngayon, super close niyo na." I spat.

Tinignan niya ako pagkatapos niyang ihinto ang sasakyan dahil umilaw ang pulang ilaw sa traffic light. "Well,you can't just hate a person forever."

Inirapan ko siya ulit.

"At nalaman ko lang kasing relative ko pala siya."

Namilog ang mga mata ko.

Humalakhak siya ulit at pinaandar ang sasakyan.

"Ano bang nangyayari sa mundo," bulong ko.

Feeling ko natrap ako. feeling ko rin na may balak pa itong si Rafael na tulungan si Callous. Kahit na medyo madrama ang last naming pagkikita,alam kong hindi niya parin ako titigilan.

"Hindi mo naman siya hahayaan na makalapit sa akin diba?"

Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng isang mall. "tignan natin." He smirked.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. mas lalo pa akong nagulat nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Natuon ang atensyon ko sa lalakeng bumukas nito. He's wearing a button down polo,black jeans at aviators. He smiled at me bago tumingin kay Rafael. Kita ko pang tumango si Rafael. Mabilis akong napaatras nang pinasok ni Callous ang ulo niya sa loob ng sasakyan. Natigilan ako nang naamoy ko yung pabang niya. He leaned at tinanggal ang seatbelt ko.

"What are you doing?" inis kong sabi sakanya.

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya bigla yung bag ko at sinuot ito. Napatili ako nung bigla niya akong hinila palayo. Hinawakan niya yung ulo ko para hindi tumama ang ulo ko sa pinto.

"Salamat,brad!" sinara niya yung pinto bago kumaway.

Mabilis naman na pinaharurot ni Rafael ang sasakyan palayo. Mahina akong napamura. At napamura ulit nang hinawakan ni Callous ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan.

Break Up GoalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon