Chapter Twelve

61 2 0
                                    

2 weeks later

Hindi naging madali para kina Anne ang mag adjust. Bagamat nahihirapang makapag open up sa mga kasama ay unti-unti na rin nilang nagagawa.

"Guys, what if may kuryente tayo? Mas madali kayang kumilos.." pasimpleng reklamo ni anne sa lahat. Haha.

"Eh kaso wala kaya nga nga, tiis tiis sa kandila.." sagot ni coleen sa kapatid.

Kasalukuyan kasi silang kumakain ng hapunan, at dahil nga sa walang kuryente ay naka-kandila sila..

"mas sweet nga pag ganito oh.. Candle light dinner ba tawag dito? Wahahaha!" pagbibiro ni vhong. Binatukan naman sya Billy nang marinig ito.

"Aba hoy! Namumuro kana ng pananakit sak--"

Natigilan ang lahat ng biglang tumayo si Coleen at tumakbo papuntang banyo..

"Bwerkkkk!"

Rinig na rinig nila kung paano maduwal ulit si Coleen. Oo, ulit. Dahil dalawang araw na syang ganito.

"putangina!" pagalit na sambit ni Billy bago nila sabay sabay na dinaluhan ang nahihirapang dalaga sa banyo.

Hindi pa man sila sigurado sa nangyayari kay coleen ay alam na nila ang ibig sabihin nito.

-

"Anong gagawin ko Ate..? H-hindi ko kakayanin itooo.." umiiyak na sabi ni Coleen sa kapatid matapos makumpirmang tama ang hinala nila..

Lahat ay nanlumo at nasaktan sa nangyari. Hindi man planado pero kailangan nilang tanggapin ang naging bunga ng panghahalay kay Coleen.

"Shhh.. Nandito kami Choleng, hindi ka naman pababayaan.. Kayo ng magiging baby mo." sinserong sambit ni Vhong.

Sa maikling panahon ng pagsasama-sama nila ay napatunayan ni Anne at Coleen na karapat-dapat talagang pagkatiwalaan ang tatlo. Kahit kailan ay hindi sila pinabayaan ng mga ito.. Lalong-lalo na sila Billy at Vhong na overprotective sa kanilang tatlong babae sa grupo.

-

"Coleen."

Pagtawag ni Billy sa kanya. Nakatulala kasi sya at nakatanaw sa kawalan..

"K-kuya.. Ba-bakit po?" wala sa sariling tanong niya sa binata.

Lumapit at tumabi ito sa kanya.

"Billy na lang jusko nakakatanda! Haha" nabigla si Coleen sa sinabi nito. Perstaym nya kasi itong narinig na tumawa at makipag usap ng ganito sa kanya.

"Ahh. Hehe." maikling sagot nya. Naiilang. Ilang minuto ang lumipas bago ito muling nagsalita.

"Ilan sila?" seryosong tanong ni Billy sa kanya. Nalito sya dahil hindi nya alam ang tinutukoy nito.

"A-ano po?" kunot noong tanong niya.

"Ilan silang lumapastangan sayo? At nakilala mo ba? At saan ang headquarters na yun?" magkakasunod na tanong ulit nito.

Hindi niya alam kung dapat ba nyang sagutin ang tanong ng binata.. Lumingon sya sa ate nya upang humingi ng tulong ngunit busy ito sa pakikipagkulitan kina karylle at vhong.

"huy ano na?" pag agaw ng atensyon ni Billy sa dalaga.

"Ha? Ah kase.. Ano uhm.. 2 sila.. Oo dal-dalawa.. Sa Qc Jail. " uutal utal na sagot niya.

Bumuntong hininga si Billy. Tila ba pinapakalma ang sarili.

"Mga pulis? Tangina. Sinu-sino?" nakakunot noong pagsasaliksik nito..

"Bakit mo pa po ba tinatanong? Wala na yun.. Siguro nga patay na rin yun.." kampanteng sagot ni Coleen.

"Lakompake. Sinu-sino nga?" iritableng pangungulit ni Billy..

Natahimik si Coleen. Tinitigan nya ang seryosong mukha ni Billy. Nanlilisik ang mga mata nito.. Halatang galit. Sinubukan din nyang basahin ang nilalaman ng isip nito. Hanggang sa mapagtanto nyang gusto talagang malaman ng binata ang pangalan ng mga gumahasa sa kaniya.

"Po1 DeLeon.. At Po1 Marquez. Nakita ko sa mga uniporme ni--"

Hindi pa man natatapos magsalita si Coleen ay tumayo na ito. Kinuha nito ang isang katana at padabog na lumabas ng kwartong iyon.

Nagulat at nagtaka sila vhong at lumapit kay coleen.

"Anong nangyare Choleng?" tanong ni K sa kanya.

"Hin- Hindi ko po alam.." natataka ring sagot nya sa mga kasama.


" Ahh. Baka magpapahangin lang.. Babalik din yun wag kayong mag aalala." kampanteng sambit ni Vhong sa tatlo.



-
A/N: Kaway kaway Team BiCol ❤ at ilalabas ko na si Vice soon. Hohoho :)

Vote. Comment. Suggest.
-Ms.J ❤

The SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon