Tatlong taon simula ng makulong ako sa salang hindi ko naman ginawa. Pinagbintangan akong nanggahasa raw ng isang batang anak ng mayor sa aming lugar. Pero ang totoo, ay hindi ko pa naman ito nakita kahit kailan.
T*ngina lang talaga ang hustisya sa pilipinas ano? Lahat kayang mabayaran ng pera! Perang galing din naman sa pagod at pawis naming mahihirap. Tch! Ang abusadong pinuno, mga kurakot ng pulitiko,at mga bayarang pulis! Sila ang dahilan kung bakit ako nag iisa ngayon! Dahil sa hindi sila nakinig sa mga katwiran ko ay mag isa na ko ngayon!
Hindi ko nailigtas ang pamilya ko mula sa outbreak na naganap ilang linggo na ang nakaraan dahil nga sa ikinulong nila ako.
Nagalit ako nun. Galit na galit. Kung hindi pa dahil sa paglaganap ng virus noon ay hindi pa nila ko palalayain. Pagkalabas na paglabas ko ay kaagad akong pumunta sa aming tahanan. Subalit huli na ko. Wala na kong naabutan pa sa amin.
Mas lalo akong nanggalaiti at nasuklam sa lahat ng pulis at politiko, kung kaya't ngayon halos lahat ng zombie na nakadamit pang pulis ay pinagbubuntunan ko ng galit! Pinapatay ko. Pinipira-piraso.
Sa ngayon ay nagpapagala gala lamang ako sa kalsada. Dala lang ang ilan sa aking mga nakuhang katana. At nakikipagbunuan sa mga zombie na nagtatangkang kumain sakin.
Wala ng direksyon ang buhay ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang pag iisa.
Habang naglalakad ay nakakita ako ng isang pamilyar na bagay. Isang maliit at makulay na libro sa isang store.
"Ayun yung pinabili ng anak ko noon sa akin ah" sabi ko sa sarili ko
Lumapit ako at kinuha ko ito.
Binuklat ko ito na parang nagbabalasa ng baraha, huminto naman ito sa may gitnang bahagi. Ika-143ng pahina..
Binasa ko at napukaw ang atensyon ko sa isang linya na nakasulat doon.
"Billy isn't a member of the justice league."
Hahaha! Natawa ako ng bahagya.
Hindi ko akalain na konektado sa buhay ko yung libro. At kapangalan ko pa yung pinag uusapan. :)
Naalala ko tuloy ang pagkukwento ng anak ko tungkol sa librong iyon.
"Papa, ayun ang paborito ko kasi pakiramdam ko po kasama po kita palagi kapag binabasa ko po yun eh."
Sabi nya noong dumalaw sila sa kin sa kulungan.. noong sila'y nabubuhay pa.
"Kaya pala eh. :) Miss na kita anak. Kayo ni mommy. Mahal na mahal ko kayo."
Bulong ko sa hangin bago tuluyan ng maglakad muli bitbit parin ang libro ng anak ko.
--
Author's NoteIsang mabilisang update! :) Kapit lang guys! Malapit na silang magkita-kita.
**
All right reserved 2015
Written by: Ms.JREAD-VOTE-COMMENT