A N N E ' s P O V
"Whaaat?! Kailan pa?!"
Nawindang ang lahat ng biglang dumating dito sa hotel ang magkakambal na si Vice at Viceral.. Hinahanap nila si K dahil naglayas daw at akala nila'y umuwi dito.
"Kaninang umaga.. Akala namin magpapalamig lang ng ulo eh." nakayukong sabi ni Viceral na di mo maitatanging nahihiya sa nangyari.
Bago pa man ako muling makasagot ay nagkagulo na. Hindi na nakapagtimpi si Billy at pinagsusuntok si Viceral.
Inawat din naman ni Vice at Vhong ang dalawang nagsasapakan..
"Hindi nakakatulong yang lecheng pagsasakitan nyong yan! Delikado ngayon sa labas oh can't you see?! Tang ina! Baka kung mapano na si K! " galit na si Vhong.
Natahimik ang lahat matapos na sumigaw ito.
"Kung magsisisihan lang kayo hindi talaga natin makikita si Karylle." dagdag pa nito.
Ilang sandali pa ay kumalma na sila.
"Tara na Kuys. Hanapin na natin si K." kalmadong paanyaya ni Billy kay Vhong.
"Choleng, Anne.. At ikaw bakla, maiwan kayo rito." si Billy ulit.
Bago pa sila lumabas ng kwartong yun ay tiningnan nya muna ng masama si Viceral.
Pagkatapos ay nagkanya-kanya na silang alis.
Naiwan kaming tatlong babae dito..
OO TATLO. YATA.
"kalerki ang happenings ditey! di ko kinakaya.." pabaklang komento ni Vice na ngayo'y nagtatanggal ng kanyang suot na pink na blazer.
"hoy yung paa mo!" pagsaway ko sa kanya matapos kong mapansing ipinatong nya sa isang lamesita ang nanggigitata nyang paa.
"ay grabe sya oh! sakit thompson na kasi ng paa ko teh! tinapakan pa nung poging fafa kanina.." sagot pa nya na ikinapikon ko.
"Choleng, asan yung tubo?"
Nagulat at natawa naman ang kapatid ko sa tanong kong iyon. Hindi naman nya ko sinunod sa halip ay pumasok sya ng kwarto.
"Anong gagawin mo sa tubo teh?" inosenteng tanong nung baklang mukhang kabayo.
"isasalaksak ko sa bunganga mo!" pambabara ko.
Maya maya'y nabigla ako ng tumawa sya ng pagkalakas lakas.
"HAHAHAHA! POTA! HAHAHAHA! TEKA WAITSDSDHAHAHA!"
"Anong nakakatawa?" tanong ko.
"HAHAHAHA! KASI TEH HAHATEKAHAHA HINDI NAMAN KASYA SAKIN HAHAHAHA PERO SAYO HAHSHSHA OO HAHAHA!"
Hindi pa man sya tapos tumawa ay sinungalngal ko na sya ng walis tambo sa mukha.
"Pakyu ka Bakla!" sigaw ko sabay walk out.
-
A/N: merry christmas sibs! don't forget to watch BATB :)-Ms.J❤