Chapter 8
EREC'S POV
" Erec "
Nakarinig ako ng boses pang babaeng boses. Hindi ko alam kung sino... teka babaeng boses?
Edi si ...PAK!
" ARAY! Potek! Ansakit nun ah! "
Napatingin ako kay Mica na may hawak na libro. Nakita kong gulat na gulat siya at kinakabahan.
" so..sorry ayaw mo kasi gumising eh.. "
" hindi mo naman ako kailangan hampasin ng libro "
" sorry "
Hinaplos ko yung ulo ko medyo masakit parin. Nakatingin parin saakin si Mica.
" okay lang yun umupo kana "
Umupo naman siya at ngumiti. Nilagay na niya yung libro sa bag niya.
" by the way inakyat na pala ni kuya Josh yung bag natin "
" ahh ganun ba? Sige sige salamat "
Tumayo ako sa pinagkaka upo ko at lumapit kay One tinititigan siya. Umaasang gumising na.
Knock! Knock!
" pasok "
Sabi ko dun sa taong kumakatok.
Pumasok naman ito at pagkatingin ko ay si Rain yung pumasok. Hinawakan niya balikat ko." almusal muna kayo sa baba isama mo si Mica "
" ahh okay okay "
Paalis na dapat si Rain nang biglang may pumasok sa isip ko kaya napahawak ako sa braso ni Rain. Napatingin naman si Rain saakin na parang takang taka siya.
" paano mo nakilala si Mica? "
"ahh nakwento na saakin ni Josh na girlfriend mo daw siya tama?"
"ahh sige salamat susunod nalang ako "
" sige "
Pagkalabas ni Rain napatingin ako kay Mica. Wait. what? Nagblublush si Mica. Tinitigan ko lang siya.
" anong problema mo? "
" ahh.. ehh.. wala wala. Kain na tayo sa baba? "
" mabuti pa nga tara na "
Bumaba na kami. Pagkababa naman namin nakita kong naghihintay si Rain at Josh. Nagpareserve ata ng table.
Nilapitan namin silang dalawa." saan kami? "
Tanong ko.
" dun sa kabilang lamesa may pagkain na dun na hinanda namin kain nalang kayo "
Sagot ni Rain saakin.
" salamat po teka , may pasok kami ngayon "
" dont worry nakausap ko na yung principal okay na lahat "
"ahh ganun ba? Sige salamat ulit Rain "
" sure "
Napatingin nalang ako kay Mica. Nakita kong naka ngiti saakin pero may halong hiya sa mga reaksyon niya. Problema netong babaeng to? Masyadong mahiyain? Tsk.
" Tara na dun tayo sa kabilang table "
Aya saakin ni Mica , wala naman akong nagawa kundi sumama sakanya sa kabilang table. Alam mo na? marami ring pwedeng gumalaw kay Mica kapag iniwan ko siya dito. Bukod kasi sa cute siya may dating siya to be honest. Kahit yung bangs niya ay nakakadistract.
Umupo na kami dun sa upuan kung saan kami pinapunta ni Rain. Pagka upo na pagka upo namin ay may dumating na kaagad na order?
" Ay sir hindi namin inorder yan , kakaupo lang namin "
Masungit kong sabi sa waiter. Napatingin naman yung waiter kay Rain.
" Mukhang hindi nga kayo ang nag order pero may nag utos saakin para ibigay ang mga ito sa inyo , so enjoy "
Sabi nung waiter saamin ni Mica. Umalis naman kaagad yung waiter sa harapan namin. Nilapag nayung mga food. Pang mayayaman yung food na inorder ni Rain ah.
" Ang mamahal nito ah? "
Sabi ni Mica saakin , hindi siya masyadong makapag salita kasi naamoy niya yung mabangon amoy ng pagkain.
" Alam mo Erec yang detective nayan parang pamilyar saakin "
Nagulat naman ako nang biglang nagkwento si Mica ngayon. Kumakain siya habang nakatitig kay Josh. Bakit ano bang meron kay Josh?
" Paanong pamilyar? "
Tanong ko naman sakanya , sumubo naman siya ng ice cream. Itong si Mica pag kumakain parang bata eh! Kaya siguro maraming nantritrip dito kahit may itsura eh?
" Para kasing nakita ko na siya before , pero hindi ko matandaan kung saan at kailan "
Paliwanag naman ni Mica saakin , Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko netong ice cream na imported.
" Alam mo baka naman napaninginipan mo lang si Josh kagabi kaya ka nagkaka ganyan "
Sermon ko naman sakanya. Nginitian naman niya ako. Ngayon ko lang napansin na may ice cream siya sa pisnge niya. Nakatitig lang ako sakanya. Pinag iisipan ko kung tatangalin ko ba o hindi. Well tinangal ko. Pinunasan ko yung pisnge niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
" Sa susunod naman ayos ayusin mo yang pagkain mo "
Pagsusungit na sabi ko sakanya , tumingin naman siya saakin. Nakatitig lang. Para siyang yelo kung tumitig. Hindi talaga siya gumagalaw. Naka tulala lang siya kahit ako nilalamon na yung mga pagkain na andito sa lamesa. Sayang naman kung hindi ko susulitin.
" Hey kumain kana sayang food na hinanda ni Rain kung hindi ka kakain "
Sermon ko sakanya. Nagpout naman siya at napansin ko naman na kumain na siya.
" Malapit na pala yung halloween nuh? handa kana ba? "
Tanong saakin ni Mica , naka tingin lang naman ako sa kinakain namin. Hindi ako tumitingin sakanya. Pero kahit hindi ako nakatingin sakanya alam kong naka tingin siya sakin.
" Oo handa na ako , ikaw? "
Bigla siyang huminga ng malalim. Sobrang higpit nung pagkakahawak niya sa spoon and fork niya. Ako naman napa tingin lang sakanya. Bakit kaya? Yare dito?
" Anong nangyayare sayo? "
Pagtataray ko kay Mica. Pagkatingin ko sa mukha niya napansin ko na namumula siya. Namumuo yung mga luha sa mga mata niya. Ang kyut niya kapag maiiyak na. Hehe. Ansama ko nuh?
" So.. sorry "
Paghihinge ng tawag ni Mica saakin. Inabutan ko naman ng panyo si Mica.
Kinuha naman niya yung panyo tapos pinunas niya yung panyo sa pisnge niyo kung saan tumulo ying luha niya." Salamat "
Sabi niya saakin sabay abot nung panyo.
" sayo nayan , ayaw kong binabalik yung panyo ko na ginamit na ng iba "
Pang aasar ko naman sakanya. Nagpoker face naman siya at binato ako ng kanin.
" Sayo nayan remembrance ko nayan sayo Mica okay? "
Ngumiti naman siya sa sinabi ko at nagpatuloy na kaming kumain.
" Erec "
" bakit? "
" pwede favor? "
" ano yun? "
Napansin ko na bigla siyang huminga ng malalim tsaka tumingin siya saakin ng diretsyo.
" Protektahan mo ko ah "
< End of Chapter 9
![](https://img.wattpad.com/cover/52898436-288-k742860.jpg)