Chapter 13
ROSE'S POV
Andito kami ngayon sa classroom kasama yung iba pa naming kasamahan. Si Joe naman umalis para sunduin si Erec at Mica kanina pa kasi sila nawawala baka kung ano na nangyare sakanila.
" wala naba talaga akong pag asa sayo Rose? "
Nagulat ako kasi biglang may nagsalita sa tabi ko na ngayon ay papaupo palang. Napatingin ako sakanya , nakita ko na papaupo na si Jose.
" Alam mo naman na gustong gusto ko si Erec diba? mahal na mahal ko yun kahit hindi niya naalala na niligtas niya ako dati "
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Oo niligtas ako dati ni Erec. Hindi na niya naalala syempre sigurado naman ako na hindi lang ako yung niligtas niya.
" Paano kaba niya niligtas? "
Patuloy na tanong niya saakin. Huminga naman ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob.
" Dati kasi yung papa ko gumagamit nang pinagbabawal na gamot , lagi niya akong sinasaktan. Hanggang dumating yung araw na sumulpot si Erec mula sa walang pinangalingan. Bigla nalang siyang lumitaw nung muntikan na akong patayin ni papa. "
Napatingin ako kay Jose. Seryoso parin yung itsura niya. Hindi siya kumikibo. Seryoso talaga yung pakikinig niya sa pagkwekwento ko. Talagang nakikinig siya sa kwento ko.
Naalala ko payung pang yayareng yun.
[ Flashback ]
Lumabas ako ng kwarto ko nun at nakita ko si papa na may kasama nanamang ibang babae. Hindi ko na sila pinapansin kasi parang normal nalang saakin na nakikita si papa na may kasamang iba't ibang babae.
Hanggang sa dumating na lasing na lasing si papa at parang wala siya sa sarili niya as always. Nakita niya ako na naka upo sa sofa. Paonting onting lumalapit si papa sakin. Iba yung tingin niya saakin at sa katawan ko. Para siyang may malisya.
Habang palapit siya ng palapit dahan dahan naman akong unaatras." Huwag mo kong lalapitan papa "
Sabi ko sakanya pero ang kapalit ng ginagawa niya ay ngiti. Kakaiba yung ngiti na binibigay niya saakin. Magsisimula nang tumaas yung mga balahibo ko. Ang nararamdaman ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Natataranta ako at hindi ko alam yung gagawin ko.
Maya maya ay sumugod siya , hahalikan niya sana ako pero hindi siya nakalapit saakin. Nagulat ako ng biglang may humatak sakanya mula sa likod at binato dun sa kabinet.
Nakita ko yung isang lalakeng may itim na suot. May arnis siyang dala dala sa likod niya pero hindi niya ginagamit.
" Si.. Sino ka naman? "
Tanong ng papa ko. Naglakad siya dahan dahan papalapit sa papa ko nilabas yung arnis niya.
" Ako si Erec ang taong tatapos sa buhay mo "
Bigla niyang hinampas si papa sa ulo at nahimatay. Napatingin naman saakin si Erec at dahan dahan lumapit.
" papatayin mo rin ba ako? "
" Hindi ka naman kasama sa mission ko kaya hindi kita gagalawin "
Kalmadong sagot ni Erec saakin. Sobrang diretsyo yung tingin niya saakin. Makikita mo yung mga pulang mata niya. Tinuro naman niya yung legs ko gamit yung arnis.
" Sa susunod na makikita kita siguraduhin mong mahaba nayang suot mo , ayaw ko na nakakakita ako ng babaeng may maikling suot "
" o..opo "
Sagot ko naman sakanya. Tumalikod na siya at nakita namin na wala nayung papa ko. Nasaan na si papa?
" Hinahanap niyo ba ako?! "
Malakas na tanong ni Papa saamin ni Erec. Napa tingin naman si Erec at ilalabas na sana niya ulit yung isang arnis kaso biglang binaril niya si Erec gamit ang shotgun. Tumalsik si Erec.
Tumawa si Papa ng sobrang lakas. Nababaliw na talaga si papa , nagulat ako ng biglang namatay yung ilaw. Kinasa ulit ni papa yung shotgun niya.
" huwag kang maingay andito lang ako , ililigtas kita "
Mahinahon na boses ni Erec , hindi ko alam kung paano nakaligtas si Erec pero natutuwa ako kasi nakaligtas siya.
Hinawakan niya ako sa bewang , sobrang gentle nung hawak niya sa bewang ko. Hindi siya mahigpit at masakit pero nabuhat niya ako.Nilagay niya ako sa isang kwarto kung saan hindi ako matatamaan? ata.
" Dito kalang , ako na bahala sa papa mong baliw "
Sabi ni Erec sabay ngisi. Bigla na siyang nawala sa paningin ko. Bumaril yung papa ko kaya umilaw sa kwarto kahit saglit.
" Asan ka!? ipakita mo yung sarili mo!? asan ka wag kang duwag!? "
Paulit ulit lang yan na sinisigaw ni papa sabay nagpapaputok ng baril. Maya maya ay nakita ko na tumahimik nayung paligid.
" ASAN KA! IPAKITA MO YUNG DUWAG MONG MUKHA IDIOT! "
Huling sigaw ni papa.
" Andito ako "
Sabi ni Erec nagulat ako nang biglang umilaw at nakita ko na nasa likod na siya ni papa. Sinaksak ni Erec sa leeg si papa gamit ang kutsilyo.
Nung natapos nayung mission ni Erec. Lumapit na siya sakin at binuksan ang pintuan.
" Ligtas kana "
Sabi saakin ni Erec , hindi siya tumitingin sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit pero biglang namatay yung ilaw at nawala na siya. Sobrang bilis niyang kumilos.
[ present ]
Napatingin ako kay Jose at nakita konh seryoso siya sa pakikinig hanggang sa natapos kong ikwento.
" Sobrang lake pala ng utang na loob mo kay Erec "
Malungkot na sabi ni Jose sakin.
" Yes "
" Gusto mo ba siya dahil gusto mo siya o gusto mo lang siya kasi tinulongan mo siya "
Sasagutin ko na sana siya kaso biglang dumating na sila Erec. Binuksan ni Erec yung pintuan. Nakita namin na buhat buhat niya si Joe. Tulog na tulog.
" Anong nangyare? "
Tanong ni Jose kay Erec.
" Nasapak ko "
Pumasok naman si Mica sa classroom lahat kami nakatingin sakanila. Nilapag ni Erec si Joe sa tabi namin. Hindi ngumingiti si Erec. Wala siyang reaksyon , pero mukha siyang badtrip bakit kaya? may nangyare siguro.
Nakita ko na tumabi si Mica kay Erec sumandal siya kay Erec pero tumayo kaagad si Erec at pumunta sa gilid ng classroom. LQ ba silang dalawa?
Naka tingin si Mica kay Erec. Sobrang lungkot ng itsura ni Mica. Napatingin naman si Mica saamin at nginitian ko lang.Napansin ko na namumula nayung mata niya. Naiiyak na ata si Mica? Ano bang nangyare sa dalawang to? okay lang kaya sila? sana naman okay lang sila.
< End of chapter 13
