A/N: Fast forward natin guys! XD
--/K A R Y L L E 's P O V/
Isang linggo na simula nang magkasama kaming tatlo. Mas napalapit at nakilala namin ang isa't-isa sa paglipas ng araw.Hindi man naging madali samin ang mag-adjust ay wala parin namang gustong mang iwan, kahit na madalas na pagtalo yung dalawa XD Halimbawa nalang ay nung,
1st Day:
"Sa hotel na kaya muna tayo brad? Gusto ko ng maligo at matulog e. Sa tingin mo K?" tanong ni Vhong samin ni Billy na ngayo'y nagmamaneho. Nagsasalitan kasi kami.
"Kanina sabi mo sa 7eleven muna para makakain ! Tapos sa Gun store para makakuha pa tayo ng armas ! Tapos ngayon sa Hotel na!? Yung totoo? San talaga?" inis na sabi ni Billy kay Vhong,mukhang pagod na talaga sila pareho XD
"Sa Hotel na lang Billy. May mga can goods pa naman tayo jan. Inaantok na talaga ako e. Sigi na pwease?" sabi ko at doon na sya huminahon.
Nako sabi na e kras ako neto e XD
Day 4:
"T*ngina mo Kuys! Kala ko ba ikaw ang leader? Muntik mo na kaming ipahamak ni K ah!" galit na sabi ni Billy kay Vhong. Mainitin talaga ang ulo nito e sorry na.
"Wag mo nga kong minumura Brad! Wala akong balak iwan kayo dun, kung hindi ako umalis edi malamang na mas maraming na ang lumapit sa inyo!" galit narin si Vhong.
*FlashBack*
Nasa 7Eleven kami at kumukuha ng stocks para sa buong linggong kakainin namin. Dahil busy kaming lahat ay hindi namin namalayang may mga zombie na palang dumarating. Pumasok ito sa loob at kanya-kanyang sugod samin. At dahil sa overprotective sakin ung 2 lalaki ay itinago nila ako sa isang sulok ng store.
*nu ba yan =_=' * reklamo ko ng pabulong.
"Dito ka lang K." Paalala sakin ni Billy pagkatapos ay sumugod narin sya sa mga zombie..
Pinanood ko lamang sila. Maya maya'y nagulat ako ng biglang tumakbo palabas si Vhong. *Lagot na, nang iwan na yata!*
"Hoy Gago bumalik ka dito!" sigaw ni Billy kay Vhong habang patuloy parin sya sa pagpatay sa mga ito.
Ilang sandali pa ay may nakakita na saking zombie. Wala akong dalang armas kung kaya't kinabahan talaga ako. Lumalapit ito sa akin kaya't tinawag ko na ang atensyon ni Billy.
"B-Billy.. M-may Zooommbiiiieee.." nanginginig na sabi ko sa kanya pero mukhang hindi nya ko narinig dahil sa maingay rin ang mga zombie'ng kaharap nya.
Gumawa ako ng paraan upang hindi makalapit yung isa. Binato ko sya ng binato nang mga nahahawakan kong bote at lata subalit hindi parin sya natitinag. Unti unti na syang lumalapit samantalang ako ay nacorner na sa may pader. Wala na kong magawa, pumikit nalang ako at nagdasal.
"Lord, please yoko pa mamatay huhu!" bulong ko at hinintay nalang ang tuluyang pagkain sa kin ng zombie, pero ilang hakbang nalang ang pagitan namin ng makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Maingat akong dumilat at nakita ko si Vhong.
"Jusko.. Salamat po." tanging nasabi ko ng makita kong tumba na ang zombie'ng nagtangka sakin.
*End of Flashback*
Day 6:
"Bakit kailangan pang hiwalay ng kwarto si K? Paano kung may zombie'ng pumasok sa kanya dun? Edi hindi natin sya maipagtatangol." pahayag ni Billy kay Vhong.
"K-kaya ko naman Billy.. Magdadala nalang ako nang katana dun para safe." sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi sila nagtatalo.
"O brad! Sa kanya na mismo nanggaling na kaya naman nya! Nu ka ba!? Kailangan din nya ng privacy Brad. Hahaha! " nakangising sabi ni Vhong. Natawa rin ako ng bahagya dahil sa tawa nang mokong. Napikon tuloy si Billy samin at nag walk out. XD
"Lagot ka K tinawanan mo kasi eh.." pang aasar sakin ni Vhong, nakatanggap naman sya nang sunod sunod na hampas galing sakin. Kapikon e! XD
Matapos nun ay lumabas na ko ng silid nila. Nakita kong nakaupo sa labas ng kwarto ko si Billy habang hinahasa ang kanyang paboritong katana.
"Pumasok kana sa loob K. Dito na ko sa labas ng kwarto mo matutulog para makasigurado. Babantayan kita." sinserong wika nya sakin bago ako pumasok sa kwarto.
"Aaminin kong kinilig ako dun hihi :) Ganda ko talaga! Ako na talaga!" bulong ko sa sarili ko. XD
--
Author's Note#BillyRylle?
or
#VhongRylle?
Hahahaba ng Hair :D
**
All right reserved 2015
Written by: Ms.JREAD-VOTE-COMMENT