Chapter 20

75.8K 1.2K 13
                                    

20. No gift from Tyrell

Once we returned to the resort, bumalik muna kami sa cottage para magpalit, since it was cold, pinalitan ko ang suot ni LC ng pantalon na parang pajama ang itsura pero mabigat ang tela and paired it with a shirt and red jacket and gave her a Santa hat. Noong napalitan ko na siya ay nagpalit na rin ako ng damit. Jeez, it's so cold.

Sabay na kaming lumabas nina Tyrell, Tyron, at LC. Nadaanan namin sina Adam, Zoe, at Height na sumabay na rin sa amin, mula sa kubo ay nakita namin ang mga magulang ni Tyrell na mukhang busy sa pag-aayos ng hapag-kainan, what caught my attention was the foods being served.

"Whoaaa!" LC's eye twinkled in delight.

Noong napansin ng Mama ni Ty ang presensya namin ay sinenyasan niya kaming lumapit, "mabuti at andito na tayo para makapagsimula na tayong kumain."

We all nodded. Now that I smelled the foods, bigla akong nagutom.

"Ano ang gusto mo, baby?" I asked LC.

"Everything!"

Tumawa kaming lahat, she pouted. "Ok. I'll feed you with everything," sagot ko sa kanya, fighting myself to chuckle at her cuteness.

Habang kumakain kami ay nagkukwento sina Zoe at Adam, ngayon ko lang rin napansin na may speaker pala ang malaking kubo at may tumutugtog dito na christmas song, walang empleyado ngayon sa resort siguro kasama nila ang kanilang mga pamilya para sa pasko.

"Mama! Say ahhh!"

Tumingin ako kay LC, nakalahad ang kamay niya sa akin na may kutsarang may laman ng ulam. I smiled as I open my mouth and she feed me. I chewed on the food smiling and did the same to her, ang kalalabasan, nagsusubuan na kami.

Biglang tinapik ni Ty ang balikat ko kaya naman tumingin ako sa kanya, he was grinning at me then I saw him point the spoon with food at me, "say ahh, wife."

Binelatan ko siya. "Ayoko nga!"

Nagtawanan silang lahat habang siya naman ay namula siguro sa inis, he hissed. "Tsk. Fine." Tumingin siya sa katabi niya, "Tyron, say ahh."

"Ayoko sa 'yo! Gusto ko si Ate Dea!"

Mas lalong lumakas ang tawanan, Tyrell pouted. "Edi ayaw niyo sa akin." Sinubo niya sa sarili niya ang pagkain, I know, he must have felt rejected but I think it was cute. Wait... what am I even saying?! Erase.

"Papa, ako! Subuhan mo ako!" Lahat kami ay tumingin kay LC, Tyrell smiled as if he won the jackpot.

Since nasa pagitan nila ako ay tumayo si Tyrell, "say ahh, baby."

"Ahh." LC said as she open her mouth, enough for the spoonful of food to fit.

~*~

After the christmas dinner, nagpalitan kami ng regalo. Doon ko napagtanto na nakalimutan ko pala sa kwarto ko ang mga regalo ko sa kanila! So after getting my gifts sa kanila, I decided to return sa cottage to get their gifts.

Sumama na sina LC at Tyron sa akin, since they were kids, they had a curfew time and they should sleep. Noong nasa cottage na kami ay dumiretso muna sila sa salas para manood ng Pokemon, I grinned as I sneak into LC's room and put my Snorlax gift to her bed, gayon rin naman kay Tyron.

"Tyron, LC, time to bed." Nakangising sabi ko, thinking whether they'll be surprised with my gift.

Tumango sila at sabay na pumunta na sa kanilang mga kwarto, after three seconds, I heard the two yelling in unison. Sabay silang nagbukas ng kwarto.

"Mama!"

"Ate!"

Tumakbo sila papuntang pwesto ko habang hawak hawak ang stuff toys, "liked them?"

Tumango sila. I smiled, "mabuti naman, ngayon, balik na kayo at matulog, ok?" They nodded again.

"Mama, may gift ako para sha yo." She gestured me to lie down enough to be on the same height as her which I did, after that, she kissed me on my cheeks.

"Ako rin!" Tyron kissed me on the opposite side of my cheek. I smiled.

"Good night!" Sabay na sabi nila sabay pasok sa kanilang mga kwarto.

Saktong iyon ay bumukas ang front door ng cottage, it was Ty. "Uhm..." I smiled, "here." Nilahad ko sa kanya ang isang paperbag na may lamang tatlong longsleeves na regalo ko. He smiled.

"Thanks."

I just nodded, come to think of it, wala pa siyang nabibigay sa akin na regalo. Not that I care. Tinignan ko ang ibang hawak ko na mga regalo, "lalabas lang ako. I'll just give my gifts to the others."

"Sige." Humikab siya, "good night."

I don't know but I felt my heart stung, Tyrell gave his gifts to LC and the rest, but me. Maybe he didn't mind of giving me one, pinikit ko ang aking mga mata. Jerk. Way to ruin my night. Well, not that I'm expecting anything from him. Why should I be disappointed in the first place?

Lumabas na ako at nagtungo sa cottage nina Height, si Zoe ang nagbukas ng pinto, I gave her the gift I bought her and instructed her to give the other two paperbags to Height and Adam.

"Salamat!" Niyakap niya ako ng mahigpit, "good night!"

"Good night."

Umalis na ako at dumiretso sa isang cottage ulit kung nasan ang nga magulang ni Ty, the door was open so I peaked and saw them on the living room, "Tita... I mean, Mom? Dad?"

Tumingin sila sa akin na nakangiti. "Oh, Dea!" Tumayo sila.

"Regalo ko po." Sabi ko.

"Oh, salamat!" Ty's Dad smiled as he took his gift gayon rin ang asawa niya.

We bid our farewells and satisfied, I went back to my cottage but felt the urge that I needed fresh air kaya naman nagtungo ako sa tabing dagat at umupo, pinagmasdan ko ang bawat alon na namumuo, "Tyrell... jerk!" Sigaw ko. "Sana hindi na lang kita binigyan ng regalo, peste ka!"

Hindi ko namalayan na binabato ko na pala ng buhangin ang dagat. I know, it makes no sense but I needed to bend my anger on something.

"Pakyu ka, Tyrell Zeus Cassiopea!" Why am I even upset because he gave me no gift when he gave everybody a gift?!

Nagulat ako nang may tumakip sa mata ko, "ssh." A voice hushed.

Lumunok ako, the blindfold making me unable to see.

Am I being kidnapped?!

Panic attacked my heart, "it's just me." A familiar husky voice said, ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko.

Lumunok ako.

* * *

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon