A/N: Uhm guys? Suggest nga kayo! Beki ba o yung lalaking Vice? :D
--Continuation;
/
K A R Y L L E ' s P O V
Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong pumasok dito, bahala na si God kung ano man ang mangyari.
Matapos kong isara at ilock ang pinto ay hinarap ko na sila.
Medyo may kadiliman ang kwartong ito, tanging sinag lang ng araw na nagmumula sa bintana ang nagbibigay liwanag dito. Iginala ko ang aking mga mata at napagtanto kong isa itong stock room. Tiningnan ko ang dalawang babaeng nakaupo sa isang mahabang silya. Tumayo ang isa at humakbang papalapit sa kin.
Base sa kanyang suot na puting damit ay alam ko ng isa syang pharmacist o di kaya'y isang nurse. Katamtaman lamang ang kanyang taas,may magandang hubog ang katawan,at magandang mukha.
"Who are you?" tanong nya sakin, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sya. Medyo natameme ako ng pinaningkitan nya ko ng mata. Jusko!
"A-ako si ano.. Ahm, I am Karylle!" utal kong sagot. Naintimidate rin ako sa kanya hehe may accent kasi kaya't mukhang mapapalaban ako ng inglisan.
"Anong kailangan mo? Ninyo?" pota nagtatagalog pala sya hmf.
"Uhm ano.. Gusto lang namin kayong tulungan,i-if you want.. Uhm,M-may iba pa ba kayong kasama? Tsaka ano nga palang pangalan mo?" daldal ko sorry.
"Ako si A--"
"Ate!" pagputol ng isa pang babae sa sasabihin ng kausap ko.
Tumayo sya at tinabihan ito. Tulad ng kanyang "Ate daw" maganda rin ito at may hubog din ang katawan na lumabas pa lalo ang kurba dahil sa suot nyang fitted black dress.
Sa tantsa ko'y nasa mid 20's na ito at yung isa siguro'y kaedad ko. (wag nyo nang itanong basta wala pa kong 100. XD)
"ah miss pwede umalis na lang kayo? di namin kailangan ng tulong nyo." diretsong sabi nito sa kin. Natameme ako sa pagtataray ng babaing ito.
"Coleen!" saway ng kanyang ate sa kanya, siguro'y napansin nito na nabigla ako.
"Ahh .. I'm sorry, di ko naman gustong guluhin kayo.. Nais lang namin na tulungan kayo kung sakaling gusto nyo nang makakasama.. Uhm, kung ayaw nyo naman e ayos lang, aalis na lang kami." paliwanag ko.
Akmang tatalikod na ko nang muling magsalita yung babaeng nakaputi.
"Teka K-karylle!" pagtawag nya sakin.
"Ano.. Uhm pwede dito ka muna? Kasi uhm.. N-natatakot kasi ako. Kaming dalawa actually." pag amin pa nya. Nagtaka ako kung bakit at saan sila natatakot.
"Bakit?"
Nagkatinginan sila pero di na sumagot. Nakita kong punong puno sila nang takot at pangamba. Maya maya ay narinig kong kumatok na si Vhong, pero di ko sya pinansin.
"Ah sige ganito nalang, papapasukin ko rin yung dalawang kasama ko dito okay lang? Nag aalala na sila sakin e. O di kaya ay tayo nalang ang lumabas sa kwartong ito. Safe naman kayo hangga't kasama nyo kami. Mababait yun promise." paliwanag ko. Naghintay ako ng sagot sa kanila ngunit nanatili silang nakatitig sakin, mukhang pinag aaralan nila ako.
"k, enene? Eng tegel nemen.." pangungulit nila Billy sa labas ng kwarto. Naririndi na ko sa kanila kung kaya't naisipan kong pagbuksan na sila ng pinto subalit pinigilan ko nung coleen. Hinawakan nya ang kamay ko na nagpatigil sakin.
"A-ate K-karylle please wag!" pagmamakaawa nya sakin. At teka,Umiyak siya. Silang dalawa. Pero bakit? Ano bang nangyayari?
" shh, bakit kayo umiiyak?" tarantang tanong ko ng makita kong humagulgol na sila pareho. Lumapit ako sa kanila at inalo ko sila.
"sasaktan nila kami, pagsasamantalahan. ayoko na nun ayoko na!" umiiyak na sagot sakin ni coleen.
Ano daw? Pagsasamantalahan? Akala ko sa zombies sila natatakot.. May rapist ba na zombie?
"Teka nga, ano bang ibig nyong sabihin? Mabubuting tao kami at yung mga kasama ko. Ipaliwanag nyo naman sakin oh!"
Ngunit bago pa sila makasagot ay bumukas na ang pinto at agad na pumasok si billy at vhong. Nawindang ang dalawang babae at agad na tumakbo at nagtago sa pinakasulok ng kwarto.
"Shit Vhong! Tinakot nyo sila! Lumabas muna kayo!" sigaw ko kay vhong ngunit di nila ko sinunod.
"nag alala kami sayo k! ba't di ka ba sumasagot?" galit na bulyaw sakin ng tatay ko ay este ni Billy.
"wag kayong lalapit! umalis na kayo! please umalis na kayo!" humihikbing sigaw ni coleen sa aming tatlo. nagulat ako ng may hawak na itong baril at nakatutok yun kina billy.
Tiningnan ko yung isang babae, nakaupo ito at nakatago ang mukha sa kanyang mga tuhod.
Nabigla ako ng bumunot ng baril si Billy, kinasa ito at tinapat kay coleen.
"Billy ano ba! Ibaba mo yan! Matatakot lalo sila!" natataranta na ko sa mga nagaganap.
Hindi parin sila natinag kung kaya't gumitna na ko, kung ipuputok nila ay ako ang tatamaan.
"Coleen,Billy please ibaba nyo na yan.." pagmamakaawa ko. Naiiyak na ko.
Maya maya'y ibinaba na vhong ang kamay ni Billy. Umiling ito sa kanya na para bang sinasabing tumigil na.
"Lalabas muna kami K. Pero hindi mo pwede isara yang pinto" mahinahong wika ni Vhong sakin pagkatapos ay hinila nito paalis si Billy.
"C-coleen, ibaba mo na yan. Luma--"
"Ilock mo ang pinto!" bulyaw sa akin nung nakaputi.
Agad kong isinara at inilock ang pinto kahit na ayaw nila vhong. Pagkatapos ay maingat akong lumapit sa dalawang babae. Pareho silang umiiyak at magkayakap. Damang dama ko ang takot at pangamba na bumabalot sa kanila. Ilang saglit pa ay muli na kong nagsalita..
"Hanggang kailan kayo matatakot? Hanggang kailan nyo ba kayang magtago dito? Wala kaming planong masama sa inyo.. Please magtiwala kayo sakin. Kahit sakin lang.. Muna." paliwanag ko sa dalawa.
Huminto naman sila sa pag iyak at tinitigan ako. Para bang pinag aaralan nila ako.
"Dito ka nalang karylle.. Dito ka nalang samin.. Delikado sa labas." tila wala sa sariling sagot nung nakaputi sa kin.
"Kailangan nila ko. Kaibigan ko sila. Hindi ko sila kayang iwan.. " paliwanag ko.
Ilang minuto silang tumahimik. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Hanggang sa magsalita muli si Coleen.
"A-ate.. Ate karylle.. Paano kung sumama kami sainyo? Maipapangako mo bang hindi nila kami sasaktan? At tsaka hindi mo ba kami pababayaan?" seryosong tanong nya sakin.
Nagulat man ako sa tanong nya ay medyo nakaramdam ako ng kaginhawaan..
"Akumbahala sainyo. Hindi ko kayo hahayaang masaktan.. At alam kong ganun din ang gagawin ng mga kasama ko sainyo.. Makakaasa kayo." nakangiti kong sagot sa kanya.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong niyakap nya ko.
Niyakap ako ni Coleen. Samantalang yung isa ay pilit na ngumiti sa akin.
"Magtitiwala kami Sayo."
--
Author's Note.Boom. Utak pagong aketch lately sorna! I'll ud soon promise
Read.Vote.Comment.
-ms.j