17. Left all alone
The breakfast was really nothing special, bukod sa sinusubuhan ko si LC at as usual ay nagpapasubo si Tyron sa akin, Tyrell was nowhere to be found. Nagtanong ang kanyang Mama sa akin at nagkibit-balikat ako, telling her that he might overslept since he pushed himself into finishing his work due until new year and probably fell asleep super late.
Tinignan ko si Height, magkaharap kami ngayon habang kumakain, he took the seat of Tyrell since he was absent for breakfast. "Good morning." Ngumiti siya.
"Good morning," sagot ko naman sa kanyang bati.
"Mama." Binaling ko ang atensyon ko kay LC at sinubuhan ulit siya, sinundot ni Tyron ang tagiliran ko at sabay turo sa kanyang labi, umiling na lang ako dahil alam kong gusto niya ulit ang masubuhan. Nasanay naman na ako, dalawa ang inaalagahan kong bata.
"May gusto ba kayong ipabili? Pupunta kami ni Sevan sa mall sa kabilang syudad para bumili ng mga ihahanda sa papalapit na pasko." Tugon ng Mama ni Tyrell.
"Grandma, McDonald's Happy Meal!"
"Mommy, Crispy cream!"
Sabay pa na sumigaw ang dalawang alaga ko, we all chuckled. "Tyron, walang crispy cream dito sa probinsya. How about a doughnut that tastes like it?" His Dad, bribed.
Tyron pouted.
"Ok, kayo mga anak?" Tanong ng Mama ni Tyrell sa amin, nagkibit balikat lang ako at ngumiti.
"Wala po kaming ipapabili." Finally, Adam spoke for us.
"Sigurado ba kayo? Baka may gusto kayo dyan malayo pa ang lalakbayin kung may gusto kayong bilhin sa mall."
"Well," Zoe muttered, "how about a few cases of tequilla, or Jack Daniels? Or any alcohol, Tita..."
Tumawa ang mag-asawa. "Now that's more like it."
"Lemon for chaser?" Ngumisi ang Papa ni Tyrell. Umiling na lang ako sabay ngiti.
~*~
Matapos ang breakfast ay napagpasyaan ko na paliguan muna si LC, mabuti na lang at may heater ang shower kaya hindi magalaw si LC. Hindi kasi siya sanay na maligo sa malamig, may heater din kasi ang bahay ni Kris.
Matapos ko siyang paliguan ay nanood muna siya ng Pokemon sa living room, lucky her, I took the Pokemon CD at there's a DVD player on the cottages.
Tinignan ko ang pinto ng kwarto ni Tyrell, is he still sleeping? Before I knew it, I was half a meter away from his door, I protested whether I should knock or just leave him alone.
Lumunok ako, saktong iyon ay bumukas ang pinto at bumungad si Tyrell na naka-boxers lang, magulo ang kanyang buhok at medyo teary ang kanyang mga mata, he blinked a few times before recognizing me. He smirked. "Oh, hell'o there."
"Wala ka bang balak kumain?"
"Ayaw."
"Why?"
He carressed his chin with his two fingers as if thinking, "hmm... saka lang ako kakain kung susubuhan mo ako."
Seriously? Well, this is a good sign, he might had already forgotten about last night which is cool, ayaw ko na nag-aaway kami dahil lang sa isang lalake, worse, si Height pa.
Tumingin kaming dalawa sa front door na bumukas, si Tyron lang pala. Apparently, he share the same interest with my baby girl so upon hearing a familiar sound that is from Pokemon, agad siyang pumunta sa living room para manood kasama si LC.
"So? Susubuhan mo ba ako o hindi?" He pouted.
"Hell no."
"Well then, wanna come with me?" Kumunot ang noo ko, then he pointed the bathroom, then I got it, "magsha-shower ako, so? Sabay tayo gusto mo?"
Namula ang tenga ko, "ewan ko sa 'yo."
Naglakad na ako palayo saka pumasok sa kwarto ko, Tyrell was about to enter when I closed it fast and locked the doorknob.
Kumatok si Tyrell, "look, I was just kidding."
"Go drown yourself at the bathtub, sucker!" Inis na sigaw ko, mabuti na lang at nasa pinakamataas na volume ang TV sa living room kaya hindi maririnig ng dalawang bata ang bangayan namin.
"Ha ha." Ty finally gave up and let me have the peace, pinikit ko ang aking mga mata at nakatulog na naman.
~*~
I woke up, feeling my tummy growling as if begging to be fed. Bumangon na ako sa kama at tumingin sa bintana, ilang oras akong nakatulog?
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumunta sa salas, wala na sina Tyron at LC doon but the mess in there tells me they were there recently.
Lumabas na ako sa cottage, mabuti na lang at may hammock sa porch, I used it and sat on it, swinging myself back and forth. "Asan kaya sila?"
Tinignan ko ang paligid, looking for signs of them.
Noong mas lalong lumakas ang kalam ng sikmura ko ay alam kong gutom na gutom na ako kaya naman dumiretso ako sa malaking kubo na puno ng mga pagkain at kailanman ay hindi mauubusan.
The sun was still up there so I'm guessing nasa kubo sila ngayon at kumakain ng lunch, pero wala sila doon. Asan kaya sila?
Good thing I had with me my phone, I checked on the time, it was 12PM and no messages or missed calls.
I tried of thinking, then remembered something, may swimming pool ang resort! Hindi ko pa 'yon nabibisita, but it's the only place left where they should be, right?
I hurried my way, medyo malawak ang resort so I had a hard time looking for the pools but I heard faint laughters that lead me to where they really were, bumungad sa akin ang isang pahabang kiddie pool where Tyron and LC is swimming, tapos sa isang side naman na malawak ay ang adult pool na may slides, andoon sina Height, Zoe, at Adam.
Nang napansin nila ang presensya ko ay kinawayan nila ako, "bakit wala si Ty?" Bigla kong natanong.
"Ah, lumabas siya kanina." Sagot ni Height sabay iwas ng tingin.
"Saan raw ang punta nya?"
Nagkibit balikat si Zoe, "he didn't say anything. Basta noong nagpaalam siya e pinaalaga niya muna ang dalawang bata sa amin saying tulog-mantika ka raw so it's no use waking you up and somebody needs to look after them. Mukhang nagmamadali siya kanina so maybe it is an important thing, maybe business?"
Business? Sa probinsya?!
I sighed, "wala pa ang mga magulang niya?"
"Oo. Wala pa sila."
Doon ko naalala, kaya pala naligo si Tyrell ng maaga. May lakad pala siya at hindi man lang nagsabi! Tsk.
* * *