Prologue

235K 3.4K 242
                                    

Prologue

Darating ang oras na mapapasuko ka na lang, yong oras na mapapagod ka at sasabihin mong "Tama na, ayoko na, sawa na ako."

Sinabi nila sa akin na kapag kinasal ka, happy ending na iyon sa inyo ng mapapangasawa mo. I beg to disagree.

No.

Marriage is not a happy ending, it's just the beginning or "once upon a time" of your fairytale together, doon magsisimula ang tunay na pagsubok sa buhay...

At sa mga pagsubok na ito, dapat pareho ninyong lampasan bilang mag-asawa, walang iwanan sa ere, walang bibitiw sa isa't isa, wala...

Pero iba ang ginawa ko.

     Iniwan ko siya sa ere.

     Binitawan ko siya.

     Hindi kami magkasamang lumampas sa mga pagsubok ng buhay namin.

Bakit?

Kasi akala ko mahal niya ako.

Kasi akala ko ako lang.

Kasi akala ko walang sabit.

Kasi akala ko totoo siya.

Kasi akala ko masaya siya sa akin.

Kasi akala ko kaya niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako, kasi ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya, kasi ako lang ang laman ng puso niya.

At ang higit sa lahat ng rason kung bakit...

Kasi gumawa siya ng kasalanan sa akin, kasalanan na hindi ko mapapatawad kahit gaano ko siya kamahal, siguro dahil mahirap tanggapin, siguro dahil nasira na ang tiwala ko sa kanya, siguro dahil hanggang dito na lang talaga kami.

    Kaya mali, hindi happy ending ang "kasal".

Kasi kahit kinasal na kami ay... naghiwalay pa rin kami.

I am Dea Ver Saturnina Esperanza, a former Cassiopea and HIS ex wife.

* * *

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon