Get Lost
"GO CALLOUS!"
Halos pangalan niya lang ang naririnig ko. Hindi ko nga maintindihan. Dahil siguro sa gwapo siya. Ngunit kung tutuusin, bagsak na bagsak na siya sa pogi points dahil sa dami ng babaeng pinaglaruan niya. napailing ako. Sa mundo ngayon, kahit na sobrang sama pa ng ugali mo, kung gwapo ka, may magmamahal at magpapahalaga parin sayo.
Gwapo siya, gentleman, mayaman. Kaso lang ay manloloko, a player. You really can't have it all.
Bumaba ako at pumunta sa bench kung saan nakaupo sila kuya. Isang friendly game lang naman ang nagaganap dito sa gym. Magkagrupo sila Kuya Mart at Callous, of course. They are best buds.
Inabot ko kay kuya yung Gatorade na dala-dala ko.
"Iiwan ko na lang 'to dito. Babalik na ako sa bleachers."
Umiling si Kuya, "Dito ka lang. Ayaw ko ng mga tingin nung mga nasa itaas sayo ha. Kakilala mo ba yung mga lalakeng yon?" tinuro niya yung mga lalakeng hindi ata tagarito sa school. They all smiled nung nakita nilang nakatingin ako sakanila.
Binaling ko yung tingin ko kay Kuya. Nakataas ang kilay niya at masama ang tingin sakin. "Alin dun yung boyfriend mo?"
I chuckled. "Yuck kuya. Hindi ko naman kilala yung mga yun. And you know my type."
Ang seryosong mukha ay napalitan ng malapad na ngiti. "Oo nga pala, si Callous nga pala yung type mo." Ginulo niya yung buhok ko bago pumasok sa court at naglaro.
"Gross kuya!" I shouted.
Humalakhak lang naman siya. Hindi na ako bumalik sa seat ko kanina. Natakot narin kasi ako sa tingin nung mga lalake kanina.
"May Gatorade pa?" tumingin ako sa gawi niya.
Inabot ko yung isa pang bottle ng Gatorade. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Kanina ka pa chinecheck nung mga lalakeng nasa taas ah."
I rolled my eyes. Paulit-ulit. "I don't care."
"Ganda ah." Ginulo niya yung buhok ko.
"Naman." Inayos ko yung buhok ko.
Pareho kaming humalakhak. "Ikaw, wala atang umaaligid sayo ngayon?"
Umiling siya. Biglang sumeryoso yung expresyon niya. Nag-iwas siya ng tingin. His jaw clenched and unclenched.
Nilibot ko yung tingin ko sa buong gym. May iilang babae ang nakikita kong napapatingin sa banda namin. Halata namang marami ang may gusto dito sa katabi ko. Mga babaeng akala mo conservative, pero pustahan mamaya, pagkatapos ng game ay mag-uunahan pa na akala mo ay may prize.
"Hi Callous!"
Palihim akong napairap nang narinig ko ang pinakamalanding boses na narinig ko. Napatingin ako sakanya na ngayon ay nakaupo na sa kabilang banda ni Callous. Naningkit ang mga mata ko kay Callous. Nakakunot na ang kanyang noo habang nakatingin kay Angela. Ganda ng pangalan diba? Parang angel, tss.
Noon pa ay kilala ko na yang higad na yan. And I don't like her.
"I heard wala na daw kayo ni Andrea? Sabi ko na nga ba, hindi kayo ang para sa isa't- isa." Kita ko ang pagkapit niya sa braso ni Callous.
I rested my chin on my fist. Pinagpatuloy ko yung panonood ng game, at the same time ay nakikinig ako sa usapan nila Callous. I'm good at multitasking.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.