Used to
Kinaumagahan ay nagkasakit ulit ako. Hindi ko na muling kinausap si Kuya nang nagkita kami sa dining table. Hindi narin naman siya nagtangkang tumingin sa akin mga mata.
"May sakit ka na naman,Chisel?" hinipo ni mama yung noo ko.
Yumuko lamang ako at tinignan anng pagkain sa aking plato. Sabihin ko man na hindi ako mahina, I'm still weak.
Nakita ko ang paglipat niya ng tingin kay Kuya at sa akin ulit. The dining room is quiet, tanging ang kobyertos na ginagamit ang nag-iingay sa silid.
"Nag-away kayo?" tanong uli ni mama.
Nagsimula akong kumain. My head starts to hurt, naghalo-halo na siguro yung pagod, stress at sakit dahilan para magkasakit ako. Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit na wala akong panlasa.
"Ano, hindi niyo ako sasagutin?" may halong inis na ang boses ni mama.
Tumingin ako sakanya. Nakahalukipkip siya habang masama ang tingin kay Kuya.
"Ano? Ako parin ang may kasalanan?" singhal ni Kuya.
I huff. Maingay ang naging tunog ng pagbagsak ng mga kobyertos sa kanyang plato. Namilog pa ang mata ko, I was so shock. Never pa niyang tinaasan ng boses si mama.
"Hindi naman porket na siya yung umiyak, siya lang yung nasaktan." Tumayo si Kuya at nilagay sa lababo yung pinagkainan niya.
"Anong pinapalabas mo? Na ako yung may kasalanan?" sigaw ko.
Masama ang kanyang tingin nang lumapat ang kanyang tingin sa akin. His jaw clenched and unclenched. Bakas sa mukha niya yung galit. Why is he mad anyway?
"Aalis na ako,, ma." He kissed her cheeks bago umalis.
Tinignan ako ni mama. nag-iwas ako nang tingin. I feel sorry, dapat ay hindi siya nadadamay dito.
Pag-akyat ko sa taas ay bigla akong nakaramdam ng hilo. My sight doubled. Mariin ang hawak ko sa railing s ng hagdan. Nanginginig na yung tuhod ko, nangmamanhid na yung buong katawan ko. Hinawakan ko yung noo ko. This isn't good.
Tuluyang nadulas ang kamay ko na nahawak sa railings. Nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Tuluyang pumikit ang mga mata ko.
"Chisel!" I heard a familiar voice. May naramdaman akong humawak sa akin pero hindi ko na nakita nang biglang nawala ang lahat.
Pagdilat ko ay nasa kwarto na ako. Nasa gilid ko si mama na may kausap na doctor. Dahan-dahan akong umupo ngunit ay napahiga din ulit nang biglang sumakit yung ulo ko. I groaned.
"Tita, aalis na po ako." I heard his voice again.
"Ha?—Chisel, thank God you're awake!" lumapit sakin si mama.
Walang akong emosyon nang nilipat ko yung tingin ko kay mama. mabilis ko namang binalik yung tingin ko kay Callous na nakatayo parin sa pinto nng kwarto ko.
Pagod ang kanyang mga mata nang tumama ito sa akin. He even bite his lip bago tumingin at kinausap si mama. "Tita,una na po ako." Deretcho ang kanyang paglabas sa kwarto at hindi na muling nilapat ang tingin sa akin.
Bumuntong hininga ako. Parang may humawak sa puso ko. Sobrang higpit, at masakit. Naramdaman ko ang biglang pag-init sa gilid ng aking mga mata. Tumingin ako sa kisame ng aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Break Up Goals
RandomRelationship Goals? Squad Goals? Hmm. Is there such thing as Break Up Goals? Sa rami ba naman ng nawawalan ng forever daw kuno, halatang marami na.