Chapter 30

69.2K 1.1K 44
                                    

30. Failed Marriage Proposal

"Ma'am, coffee po." Pagpasok ng secretary ko ng coffee, I nodded and upon receiving the delicious aroma of coffee, muling nabuhay ang mga diwa ko, my eyes were dropping. I guess I should stop pushing myself to my limit.

"Thank you, maaari ka nang umuwi."

"Thank you, Ma'am!" Sabi ng secretary ko at daling umalis ng opisina ko, I massaged the bridge of my nose habang nakatitig sa mga papeles, just a little few more at pwede na rin akong umuwi and I can have my long hot shower then I can rest.

Si LaCharlotte, nakauwi na kaya? Nakakain na kaya siya? Naku, lagot siya sa akin kapag hindi pa siya nagva-vitamins.

Tinuon ko ang atensyon ko sa mga papers na hawak hawak ko, lahat ng papers ay either invitation, proposals, or whateverness. Hays. Gusto ko nang umuwi.

Finally, natapos ko na ang final batch ng papers! I can finally go home! Nilagay ko ang lahat ng gamit ko sa sling bag ko at lumabas na ng opisina ko, wala nang tao since past curfew hours na ng company ko and it's creepy to be alone pero sanay naman na ako.

~*~

Pauwi na sana ako kasu biglang nag-ring ang cellphone ko, kumunot ang noo ko, mabuti at naka-park pa rin ang sasakyan ko, habang umiinit pa ang makina ay binasa ko ang message from unknown number.

Meet me @ Sapphyre Park, ASAP, this is Ty. Pls come.

Kumunot ang noo ko, saan kaya niya nakuha ang number ko? Saka wala naman akong obligasyon para i-meet siya, right? So why go?

Pinikit ko ang aking mga mata, bahala na. Doon ko na lang namalayan ang sarili kong nagmamaneho papuntang Sapphyre Park, mga kahalating oras ang biyahe bago ako nakarating doon, dahil gabi na ay madilim, walang ilaw ang park.

Pinaglalaruan ba ako ng pesteng Tyrell na 'yon?!

Akmang aalis na sana ako nang unti-unting umilaw ang mga christmas lights na nakasabit sa puno, tumingin ako sa paligid at nakita si Tyrell na nakahawak ng bouquet ng flowers, lumapit siya saka niya ako niyakap, "thank you for coming..." Bulong niya, halatang matagal niya akong hinintay.

"Anong pakulo 'to? Hindi mo ako madadala ng mga ganitong bagay lang, Tyrell."

Umiling siya, "I just want to spend my birthday with you." Napasinghap ako. I checked my phone for the date today and he was right, today was his birthday.

"Well, happy birthday. Sorry pero wala akong regalo sa 'yo." Malamig na sabi ko sa kanya.

"It's ok." He smiled, then he gave me the flowers, kinuha ko na lang dahil nakakatamad sabihin na ayaw ko ng mga bagay galing sa kanya. Ibabasura ko na lang mamaya.

Tyrell lead me the way to a round table, since gutom na ako at may grasya sa harapan ay hindi ko na ito tinutulan pa, food is food, it's a blessing na hindi maaaring tanggihan. At mga potahe na paborito ko ang nakahanda sa harapan kaya sinong makakapagsabing hindi?

Matapos akong kumain ay tumayo kami ni Tyrell at naglakad around the park, "just hear me out and don't talk..." Bulong ni Tyrell, "the first time I saw you, it was on your Dad's business party, you parents are cool, they always know how to set time with family and business while my parents only cared about business, nothing more. But they changed when you came..."

Hindi ako umimik, umupo kaming dalawa sa may wooden bench at tumingala ako para pagmasdan ang buwan, "the first time I acknowledged that Dea Ver Saturnina Esperanza exists, you were hiding below the table eating a red velvet cake, marami ring cake stains ang cheeks mo noon."

I chuckled, I remember stealing an entire part of cake and ate it below the floor while my family was having a business party then I remember a kid who saw me and smirked, hindi ko inakala na makikita ni Tyrell 'yon? Or maybe hindi ko inakala na siya ang lalakeng 'yon.

"As a kid, you were funny." Tyrell smiled, "and cute." His smile grew wider now that it became a grin, "when we were in high school, I always ask things about you from people who might have idea but never had the courage to approach you, what if... what if hindi mo ako magustuhan? 'Yon ang laging pumipigil sa akin. That's what I would always be thinking of. Kaya noong college ako, I promised na hindi ko na papakawalan o sasayangin ang chance na ito, now that no one sees you, only I do so I have to show myself because we won't know each other if I don't close the distance."

Tumingin ako sa kanya, "naglakas loob akong manligaw sa 'yo."

"Naalala mo ang mga notes sa locker mo? Ako lahat ang may pakana noon, lahat ng mga love letters na nakasipit lagi sa books mo, ako ang may pakana no'n, ako rin ang bumili ng napkin mo noong nakalimutan mo at may tagos ka tapos umiiyak ka sa girl's CR. Just brings back memories..."

"Naalala mo ba 'yong mga gabing nagte-trespassing tayo sa school para lang mag-stargazing? Tapos kapag may gwardya magtatago tayo agad?" Tumawa siya, "naalala mo ba noong dinala ko 'yong gitara papuntang veranda ng kwarto mo para haranahin ka?"

I remember...

"I hope you didn't forget them when you changed, Dea... I'm sorry for letting this happen, I'm sorry but I still love you no matter who you are right now..."

Tinignan ko siya, bigla siyang lumuhod at may binuksan siyang box ng ring.

"Will you marry me?"

Tears escaped my eyes and they fell on my cheeks, I know what I would do would end me hurt again and maybe not but it's worth the risk, "ye-"

Biglang may tumawag kaya naman naputol ako, kinuha ko ang phone ko at sumagot, "h-hello?"

"Dea! LaCharlotte is kidnapped!"

* * *

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon