C O L E E N ' s P O V
Tatlong oras na magmula nung umalis sya. Hanggang ngayon ay hindi parin sya bumabalik. Nag aalala na kaming lahat.
"Hahanapin ko na sya. Dito lang kayo." sabi ni kuya Vhong.
Bago pa man sya makatayo sa kinauupuan ay bumakas na ang pinto. At inilabas nito ang taong kanina pa namin hinihintay.
"Oh brad anong nangyare sa yo? Tsaka Bakit duguan yang damit mo?" tanong ni kuya vhong.
Hindi sya nito pinansin bagkus ay lumapit ito sakin at walang pasabing hinila ako papalabas ng kwartong yun.
"Tara!" sabi niya sakin bago nya ko hilain.
-
"Hoy saan mo ba dadalhin ang kapatid ko?" tanong ni ate anne na ngayo'y nakasunod sa samin. Nilingon ko siya at nakita kong sumunod narin si Ate K at kuya Vhong.
Hawak ni Billy ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa lobby ng hotel na yun.
Unti-unting pumatak ang mga luha ko ng makita ko kung ano at sinong naroroon.
Sa isang batong poste sa lobby ay nakatayo ang dalawang taong may malaking kasalanan sa akin. Pareho silang zombie na, duguan, at kapwa nakatali. Nilingon ko si Ate na ngayo'y umiiyak na rin..
"Sila yun diba?" nakangising sambit nya sakin..
"Ano ba 'to!?" pagtataka ko.
Hindi sya sumagot sa halip ay lumapit sya sakin at pinunasan ang mga luha ko.
"Ikaw? O Ako?" nakalilitong bulong nya sakin.
"Ha? Anong ib--"
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya kong yakapin..
"Sige na. Ako na muna. Igaganti kita.."
Matapos nyang sabihin yun ay humiwalay na sya sakin..
"Vhong." pagtawag nya kay kuya vhong..
Agad naman itong lumapit sakin at automatikong tinakpan ang mga mata ko. Parang bang alam nya ang susunod na mangyayari.
Dahil sa hindi ko nakikita ang mga nagaganap ay pinapakiramdaman ko na lang.
Naririnig ko ay ilan sa mga tili ni ate anne at ate k na animo'y nagugulat.
"Omygosh!" -anne
"Ay billy ano ba jusko!"-k
"Shit! Anong ginagawa mo? Hala oy!" -anne
"Vhong awatin mo ano ba! Billy tama na.." -k
Puro yan ang naririnig ko.. Hindi ko maimagine kung ano bang ginagawa ni Billy.
Makalipas ang ilang minuto ay tumahimik ang lahat. Unti unti naring tinanggal ni kuya vhong ang kamay nya na nakatakip sa mga mata ko.
Nang makadilat ako ay natulala ako sa nakita..
Naka hubot-hubad na ang dalawang zombies.. Kapwa sila duguan at wala ng ari. Laslas narin ang kanilang leeg at may mga sugat ang buong katawan. Tinorture. Yan ang matatawag ko sa kanila ngayon.. Para silang tinorture. Pero laking gulat ko ng gumagalaw parin sila.. Bakit hindi pa sila tinuluyan?
"Anne. Lumapit ka dito." utos ni Billy kay ate.
Nang makalapit na si Ate anne ay iniabot nito ang katanang hawak nya.. Nag aalangan man si ate ay kinuha naman nya ito.
"Isa lang." dagdag pa nya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya rito. Ngunit ilang saglit pa ay
Automatikong nanlaki ang mga mata ko ng itinusok ni ate anne sa noo ng isang zombie yung katana, tumagos pa hanggang sa likod ng ulo nito. Pagkatapos nun ay muli nitong ibinalik kay Billy ang sandata at humakbang pabalik sa tabi ni ate k.
Tumingin naman sakin si Billy na para bang sinasabing ako naman. Itinaas nito ang katana at iniabot sa akin..
"Ako parin ba? O ikaw na?" seryosong tanong niya.
Kitang kita ko sa duguan at pawisan nyang mukha ang pagod. Alam kong ginagawa nya ito para sakin..
Kinuha ko ang katana at dahan dahang lumapit sa isang zombie..
Itinutok ko ito sa ulo ng nagwawalang halimaw na yun..
Pumikit ako upang maihanda ang aking sarili sa susunod kong gagawin..
Ngunit hindi ko pa iginagalaw ang kamay ko ng tumalsik na ang dugo nito sa mukha ko.. Tanda ng napatay ko na ito..
Nang dumilat ako'y doon ko lang nalamang hawak ni Billy ang kamay ko.. At sya mismo ang gumalaw nito para sa akin..
Napaupo at doon na humagulgol.. Gumaan ang pakiramdam ko dahil dun sa totoo lang.
Hindi ko akalaing may gagawa nito sakin.. May gaganti para sakin.. Ni hindi ko alam kung bakit.
-
"Tara na umakyat na tayo sa taas choleng.." malumanay na paanyaya sakin ni Ate Anne. Tiningnan ko sya. Nakangiti sya sakin at inilahad ang palad nya para ako'y patayuin..
Bago ako tuluyang tumayo ay lumingon ako sa paligid.. at nakita kong umaakyat na ng hagdan si Billy, Kuya Vhong at Ate K.
"Malaya na tayo. Wala na ang takot ko." Si ate anne. Niyakap nya ko at hinalikan sa noo.
"Yes. Sa wakas!"
--
A/N: putapete! sipag ko mag ud today haha❤
bahala kayo. mga hayop. XDVote.Comment.Suggest.
-ms.j ❤