Chapter 1
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko pagkatapos ko makita ang bahay naming nasusunog.
" bata lumayo ka muna malapit na ang mga bumbero "
" pero nandun ang mga magulang at kapatid ko "
" pero "
Hindi ko na siya pinatapos mag salita at tumakbo na ako papuntang bahay.
Wala na akong pake kung masunog ako doon basta maligtas ko lang sila." BATA! "
Naririnig kong sumisigaw yung mga taong nakapalibot sa bahay namin.
Pagkapasok ko nakita ko kaagad yung arnis ko kaya naman kinuha ko kaagad umakyat ako sa taas at sinubukan kong iligtas sila mama't papa pero natabunan na sila ng mga kahoy na nahuhulog. Pumunta naman ako sa kabilang kwarto nakita ko si kuya nandun naipit yung paa.
" kuya "
" tulongan mo ako makaalis dito "
Lalapitan ko na sana siya ng biglang may nahulog na mga kahoy nadagnan rin si kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumabas na ako ng bahay pero sa walang tao.
Habang naglalakad ako papalayo sa bahay namin nakikita kong paunting unting bumabagsak ng dahan dahan yung bahay namin. Wala na akong mapupuntahan. Saan na ako pupunta?
***
Ang nakikita ko lang sa paligid ay puro bahay na patay ang ilaw pero habang patuloy akong nag lalakad napapansin kong pakonti konti na ang mga bahay. Mukhang gubat ata ang mapupuntahan ko? Huwag naman sana , pero hindi na ako nag dalawang isip pinagpatuloy ko ang pag lalakad ko.
Hindi nga ako nagkamali gubat nga.
Wala na akong makita sa sibrang dilim. Nang biglang may nakita akong ilaw. Medyo malapit na siya saakin ang kailangan ko lang gawin ay lapitan to.Malapit na malapit na ako. Ilaw pala yun ng convenience store. May isang guard na naka bantay buti nalang mataba . Sakto gutom na gutom na ako. Babae yung nasa cashier. Sa sobrang gutom ko gusto ko tuloy magnakaw. Hay no choice.
Minsan talaga kailangan nating gumawa ng masama para mabuhay.
sorry talaga. Buti nalang maraming mga malalaking dahon dito para atleast diba may matataguan ako.
Habang dahan dahan ang naglalakad nakakita ako ng limang bato. Kinuha ko naman yung mga bato. Nakaisip narin ako ng plano.Sinasadya kong gumalaw ng tudo sa pwesto kong to para pumunta yung matabang guard at buti nalang pumunta nga pinapalapit ko siya saakin kasi madilim dito. Niready ko narin yung arnis ko. Isang arnis lang kinuha ko.
" sino yan? "
Sige lumapit kalang dito. Tumigil na ako gumalaw ng tudo. Habang palapit na siya ay nag boses pusa ako. Hahaha! Alam kong nakakatuwang idea yun pero gumana.
" pusa lang pala "
Nung tumalikod na siya inatake ko na siya hinampas ko na siya sa paa at nung bumagsak siya kinuha ko kaagad yung baril pero dahil ayaw kong pumatay sinapak ko nalang siya sa mukha at ayun tulog.
Naramdaman ito ng babae nakita niyang napatulog ko yung guard. Tumawag kaagad siya ng pulis. Nako! Masama to! Tumakbo ako papunta sa likod ng convenience store at nakakita ako ng pintuan. Pumasok ako ng dahan dahan at nakita kong binaba na yung telepono.
Sinuot ko muna yung hood ko just in case na may CCTV. Hinampas ko yunh babae sa paa at bumagsak to sinapak ko rin at nakatulog. Nung nakita ko na yung CCTV binato ko ng limang bato na napulot ko kanina.
Nasira ko na yung CCTV kaya naman kinuha ko rin bag ng babae at naglagay na ako ng mga pagkain na pwedeng nakawin. Nung nalaman kong sapat nayun nakarinig ako ng mga kotse ng pulis. Tumakbo ako kaagad palabas. Umakyat ako sa puno.
Nakita kong bumaba na yung pulis. Iniimbestigahan na nila yung pangyayari. Nung lumabas sila may lumabas ulit sa sasakyan. Mahaba ang sout alam niyo yun? Yung para assassin na jacket. Feeling ko nga detective to.
Nag uusap yung pulis pati yung parang detective. Naglakad lakad sila at napatigil sila sa tapat ng puno kung nasaan ako.
" search the area "
Sabi nung parang detective. Kaya naman lumibot yung mga ibang pulis. Mga ilang minuto pa ay bumalik sila.
" ano may nakita kayo? "
" wala po sir "
" pfft ganito lang yan kung wala dito sa baba ang suspek edi nasa taas. "
Ayun nakita kong tumingin siya saakin. Ang sama ng tingin niya. Patay nahuli na ako. Inilawan na niya ako.
" ayan siya oh "
Patay!
<END OF CHAPTER 1
Sana nagustuhan niyo ang kabanatang ito at sana magkaroon pa kayo ng gana para basahin ang susunod na mangyayari sa susunod na update. God bless po.