Chapter 15

92.6K 1.5K 24
                                    

15. Bonfire at the bay

Late nang dumating ang mga magulang ni Tyrell kasama sina Tyron at LaCharlotte, after dinner ay bumalik agad kami sa aming cottages. Kaninang nagtampisaw kami sa dagat ay napagplanuhan namin nina Height, Adam, Zoe, at Tyrell na magbo-bonfire kami sa tabing dagat mamayang 9PM. We agreed since wala naman kaming plano.

"Mama."

"Yes, baby?"

Ngumiti siya, nasa kwarto ako ni LaCharlotte, papatulugin ko na siya tapos maghahanda na para sa bonfire, "Mama, kwentuhan mo ako."

"Story? Sige." Ngumiti ako, this would be probably the third time that I'll tell her a story, it's rare kasi noon na magkasama kami given that I was busy and cautious at the same time. "What story do you want?"

"Pokemon story!"

I giggled with her. "Sige." Pinahiga ko na siya sa kama at saka kinumutan, "once upon a time, Ash met Pikachu who turned out to be his best buddy, together, he adventured with Pika and met a lot of friends along the way and challenging those who stands on their way."

She yawned, her eyelids suddenly dropping. "One day, Pikachu suddenly disappeared, little did Ash know that Pika was kidnapped by Team Rocket."

Natapos ko na rin ang kwento, tumayo na ako at hinalikan si LC sa kanyang noo, she was finally sleeping. I tiptoed to the exit door as silently as possible.

"Tulog na ba ang baby ko?"

Tumingin ako kay Tyrell na nakaabang pala sa akin sa labas ng kwarto ni LC, "yes."

Nagulat ako nang hilain niya ako, pinulupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko, "I-I..."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I was nervous by his sudden change of behavior. "Ano ang ginagawa mo?"

Pinikit niya ang kanyang mata at sinandal ang noo sa noo ko. Kunting galaw lang ay didikit na ang labi niya sa akin, ang matangos naman niyang ilong ay nakabangga sa ilong ko. "I'm frigging jealous."

"Huh? Nagseselos ka?" Naguguluhang tanong ko.

"My bestfriend Height have the hots for you, biter." Sabi niya, "why are you acting friendly with him in front of me when you're so cold towards me, I'm your husband. Damn it." Mahinang usal niya, making it sure that LC won't wake up from the noise dahil nasa harap lang kami ng kwarto niya.

I chuckled. "Lahat na lang ba pagseselusan mo?"

"Oo."

Umiling ako, "you never change. Do you?"

He smirked before claiming my lips. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa isipan ko pero hinalikan ko siya pabalik, mabuti na lang at nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko.

"This is mine," he kissed me on my left cheek, "mine." Right cheek. "Mine." He kissed me on my forehead, "mine." He kissed me on my nose, "mine." Then once again, he kissed me on my lips. "Everything that makes you is mine."

Hindi ako makapagsalita. I can feel his warm lips crashing into my soul, hindi ko alam. I suddenly craved for it, I was thirsty for more.

"T-Ty..."

Tumigil kami na hinihingal, hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa pinto ng kwarto ni LC. "I can't get enough of you, wife." Tyrell muttered.

Hindi ako umimik. My thoughts were running, I was suddenly confused. What just happened? Why didn't I push him? Why did I kiss him back? Why did I want for more? Why?!

Yumuko ako. "Magbibihis lang ako para sa bonfire." Pag-iwas ko ng tingin.

Tyrell called out to me but I didn't look back, I just walked into my room and locked the door. When I was finally alone, napahawak ako sa dibdib ko.

Noong kumalma na rin sa wakas ang pagkalabog ng puso ko ay nagpakawala ako ng buntong-hininga, nagpasukot ako ng jacket na may hoodie dahil malamig sa labas, bago ako lumabas ay sinilip ko muna si Tyron, tulog na rin siya.

Matapos iyon ay lumabas na ako sa cottage, I was thankful Tyrell was out of sight, baka nasa kwarto pa siya sa loob. "Oh, andyan ka na pala." Bumungad si Tyrell sa porch ng cottage.

"A-Ano ang ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko.

"Huh?" Naguguluhang tanong niya. "Of course, hinihintay kita para sabay na tayong pumunta sa bonfire." Sabay turo sa madilim na tabing dagat, biglang nagkaroon ng apoy mula sa di kalayuan kasabay ng pagkakita ko kina Height, Adam, at Zoe. Nandoon na sila, mukhang kami na lang ni Tyrell ang wala.

Hindi kami nagkakaimikan habang naglalakad, basta ako ay umiiwas ng tingin sa kanya, pinokus ko ang atensyon ko sa mga christmas lights na nakasabit sa mga puno, "oh, tagal niyo ah. May nangyari noh?" Biro ni Height noong andoon na kami, umiwas ako ng tingin at si Tyrell naman ay namula.

"Gagu. Wala!" Sagot ni Tyrell.

Liar...

"Hays, nakakainggit naman ito. Wala akong partner." Bumuntong hininga si Height, tumingin ako, siya lang ang mag-isa. Merong Adam si Zoe, ako naman eh si Tyrell.

"Pfft. Walang magkakagusto sa unggoy na tulad mo." Tyrell laughed.

"Aba, sa gwapo kong ito?!"

"Hahahaha!" Tumawa sina Zoe at Adam.

"Insulto?!" Height scowled. Tumingin siya sa akin, "gwapo naman ako, di ba?!"

Nagkibit balikat ako. "Malay ko."

Nagulat ako nang hawakan ni Tyrell ang kamay ko, napatingin ako sa kanya. "Tsk." He hissed. Halatang nagseselos na naman ang kupal na ito pero hindi ko na lang pinansin.

Binawi ko ang kamay ko kay Tyrell at umupo na sa bakanteng bato na ginawa naming upuan, pinanood ko lang ang pagliyab ng apoy sa gitna namin, nakapalibot kaming lahat sa apoy.

"Jeez, ang lamig." Pagreklamo ni Zoe.

Kahit na naka-jacket ako ay ramdam ko pa rin ang lamig dahil sa simoy ng hangin mula sa dagat. "Nga pala, Ty." Napatingin kaming lahat kay Height, seryoso ang mukha niya. "Monique, she's back. She called me kanina lang and asked me kung asan ka pero hindi ko sinabi ang totoo."

Kumunot ang noo ko. Monique?

Suminghap sina Adam at Zoe habang si Ty naman ay kumunot noo, ako naman ay tahimik lang. Hindi ako maka-connect sa usapan, who the fahk is Monique?!

"Let's not spoil the night." Zoe decided to break the ice and tension, tumingin ako kay Ty na nakatingala lang, he's probably stargazing.

Gusto ko siyang tanungin mamaya pagkatapos ng bonfire kung sino si Monique, but it's not my business, right? But I'm curious. It's ok to ask, right? You're his wife. May karapatan ka naman na malaman kung sino ang babaeng 'yon, right?

Tinitigan ko si Tyrell, then something hit me to realization, si Monique?! Monique Rosario?!

* * *

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon