Chapter 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

RAIN'S POV

Naglalakad ako sa hallway dito sa hospital kung nasaan si One. Habang nagpapatuloy akong naglalakad napansin ko na pinagtitinginan ako. Hindi ko alam kung bakit? siguro nakikilala nila ako.

Nung nakarating na ako sa tapat ng pintuan ni One , binuksan ko dahan dahan yung pintuan at hinanap siya. Nakita kong naka higa parin siya at naka tingin lang sa kesame.

" Anong kailangan mo? "

Tanong saakin ni One na ngayon naka tingin na siya saakin. Nginitian ko lang siya. Inirapan niya lang ako at huminga ng malalim. Kahit kailan talaga masungit yung mga kinukuha kong miyembro para sa binubuo kong gropo. Sana magkasundo sundo sila.

" Gusto ko lang sabihin sayo na kailangan ko ng tulong mo "

Paliwanag ko naman sakanya na ngayon ay umiwas na ng tingin. Hinawi niya yung kumot niya at umupo siya mula sa pagkakahiga.

" Anong tulong ang kailangan mo? "

" Gusto ko hanapin mo yung taong ipapahanap ko sayo "

Sagot ko naman sa tanong niya. Hinawi niya naman yung bangs niya na humaharang sa mukha niya. Tinangal na niya yung mga naka dikit sakanya.

" Anong ginagawa mo? "

Tanong ko naman sakanya. Tumayo siya at tinignan ako ng diretsyo.

" Kailangan ko na magsimula magtrabaho , naiintindihan mo bayun? kailangan ko na rin hanapin kapatid ko kaya magsimula na tayong maghanap "

Mahabang paliwanag ni One saakin at lumapit saakin. Lumabas naman na ako ng kwarto at naghanap ng damit na pwedeng pampalit ni One. Nung naka hanap na ako bumalik ako sa kwarto at inabot sakanya yung damit.

" ayan suotin mo "

sabi ko sakanya sabay abot nung nga damit. Tinignan naman ni One yung damit at napangiti siya.

" may taste ka pala sa damit? "

Sabi sakin ni One. Napangiti ulit ako at sinabi sakanya na bilisan mag bihis. Habang nagbibihis siya lumabas ako ng kwarto. Nakita ko yung isang nurse na papunta saakin.

" Sir hindi pa po pwedeng umalis yung pasyente dito sa ospital "

Sabi ng nurse saakin. Pinakita ko naman sakanya yung ID ko at mabilis naman niyang tinangap yung request ko. Umalis na kaagad siya sa harap ko nung napakita ko sakanya yung ID ko.

" Hey? paano mo nagawa yun? Ang galing mo naman pinakita mo lang yung ID mo tapos okay na ang lahat "

Sabi saakin ni One. Tinalikuran ko lang siya at inayos ko yung suit ko. Inayos ko narin yung necktie ko.
Sumunod naman siya habang naglalakad ako. Kalmado lang kaming naglalakad. Nung nasa tapat na kami ng kotse ko. Pinagbuksan kami ni Josh ng pintuan at pumasok na kami sa loob.

" saan tayo pupunta? "

" sa bahay ko "

***
MICA'S POV

Habang naglalakad kami papuntang classroom bigla ulit kaming nagkarinig ng yakap ng paa.
Napatingin kami ni Erec sa likod.

" Erec? narinig mo yun? "

Tumingin naman si Erec sa tinititigan ko at hinawi ako ni Erec papuntang likod niya. Hinawakan niya yung binte.
Maya maya pa ay hinawi ako ni Erec papunta sa right side ng corridor.
Siya naman yumuko kasi iniwas niya pala ako sa isang kutsilyong paparating saamin.

" Dito kalang sa likod ko "

Paalala saakin ni Erec habang hinahawakan niya yung kamay ko. Hindi siya kumikibo , nakapikit siya at hindi gumagalaw.

" anong ginagawa mo? "

tanong ko sakanya.

" Wag kang maingay pinapakiramdaman ko yung paligid para malaman ko kung paparating na siya o hindi "

Sabi niya saakin habang lalo niyang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko. Wala naman akong nagawa kundi tumahimik nalang para maka tulong ako kay Erec na maka ligtas dito.

Nung tumahimik ako halos mabinge na ako. Nakakabinge dahil sa sobrang tahimik. Hindi parin gumagalaw si Erec. Hindi nagtagal hinawi niya ako at may sinakal mula sa likod ko.

" Anong ginagawa mo dito? "

Pasigaw na tanong ni Erec dun sa taong sinasakal niya.

" Chill .. ako si Joe narinig ko kasi boses ni Mi .. Mica kaya pumunta ka.. kaagad ako "

Sagot naman ni Joe habang pinipilit tangalin ni Joe yung pagkakasakal sakanya ni Erec.

" Bakit mo kami binato ni Mica ng kutsilyo?! "

Nung tinanong ni Erec si Joe biglang nagbago yung mood ng itsura ni Joe. Nagtataka yung itsura niya. Parang wala siyang alam sa sinasab ni Erec.

" Hindi a..ako yun .. Hindi ko a..alam yung si..sinasabi mo "

Bigla naman binitawan ni Erec si Joe. Napaluhod naman si Joe at hinahabol yung hininga niya. Nakahawak siya sa leeg niya.

" Tama na Erec "

Sabi ko kay Erec sabay hawak sa balikat niya. Napatingin lang si Erec kay Joe. Si Joe naman dahan dahan tumayo. Nagka titigan si Joe at Erec , diretsyo yung tingin nila sa isa't isa. Parang may kidlat sa gitna nila.

" Andun yung classroom natin , kanina pa namin kayo hinahanap "

Diretsyong sagot ni Joe. Napatingin din si Joe sa binte ni Erec na ngayon ay patuloy na tumutulo yung dugo ni Erec mula sa binte niya.

" Anong nangyare sayo? "

" Inatake kaagad kami nung warfreak eh kaya nagka ganyan si Erec "

Sagot ko naman sakanya. Napatingin naman saakin si Joe at mabilis akong nilapitan hinawakan yung pisnge ko. Makikita ko sa mata niya na alalang alala siya saakin.

" Okay kalang ba? Sinaktan kaba niya? hindi kaba nasugatan? "

Alalang alala talaga saakin si Joe.

" Yes dont worry Okay lang ako "

Maya maya nagulat nalang ako nawala na si Joe sa harap ko. Napatingin ako sa sahig. Nakita kong naka hilata na si Joe sa sahig. Sinapak siya ni Erec , tulog kaagad si Joe sa sapak na inabot niya mula kay Erec.

" Ayaw kong may humawak sa girlfriend ko "

Nagulat ako nung sinabi niya yun. Para naman kasing tinutotoo niya eh hindi ko naman talaga siya sinagot. Miski ligaw hindi niya nga ginawa.

" Hoy! Erec! Hindi naman talaga tayo ah! Hindi mo nga ako nililigawan eh! Tsk! nananakit kana ng ibang tao! wala naman ginagawan masama eh! "

Pasigaw na sabi ko sakanya. Bigla naman siyang napatingin saakin. Nakita ko yung itsura niya na kumalma na. Nawala yung sungit niya. Nasaktan ko ata siya sa sinabi ko?

Hindi na siya nagsalita , hindi na niya ako tinignan. Binuhat niya lang si Joe para dalhin sa classroom namin.
Ano bang problema nun? Hay.

< End of chapter 12

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon