Chapter 16

80.3K 1.4K 33
                                    

16. Jealousy starts fight

"Ty! Ty!" Kanina ko pang tinatawag si Tyrell pero hindi siya namamansin, kanina pang gumugulo sa isip ko ang Monique na 'yon eh. Late na pero hindi pa ako inaantok siguro dahil sa madalas na pagtulog ko, si Tyrell naman ay nakaupo lang sa sofa ng salas ng cottage habang nakatitig sa screen ng laptop, nagkataong lumabas lang ako sa kwarto ko at nakita ko siya kaya tinawag ko siya pero hindi siya pumapansin!!! Tsk.

Tumingin siya sa akin noong aalis na sana ako at magpapahangin sa labas, "titi?"

Namula ako. "Baliw!" Doon ko na-realize, dalawang beses ko siyang tinawag sa nickname niya at ang kalabasan... basta ganoon.

Tumawa siya ng marahan sabay kindat, "bakit gising ka pa?"

"Hah! Sa 'yo ko dapat 'yan tinatanong e, nanonood ka ng porn noh? Huwag ka na magmaangan." Pagbiro ko sa kanya sabay belat.

"What if I am?" He smirked playfully.

Nanlaki ang mata ko, "ano pa nga ba ang ine-expect ko?" I chuckled. "Anyways, lalabas muna ako at magpapahangin." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot, basta ako ay kusang lumabas na sa cottage.

Wala nang ilaw ang cottage nina Height, siguro napagod sila at natulog na ganoon rin sa cottage ng pamilya ni Ty. Ang cottage na may ilaw na lang ay ang cottage namin.

Tinignan ko ang paligid habang naglalakad sa may buhangin, kalmado na ang dagat at wala nang alon di tulad kaninang tanghali, makulay naman ang resort at ramdam na ramdam ang pasko kahit na madilim ang paligid.

Doon ko napagtanto na nakalimutan ko pala ang magdala ng jacket. Tsk. Gininaw tuloy ako. Hindi na ako bumalik pa sa cottage, tinuloy ko lang ang paglakad. Matapos ang ilang sandali ay nakahanap ako ng magandang pwesto, dali akong umupo sa isang humukan na nakaharap sa dagat.

Tumingala ako at pinagmasdan ng saglit ang tanawin, kumikinang ang mga bitwin at nakatago ang buwan sa mga ulap, pinikit ko ang aking mga mata, bakit hindi pa ako tinatamaan ng antok?!

"Dea?"

Napamulagat ako nang may tumawag sa pangalan ko, tumingin ako sa lalakeng naglalakad palapit sa akin. "Height?"

Ngumiti siya, "ano ang ginagawa mo dito?"

Nagkibit balikat ako, "hindi ako makatulog e kaya napagpasyaan ko na magpahangin muna." Ngumiti ako, "ikaw?"

"Can't sleep too." Nagbuntong-hininga siya, "pwedeng umupo sa tabi mo?"

"Sige."

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang dagat. Tahimik lang kami, parang may tensyon na namumuo sa amin. Dati kong manliligaw si Height noong high school pero hindi ko sinagot, hindi alam ni Tyrell since college kami nagkakilala saka isa pa hindi naman na siguro importante sa kanya ang mga maliliit na bagay tulad nito kaya laging gulat ko na malaman na matalik pala silang magkaibigan noon.

Humikab ako, bigla akong tinamaan ng antok siguro sa kakaisip, nagulat ako nang sinandal ni Height ang ulo ko sa balikat niya, "a-ahm..."

"Ssh." Suway niya, "magsandal ka muna sa balikat ko. O gusto mo ihatid na kita sa cottage?"

Ngumiti ako at umiling, "gusto ko pang pagmasdan ang mga bitwin."

"You still love the stars." He smiled.

"Yup, I love them. They're so beautiful, as if reminding me that there is still beauty in the darkness. Magulo ba?"

Umiling siya, nagkaroon na naman ng katahimikan sa pagitan namin. Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan naming bumalik na sa cottage namin, "salamat sa pagsama sa akin." Ngumiti ako.

He smiled before nodding, "sure. Salamat rin sa pagsama sa akin." Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko like what he used to do when we were in high school, tumawa siya ng marahan noong tinignan ko siya ng masama, "I'm glad you never changed."

"Huh?"

"Wala." Tumawa siya ng marahan bago pumasok sa cottage niya, ako naman ay ngumiti na lang sabay lakad papuntang porch ng cottage namin nina Ty.

Saktong pagpasok ko ay bumungad si Tyrell na nakatingin sa akin ng masama, "where the hell did you go with Height?!"

Napaurong ako dahil sa lakas ng boses niya, "huwag ka ngang sumigaw! Magigising sina Tyron at LC!"

"Tsk." Singhal niya, "don't change the subject." Mahinahong sagot niya.

"Nagkataong nagkita lang kami kanina sa labas at nag-usap kami. That's it. Bakit ba at galit ka?!"

Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang braso ko, "can't you see how he looks at you?" Inaalog alog niya ang braso ko kaya naman nasasama ako, "he frigging likes you, Dea!"

Doon uminit na ang ulo ko, I can't believe we're going to fight again over a guy! "Look, he's your bestfriend. Hindi naman siya gagawa ng isang bagay na makakasira sa relasyon niyo. Can't you trust Height? Lahat na lang pagseselusan mo? I can't have you treating me this way, Ty! You're just showing that wala kang tiwala sa akin!"

Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko, kumuyom ang kamao niya. "You're mine."

Tumawa ako ng marahan, "nobody owns me." Umiling ako. "Stop treating me like I'm a thing, tao ako Ty! Kahit asawa mo pa rin ako may karapatan pa rin ako bilang tao. Hindi mo ako pagmamay ari. Wake up!"

"No, you wake up, you're married and yet you're going out with my bestfriend?!"

"You're making it sound like I'm bad, Ty!" Biglang uminit ang ulo ko, "gaano ba kakitid ang utak mo para maintindihan na wala kaming ginagawang masama?"

Hindi siya umimik.

Nilampasan ko na lang siya at pumasok na sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama at doon ko naramdaman na unti unting tumulo ang mga luha ko.

Why are you crying, Dea?!

Because you thought everything was fine now? Nothing will be fine, Dea.

Pinikit ko ang aking mga mata. "What an a-hole."

~*~

Nagising ako dahil sa katok, minulat ko ang aking mga mata sabay tingin sa bintana. "Mama?"

Bumangon agad ako para pagbuksan si LC, "yes baby?"

Ngumiti siya, "we eat, Mama!"

Tumango ako, "sige."

Naglakad kaming dalawa palabas ng cottage, it's a good thing I didn't see Ty, ayoko siyang makita sa ngayon. Ewan ko ba.

"Mama, gushto ko ang egg." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang kubo.

"Oo naman, baby."

"Subuhan mo ako, Mama!"

I laughed. "Of course, it's my job."

"Yehey!"

* * *

Intoxicated AgreementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon