Kapatid
Hinatid ako nila kuya sa classroom ko.
"Pagkatapos nang klase mo, umuwi ka na agad."
Ngumuwi ako. "Wala kang pakialam kung may pupuntahan pa ako,"
Ngayon ay makikipag-usap ulit ako ay Mrs. Sanchez. Nafinalize ko na kasi yung design na gusto niya.
"Kung ganun ay ipapasundo kita kay Callous dito, siya ang sasama sa'yo kahit saan ka man pumunta," I smirked appeared in his face.
Nakasandal lamang sa dingding si Callous habang nakikinig sa amin. Tinaasan niya ako nang kilay nang nahuli niya akong nakatingin sakanya.
Inirapan ko siya. "I can be a guard of myself,"
"Blah blah blah," umalis si Kuya.
Natira naman si Callous na nanatili kayang pwesto kanina. Pinagtitinginan ulit siya. Sa pagkakaalam ko ay marami sa mga kaklase ko ay may gusto sakanya, rinig ko pa ay willing pa silang magpaloko para lang maging jowa ang isang 'to.
"Susunduin ba kita o hindi?"
Tumikhim ako,"alam mo na ang sagot sa tanong mo." Tinalikuran ko siya at pumasok na sa room.
"Nag-away na naman daw kayo?"
Napatili ako nang biglang sumulpot si Carla sa harap ko. I hugged him,tumawa lang naman siya.
"Kailan ka pa dumating?"
Buong araw period ay si Carla lang yung binibigyan ko ng atensyon. Wala rin namang pakialam ang prof namin. Paglabas namin sa room ay bigla niya akong siniko.
"Ikaw naman ang magkwento,te."
Nagkunwari akong walang alam sa sinasabi niya, "ano?"
Nginuso niya ang hallway ng building. Direkta ang nguso niya kay Callous na nakaupo sa isang cement grills. Nagbabasa siya nang libro at super seryoso ang mukha.
"What?"
Kiniliti niya ako. "What-what ka diyan. Nag-away na naman kayo, ano?"
Umiling ako.
"Ows? Sige nga, lapitan mo." Tinulak niya ako patungo sa direksyon ni Callous.
"Ayoko nga," sinampal ko yung kamay niya.
Maarte niya akong tinuro "kita mo na? Halata kayo masyado kung mag-away." Sinundot niya ako sa tagiliran, rason para sumayaw ng konti ang katawan ko.
"Hindi nga,"
"Chisel,"
Inirapan ko si Carla bago humarap sakanya. "Oh? Anong ginagawa mo dito?"
Bumuntong hininga siya,"uh, I was a not sure kung anong sagot sa tanong ko sayo-"
"It's a no," hinila ko si Carla palayo.
"Kumain na muna tayo,"
"Mabuti pa nga at ala una na."
Sumimangot ako nang narinig ko yung sinabi niya. Nakita ko na lamang ang sarili ko na napatingin muli sa dinaanan namin.
And by that, sana pala ay hindi na lang ako lumingon.
"Naku, 'yang gwapong yan talaga. Napakaharot!"
A girl kissed him. Nag-iwas ako nang tingin at nauna nang naglakad.
Lumingon ako kanina sa pag-aalalang baka hindi pa siya kumakain. Malay ko bang naghintay talaga siya sa labas. Hindi ko pa pa naman nakakalimutan ang schedule niya. Thursday, at ang alam ko ay hanggang eleven yung klase niya.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.