Chapter 7

10 0 0
                                    

Chapter 7

EREC'S POV

Nakatangap ako ng text mula kay Josh yung detective na humuli saakin. Hindi tuloy namin maeenjoy yung pagkain namin ng dinner.

" uhmm Mica mukhang mauuna na ako "

Sabi ko kay Mica , tumingin siya saakin na para bang malungkot.

" bakit? "

" na aksidente daw si One "

" huh? Si One? Tara puntahan natin siya! "

" sasama kapa Mica? "

" oo kaibigan nanatin siya diba kahit ngayon ngayon lang tayo nag kakilala "

Ngumiti nalang ako at tumayo. Tinulongan ko nalang si Mica mag lagay ng pagkain sa ref.
Nung nalagay na namin yung pagkain lumabas na kami at nilock na ni Mica yung pintuan at ayun nauna na kami.

" hay gabi na "

" alam mo Mica hindi mo naman kailangan sumama , gabi na oh "

Tumingin ulit saakin si Mica pero seryosong mukha na ngayon an pinapakita saakin.

" baliw ka ba? Kapag iniwan mo ko dito mag isa lalo akong mapapahamak "

" bakit naman? "

" ehh ako lang naman mag isa diyan sa bahay "

Nung sinabi yun ni Mica naka rinig ako ng isang paglakad. Malapit lang saamin yung tunog.
Natahimik ako sa pang yayare.

" tss "

" ok kalang Erec? "

" shh .. tumahimik ka muna "

Bulong ko kay Mica , hinatak ko na si Mica at tumakbo kami. Kahit ba maraming bahay dito sa village nato marami paring puno at mukhang wala namang pake yung kapitbahay ni Mica.

" bilisan mo tumakbo "

Sabi ko sakanya ... pero nadapa siya hay! Nakakainis naman!

" bilisan mo tumayo kana! "

Tumayo naman kaagad si Mica at may humawak na sa balikat ko.

" Erec... "

Nung narinig ko yung pangalan ko binilisan ko yung pag labas ng arnis ko at hinihampas sakanya.
Ngunit ... nablock niya ito.

Si Detective Josh pala..

" Josh? Anong ginagawa mo dito?"

" para sunduin ka "

Sagot naman ni Josh. Tinignan ko naman si Mica at mukhang maayos naman siya. Nakatulala kay Josh kasi medyo matangkad si Josh eh.

" ano tara na? "

" ok lang ba Josh kung isasama ko tong babae? "

" unang araw palang ng klase may syota kana? Sige tara na "

Hindi na kami nakapag salita ni Mica kasi ang bilis mag lakad ni Josh papuntang kotse.

***

Nung nakasakay na kami sa kotse. Magkakatabi kaming tatlo kasi may driver naman si Josh.
Feeling ko napaka yaman ni Josh dahil sa tulong ni Rain.

" ihatid mo kami kung nasaan yung kaibigan ni Erec , alam mo naman yun diba? "

Sabi ni Josh doon sa driver niya.
Ngumiti nalang to at nag drive na siya.

***

Habang nasa byahe kami ay may binulong saakin si Mica.

" pasandal ako .. hehehe inaantok na ako eh "

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon