Bang!
Bang!
Bang!
Magkakasunod na putok ng baril ang bumungad sa tatlong binata pagdating nila sa gusaling tinitirhan nila Viceral.
"Nasa loob na si K" tarantang sigaw ni Viceral sa dalawang binata.
Nagsitakbuhan sila papasok sa loob upang masaklolohan ang nanganganib na si K.
Una nilang pinasok na kwarto ay ang kay K syempre, ngunit wala silang nadatnan doon.
"Saan ba galing ang putok?" pasigaw na tanong ni Billy ngunit di alam kung kanino nagtatanong.
"di ko alam. pero sigurado ako na dito lang yun sa gusaling 'to!" hingal na sagot ni viceral, inismiran lamang naman siya ni billy.
Tulong!
Lahat sila'y natigilan ng marinig ang sigaw na yun.
Tulungan nyo ko!
Mabilis pa sa kabayong nagsitakbuhan ang tatlo patungo sa isang abandunadong kwarto nang gusali.
Kinatok nila ito.
"K?" tarantang sigaw ni Vhong.
Walang sumagot.
Sinubukan nilang pihitin ang doorknob ngunit nakalock.
"Dito ba yun Kuys?" tanong ni Billy na ngayo'y pawis na pawis.
Bago pa man makasagot si Vhong ay,
"Tabi kayo dyan!" nagulat ang dalawa ng dumating si Viceral na may dalang chainsaw. Kapwa sila nagsitabi upang di matamaan nito.
Walang pasubaling sinira ng binata ang pinto. As in buong pinto ang tinanggal.
WOAH! nanlalaking matang bulalas ng dalawa.
Nang masira na ng tuluyan ay walang pinalampas na pagkakataon ang tatlo at pinasok ang madilim at maalikabok na kwartong iyon.
O____O"
"Hi guys! Missed me? Hehe"
Nanlumo ang lahat sa nakita. Animo'y nanghina.
"Huhu shet huhu" si Viceral na papaiyak na at nakahawak sa pisnging sinuntok ni billy kanina.
"K, bakit? Bakit ha! Sabihin mo kung bakit?" nanghihinang sambit ni Vhong na ngayo'y dahan dahang napapaluhod.
Samantalang si Billy ay nanatiling nakatayo ngunit nakayuko.
"Umuwi na tayo.." malungkot at nanghihinang sambit ni Billy sa mga kasama bago mabagal at dahan-dahang humakbang palabas ng kwartong iyon. Sinundan naman siya ni Viceral at ni Vhong.
"Luh! Grabe sila oh!" pasigaw na komento ni K sa tatlo.
"Kayo kasi eh!" paninisi pa niya sa kasama.
"Anong kame!? Ikaw may pakana nito eh!" natatawang sagot ni Anne, Coleen at Vice kay K na ngayo'y nagkakamot ng ulo.
"Pero atleast may improvement dibuh? hihi tara lafang panalo feu! Ay Chos iba pala yun!" ani ni Vice habang ngumangata na ngayon ng cheesedog na nakatusok sa stick.
"Tama ka." nakangiting pagsang ayon ni K sa bakla.
--
A/N: merry christmas sibs! happy vhong anne day cous! :)MS.J