Chapter 2

187K 3.4K 267
                                    

2. Signing the Paper

"What the hell is going on?!" I screamed as I walk, why are people taking all of my house properties?! "Crap, stop taking my properties!" Pero parang walang naririnig ang mga lalake, tuloy tuloy lang sila sa paglabas ng mga gamit ko papunta sa mga truck sa labas ng mansion, "I demand you all to stop this bullcrap!" Sigaw ko, saglit silang napatingin sa akin bago ulit tinuloy ang kanilang ginagawang paglabas ng mga kagamitan ko, why are they ignoring me? Why are they taking my properties?

"Mrs. Cassiopea." A guy suddenly called, "We are following a certain order from the boss, sorry but we have to take all your properties." Dagdag niya, "This is legit, don't worry."

Tinaasan ko ng kilay ang tumawag sa akin ng nakakadiring pangalan na iyan na minsan ko nang dinala, "it is Miss Esperanza." Pagtatama ko sa lalake.

Nagbuntong-hininga ang lalake, "Madame, we just need you to sign this paper now."

Pinakita niya sa akin ang isang folder, "what is that?" Mataray na tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang, "and who the hell is your boss telling you all right now to take my house properties?!"

"Me, wife."

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang bwisit na sumabat. "Tyrell, damn you. Kagagawan mo na naman ba ito?!" Naiinis na wika ko, curse him and his plans, of course it was him who planned this, he already said that himself, tsaka sino pa ba ang peste na naninira ng buhay ko maliban sa kanya? I had enough of him, unang kinuha niya ay ang kompanya ko, and now even my properties? Ugh! Magtira ka naman!

"What if the answer is yes, wife? Will you come back to me?" Kahit na nakatalikod ako sa kanya ay alam kong nakangisi siya ngayon sa akin na parang panalo na siya, he thinks he will win against me? He thinks he had won already? Nah, I won't let him, like hell if I will! Isa akong Esperanza, I carry the blood of a noble family, no way I'd let him win this fight! Never!

"Ma'am, paki-sign na po." Sabat naman ng lalake kanina at nilahad sa akin ang folder.

"No! Why would I even sign that paper?!" Inis na hirit ko kaya naman napaurong ang lalake sa takot, maybe because I look intimidating.

"M-Ma'am, para po ma-approve na nakuha na namin ang mga gamit mo." Sagot ng lalake.

"Hah! You expect me to sign that contract, the hell no!" Inis na sigaw ko, ugh gusto kong pagbuntungan ng galit ang lalakeng ito pero wala itong pakinabang, my properties are not mine anymore. Damn! Kasalanan ko rin naman ito eh, dahil sa katangahan ko ay wala ng natira sa akin!

Bakit ba kasi ako pumirma noon?! Oh yes, I thought it was an annulment paper pero isa palang property contract na nagsasabing all properties na akin (be it the inheritance basta lahat) ay mapupunta sa kamay ni Tyrell, I was such a foolish person believing it was an annulment paper! He tricked me, I was deceived. And now this is happening! Katangahan! Bakit hindi ko noon binasa ang kontrata? Of course, I was drunk.

"Wife, I can guarantee that you'll have your old properties back, just marry me again, just come back to me and love me as you always do." Nakangising wika ni Tyrell.

Galit kong kinuha ang folder sa kamay ng lalake kanina at saka lumapit kay Tyrell at saka marahas na hinampas ang folder sa kanyang mukha dahilan upang mamula ang kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal, lahat ng mga tao sa loob na kumukuha ng mga kagamitan ko at mga katulong ng bahay ay napatingin sa aming gawi dahil sa aking ginawa, "marry you again? Come back to you? Love you? Haha Tyrell, don't make me laugh!" Binato ko ang folder sa kanya at nasapol naman ngayon ang kanyang noo.

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon