Kuntento
Pumasok ako sa kung saan-saan na shop. Bumili ako ng kung ano-anong gamit.
“Chisel, andami naman ng mga ito.”
As of now, sampong paper bags na ang hawak niya.
I smirked. Hindi siya pinansin. Susulitin ko na ‘to. tignan ko lang kung hindi niya pa ako tigilan.
“Callous!”
Nanlaki ang mga mata ko nang biglaang may sumampal sakanya. Nabitawan niya ang lahat ng paper bags na kanina lang ay hawak-hawak niya. nilapat ko ang tingin sa babaeng nakaskirt at pulang-pula ang labi.
“Manloloko!”
Tinignan ako nang babae. Hinead to toe niya ako kaya napataas ako ng kilay sakanya. I crossed my arms habang sinusuklian siya ng tingin.
“Ikaw. Ikaw!” akmang susugudin na dapat ako ng babae ng mabilis na hinawakan ni Callous ang kanyang braso. “Bitawan mo ‘ko!”
Muli ay tinignan ako nung babaeng girlfriend ni Callous na hindi ko naman kilala. Hindi ata ‘to taga school namin. “Kunwari ka pang kaibigan lang ni Callous! Pero ang totoo ay nilalandi mo siya!”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ko. Nag-iwas ako ng tingin kasabay ay tumawa ako. Kung alam mo lang...
I smirked.Sandaling tumigil ang mundo ko nang biglang lumapat ang palad ng babae sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Hinila ni Callous ang braso ng babae. “’Wag na ‘wag mo siyang sasaktan, Savanah.”
Napaiyak ang babae. “Bakit? Kasi totoo! Ngayon siya pa yung pinoprotektahan mo!”
Napansin kong napapahigpit na ang paghawak ni Callous sa braso nang babae. Seryoso ang kanyang mukha, his jaw clenched and unclenched.
“Makikipagbreak ka diba? Pwes, hindi mo na kailangan sabihin. Kasi break na tayo.” Binitawan ni Callous ang braso ni Savanah. Dinuro niya ito, “Subukan mo ulit siyang saktan, ako ang makakalaban mo.”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila gamit ang isang kamay niya, habang hawak naman niya ang mga paperbags sa free hand niya.
Shock parin ako sa nangyari. For the first time, nasampal ako. At dahil iyon kay Callous. I mentally shook my head. Wala e, siya talaga ang nakakakuha ng mga first ko.
Kanina ay parang nasa isang blockbuster movie ako. Kung saan ako yung inaapi. Na pinagtanggol at prinotektahan ng lalakeng gusto ng lahat mula sa isang babaeng half ingrata half bruha.
Natauhan ako nang hinawakan ni Callous ang kamay ko at pinatingin sakanya. Kunot ang kanyang noo habang sinusuri ang mukha ko. “Masakit ba?”
Nilayo ko yung mukha ko sakanya at umiling. “Nah, I’m okay.”
Naningkit ang kanyang mga mata. Inirapan ko siya at na una nang maglakad.
"I'm sorry, Chisel." Sabi niya nang nakasabay na siya sa paglakad ko.
Nagkibit-balikat ako. Nangyari na yung ayaw kong mangyari.
Hindi na rin kami nagtagal sa mall. Pag-uwi sa bahay ay dumeretcho ako sa kwarto ko. Bigla na lang sumama ang pakiramdam. Nakaspaghetti strap ako at shorts nang humiga sa kama. Nagtago ako sa makapal kong kumot.
"I'm really sorry, Chisel."
Napairap ako habang binabasa ang text ni Callous.
Magrereply na dapat ako nang bigla siyang tumawag.
"Chisel,"
Hindi ako sumagot. Pinikit ko ang mga mata ko.
Allergic talaga ako sa mga ganitong bagay.kaya din siguro sumasama ang pakiramdam ko.
"Alam kong galit ka," malumanay ang kanyang boses.
Dinilat ko ang mga mata ko, I stared at my ceiling. "Hindi,wala kang alam..."
Hindi naman ako galit. May naaalala lang ako sa mga nangyari.
"Chisel, promise. Hindi na iyon mauulit."
Napalunok ako. I closed my eyes at pinatong ang mga palad ko dito.
"'Wag ka ngang mangako. Mamaya, hindi mo yan matupad." I joke.
Kinagat ko ang mga labi ko.
Sandaling tumahimik ang linya sa phone. "Pupunta ako diyan--"
"No." Maagap kong sabi.
Sa mga panahong ganito. Dapat ang lumalayo siya sa akin. Dapat nga ay noon pa siya lumayo, pero hindi niya ginawa. I never want him to see my weak side, not ever... again.
"But your voice don't sound good. I know masama ang pakiramdam mo."
I chuckled.
Puro naman siya I know. Wala naman talaga siyang alam. He's just the boy with many girlfriends. The heartthrob, yung gwapo at walang ibang ginawa kundi saktan at paglaruan ang mga nararamdaman ng mga babae.
"I'm okay."
"I want to see you,"
Naiinis na ako sa pamimilit niya. Alam niya daw, pero hindi niya alam na nahihirapan na ako.
"Callous,"
"Wait for me--"
"Ano ba, diyan ka na nga lang."
"No,"
"Okay naman na dito na lang sa phone tayo mag-usap."
"Hindi okay sakin yun,"
Napasinghap ako sa sobrang inis. "Callous, okay na ako dun. Wag mo na nga akong pahirapan pa."
Pinunasan ko yung mga tubig mula sa aking mga mata.
"Hindi lang naman kasi ikaw ang nahihirapan, ako din naman."
Sa isip ko ay bitter akong napatawa.
Napupunta na sa iba ang usapang ito.
"Nangiinis ka na naman, mabuti nga't sinagot ko 'tong tawag mo,"
"I. Want. To. See. You." Mariin niyang sabi.
Marahas akong napabuntong hininga. " I want you to stay away, kahit ngayon lang."
Matagal ko na 'tong hiningi sakanya, ngunit ay hindi nya binibigay..
"Damn! I'm so worried about you!"
"Thank you then. Pero sa ngayon, matuto ka na munang makuntento," kinagat ko ang mga labi ko nang biglang pumiyok ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.