Chapter One

203 4 3
                                    

Mula ng magising ako sa mahabang pagkakatulog ay nalaman kong wala na silang lahat. Hindi ko akalaing na sa pagmulat muli ng aking mga mata ay may mga nagbago na.

Yung dating masaya at maaliwalas na langit ay napalitan ng dilim at kilabot.

Yung noong magulo at maingay na kapaligiran ay napalitan ng nakabibinging katahimikan.

At yung masisiglang mga tao sa kalsada ay naging mapanganib at delikado na.

Hindi ko rin inakalang kinailangan kong manakit at pumatay para lang mabuhay ng nag iisa.

N A G - I I S A

--

"Hi. Ako si Karylle! Kamusta ka?" tanong ko sa isang manikin dito sa loob ng mall. Pasensya na kayo, nakasanayan ko na kasing kausapin ang mga gaya nya simula ng magising ako. Kahit na hindi sila sumasagot pakiramdam ko nakikinig parin sila. Baliw? Yan siguro ang tawag nyo sakin ngayon ano? Wala naman kasi akong magagawa kung tatahimik na lang ako dito, kaya kahit sarili ko ay kinakausap ko kung minsan. XD Ayoko rin kasing mapanis ang laway ko.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako narito sa mall. Nandito na kasi ang lahat. Pagkain, Mga damit, at mga armas.

Para saan yung armas?

Para po sa mga halimaw sa labas.

Ewan ko kung bakit pero hinahabol nila ako at gusto nila akong kainin.

Sa totoo lang ay marami din sila dito sa loob noon, kaso lang pinagpapatay ko na sila. Labag man sa loob ko pero kailangan.

Simula pa ng magising ako sa pagkakacomatose ay naging ganito na ang takbo ng buhay ko.

Hinanap ko ang pamilya at asawa ko noon pero nakita ko nalang na kalahi na nila ang mga halimaw na yun.

Nagresearch din ako tungkol sa nangyari pero ang tanging naintindihan ko lang ay Kumalat ang virus, nagkasakit, namatay, at nagkaroon ng kaguluhan. Wala naman din kasi akong ibang mapagtanungan. :D

Kung sakali kayang may iba pang nabubuhay maliban sakin, asan kaya sila?

May chance pa kayang makakita muli ako ng normal na tao? Yung makakausap ko na nang totoo? Meron pa kaya?

--
Author's Note

Guess nyo kung kaninong pov next chapter? XD

**

All right reserved 2015
Written by: Ms.J

READ-VOTE-COMMENT

The SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon