Chapter Five

101 4 0
                                    

/ K A R Y L L E 's P O V /

"Anong pangalan mo?" tanong nya sakin habang kumakain. Kawawa naman mukhang gutom.

"Ako si Karylle. Or K nalang :)" sabi ko sa kanya nang di pa parin kumukurap habang nakatitig sa mukha nya.

Grabe. Namiss ko yung ganito. Yung makipag usap sa matinong tao. Hayyy! Ang saya saya ko talaga mukha pa syang mabait.

"M-may dumi ba ko sa mukha?" nagtatakang tanong nya sa akin.

"Nako wala! Cute mo nga eh.." walang hiyang sabi ko. Haha sorry na ganto talaga ko e.

"Ahh ganun ba. Hehe :) anyway ako nga pala si vhong." sabi nya sakin sabay abot ng kamay nya para makipagshake hands.

"Matagal ka na rito?" tanong nya ulit ng matapos syang kumain.

" Ha? A-ahh ehh.. O-oo! Hehe" utal kong sagot.

"Uhmm gusto mo bang sumama sakin? Maglalakbay tayo. Gusto mo?"

"H-haaa?" kinabahan ako ng konti sa tanong nyang yun.

"Kasi delikado kana dito. Tingnan mo, basag na yung pinto. Papasukin ka ng mga zombie kung di ka pa aalis." mahinahong sabi nya sakin. Mukha namang totoo at sinsero sya doon. Pero ano yung,

"Z-zommbiieee? You mean, yung mga halimaw sa labas?" inosenteng tanong ko.

"Oo. Hindi mo alam?" pagtataka nya.

"Ayun pala ang tawag sa kanila.. Hindi ko alam e sorry. Pagkagising ko kasi may ganyan na tapos wala ng normal." paliwanag ko na ikinagulat nya. Maya maya ay

"Haha! Ilang taon ka bang tulog at wala kang alam sa kanila! Hahhaha!"

Hala, bakit sya natawa? Baliw lang?

"Isang taon din yata. Nagising ako 2015 na e nakita ko sa mga dyaryong nagkalat sa labas." seryosong sabi ko. Natawa muli sya, parang di naniwala..

"Hahaha isang taon lang pala e. Sanda-- Hmm? *croo.. croo.. croo..* H-hah? I-isang taon? Pero paan- "

"Nacomatose yata ako, ang natatandaan ko lang e yung araw ng maaksidente ako, tapos nun nagising ako isang araw na ganito na.. tas 2015 na.. kaloka no? Hahaha!"

"T-talaga ba? G-grabe naman.. Uhm Kailan ka ba nagising?" ayan mukhang naniwala na si loko.

"Last last week pa. Kailan pa ba naging ganito?" tanong ko.

" Ah eh.. Last month."

Natigilan ako. Ilang araw lang pala ang pagitan mula nang ako'y magising. Bakit di ko naabutan. Bakit huli na ng magising ako. Edi sana kasama ko ang pamilya ko nung mga oras na yun.. Mamatay man kami atleast magkakasama kami. Sa aking pag iisip ay di ko na namalayang umiiyak na ko.

"A-ah K? Ayos ka lang?" sinserong tanong nya ng makita nya kong umiiyak.

"Dapat mas maaga akong dumilat.. Dapat kasama nila ko nung mga oras na nagkakaproblema ang lahat.. Dapat nandun ako sa tabi nila.. Dapat hindi ako narito.. O kaya Dapat.. Hindi na ko nagising pa.." hagulgol ko sa kanya.

Lumakad sya papalapit sa akin at niyakap ako. Pinapatahan nya ko.

"Ssshhhh.. Tahan na. Isipin mo nalang na may dahilan ang lahat K. May dahilan kung bakit tayo nag iisa na sa buhay.. At may dahilan din kung bakit tayo ang natira dito sa mundong ito.. Darating ang araw na masasagot lahat ng katanungan natin k. Kapit lang! "

Gumaan ang loob ko sa mga sinabi nya. Ilang sandali pa ay tumahan na ko.

"Thank you Vhong :) Sige.. sasama na ako sayo."

--
Author's note

#VhongRylle For the win! Hehe Charot :P

**
All right reserved 2015
Written by: Ms.J

READ-VOTE-COMMENT

The SurvivorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon