Chapter 14

2 0 0
                                    

Chapter 14

MICA'S POV

Naka balik na kami dito sa classroom pero si Erec biglang nawala sa mood. Hindi siya nagsasalita binaba niya lang yung katawan ni Joe sa lapag pero dahan dahan. Tahimik lang siya kanina pa. Nung tinabihan ko siya tumayo siya at lumipat malapit sa bintana.
alam kung hindi siya okay. bakit kaya?

" Mica "

Tawag saakin ni Rose tinabihan niya ako at tinitigan. Nag alala yung tingin ni Rose saakin.

" Po? "

Magalang na sagot ko sakanya. Tumigin naman siya kay Erec.

" Anong nangyare sakanya? "

Hay. Hindi ko rin kasi alam eh kaya hindi ko alam kung ano isasagot ko sakanya.

" mukhang wala karing alam kung anong nangyayare sakanya nuh? "

Dugtong na sabi niya. Tumango nalang ako kasi wala talaga akong idea kung anong nangyare kay Erec. Dahil ba sa sinabi ko kanina?

Naka upo kami ngayon ni Rose at naka tapat yung direction namin kay Erec. Tinitignan lang namin siya na nakatingin sa bintana.

" LQ kayo ng boyfriend mo ah ayaw mong lambingin? "

payo saakin ni Rose , hindi naman ako marunong nun. Lalo na sa pagsuyo kasi hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend. tsaka. HINDI KO NAMAN TALAGA SIYA BOYFRIED EH!

Napahinga ako ng malalim. Sasagot na sana ako nang biglang may sumabat sa usapan namin ni Rose.

" Alam mo Rose hindi naman kasi talaga sila mag syota "

Napatingin ako kung sino yung nagsalita. Nakita siya. Gising na pala siya ngayon. Si Joe.

" tama ba ako? Mica? "

tanong saakin ni Joe napatingin naman saakin si Rose. Gulong gulo yung isip niya.

" I can explain "

sabi ko sakanya. Huminga naman ako ng malalim. Mapapansin mo sa mukha nila na ready naman silang makinig sa explanation ko.

" well sabi ko kasi kay Erec na protektahan niya ako. Hindi ko naman alam na gagawin niya akong girlfriend. pero naki ride ako. Akala ko kasi good idea. then. hindi ko naman akalain na seseryusohin niya... "

Explanation ko sakanilang dalawa. Hindi ko alam kung good idea batong pag kwekwento ko sakanila pero gusto ko lang malaman nila yung dahilan kung bakit.

" Pero may gusto ka? "

***

JOE'S POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinasabi ni Mica. Syempre hindi ko alam kung may pag asa ba ako sakanya pero syempre atleast alam ko na wala pang may nagmamay ari sakanya.

" Pero may gusto ka? "

Ito nayung pinaka nakaka kabang tanong ni Rose kay Mica. Kaming dalawa ni Rose hindi kami naka kibo. Syempre kinakabahan kami ni Rose. Alam mo na diba? si Rose may gusto kay Erec , ako naman may gusto kay Mica. So relief saaming dalawa kung hindi gusto ni Mica si Erec though alam ko naman na ang selfish naman namin kung matutuwa kami diba?

Nung sasagot na siya biglang may sumabog sa kabilang building. Napalabas kaming lahat si Erec naman andun lang nakatingin lang sa bintana.
Parang wala siya sa sarili ngayon. Siguro dahil sa sinabi ni Mica.

Mahal ba ni Erec si Mica?

" Tulooonggggg!!! "

Isang boses na lalake yung sumigaw. Kaso ang nakakatakot sa boses nayun  pamilyar yung boses nayun. Napatingin naman ako sa paligid namin at kompleto naman kami. Sino naman yun?

Sino kaya yung sumigaw?

" Ako na bahala "

Sagot ni Erec mula sa likod namin. Tumayo siyang mabilis at kumuha ng arnis niya. Seryoso yung mukha niya.

" May sugat kapa Erec "

Sabi ni Mica na mahahalata mong nag aalala siya kay Erec. Kaya kahit papaano may konting kirot sa puso ko.
Diretsyo lang tingin ni Erec hindi siya tumitingin sa ibang tao. Diretsyo lang din siyang nag lalakad.

" Erec , pansinin mo ko "

" Hindi mo ko boyfriend diba? kaya wala kang pake alam "

Sabi ni Erec kay Mica. Lahat kami napa tulala sa ginawa ni Erec. Tinitigan niya kaming lahat. Lahat kami tumaas yung balahibo sa tingin niya. Nakakatakot talaga yung pamilya nila. Miski yung kuya ni Erec na si Eren nakakatakot. Kaya masasabi kong magkapatid talaga silang dalawa.

Umalis na si Erec. Si Mica naka tayo lang. Naka tingin kay Erec na paonting onting nawawala. Nilapitan siya ni Rose at niyakap. Umiyak si Mica sa sinabi ni Erec.

Pagkatapos yakapin ni Mica si Rose tumakbo si Mica sa classroom at kumuha ng baseball bat.

" oh teka teka saan ka pupunta?! "

Halos pasigaw kong tanong sakanya. Nag alala na ako kay Mica.

" Susundan ko si Erec , baka may mangyare sa boyfriend ko "

Aray. Inangkin na talaga niya. pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya harap ko. Hindi ako naka kibo sa sinabi niya. Ang naalala ko lang yung pag alis niya sa harap ko habang pinupunasan niya yung mga luha niya.

***

MICA'S POV

Naglalakad ako dito sa madilim na hallway papunta dun sa may sunog. Susundan ko si Erec kung okay lang ba siya. Siguro nga. Nasaktan si Erec sa sinabi ko before. Teka. Imposible naman kasing magkagusto siya saakin.

oo sinasabi nilang maganda ako. Pero alam kong hindi ako yung tipong gusto ni Erec. Alam kong hindi ako at kahit kailan ay hinding hindi ako yun.

" EREC!? "

Pasigaw kong tawag sakanya habang hinahanap siya. Asan ba yung mokong na lalakeng yun? kainis.

Habang patuloy akong naglalakad biglang namatay yung ilaw sa hallway. Lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak sa baseball bat. Dahan dahan akong naglalakad.

Sa pagtuloy kong paglalakad bigla akong may nabanga sa likod ko.
Si Erec naba to? sana si Erec na.

" Erec? "

"hindi ako si Erec ako yung warfreak"

Pagkatalikod ko nakita ko yung mata niya na naggloglow na color neon blue.
Nakakatakot.

< End of chapter 14

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon