Chapter 11
EREC'S POV
Buhat buhat ko parin si Mica. Nililibot kasi namin tong school , hindi kasi ako takot kahit malaki tong school na to at kahit may tinatawag pa silang warfreak. Pfft. Mapapatay ko rin naman mamaya yun.
Napansin ko rin na natahimik si Mica. Hmm? Bakit kaya? Tinignan ko yung itsura niya. Nakita ko yung tulala at inosente niyang mukha. Syempre yung bangs niya rin.
" Anong problema? Bakit natahimik ka ata? kanina andaldal mo? "
" ahh sorry sorry kinakabahan lang talaga ako hehe "
Sagot naman niya sa tanong ko. Binaba ko muna siya. Pina upo ko dun sa swing dito sa playground. Napansin ko na sobrang lalim talaga ng iniisip niya. Ano bang problema ng babaeng to? Tsaka bakit ba ako may pake alam sakanya? Like. What the hell? Ano bang nangyayare saakin? Magiging sagabal si Mica sa trabaho ko.
" Bakit kaba kanina pa tahimik? Nacucurious na ako "
Tanong ko sakanya habang ginugulo yung buhok niya. Ngumiti naman siya at hinawakan yung kamay ko. Hindi niya binibitawan yung kamay ko at tumayo na siya at diretsyo ang tingin niya. Bakit ganito? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito dati. Anong pakiramdam na to? parang may kakaiba.
" Erec ... I "
[ kzzt ]
Nagulat nalang kaming dalawa ni Mica nung biglang nagka black out dito sa school. Mukhang simula na nga talaga? Nilibot ko yung paningin ko. Pinakiramdaman ko rin yung paligid kung meron bang tao sa paligid.
" Ano yung sasabihin mo Mica? "
Tinignan ko si Mica at nakita ko sa mga mata niya na takot na takot na siya ngayon. Sobrang higpit na talaga ng kapit niya sa braso ko. Hay. Kaya ayaw ko ng kasama eh.
" Ahh sabi ko kailangan na nating bumalik sa classroom para safe "
Sabi saakin ni Mica. Nginitian ko naman siya at madaling madali kaming pumunta sa classroom.
***
Habang naglalakad kami ni Mica sa isang corridor nakakaramdam ako na parang may sumusunod saamin. Nararamdaman ko yung hininga niya. Pati yung tibok ng puso niya.
" Okay kalang ba Erec? "
Tanong saakin ni Mica kaya naman napa tingin ako sakanya. Tinignan ko yung sa may likod namin. Wala namang katao tao.
Teka. Malapit nayung hininga niya? Rinig na rinig ko narin yung tibok ng puso niya. Ibigsabihin sobrang lapit na niya.Teka baka si Mica? Hinawakan ko kaagad yung pulso ni Mica pero magka iba na magkaiba yung bilis ng tibok ng puso nila. Ibigsabihin...
nasa itaas siya.
***
MICA'S POV
Nagulat nalang ako kay Erec nang bigla siyang tumingin sa likod at bigla rin siyang nanahimik. Para siyang hayop na may pinapakiramdaman sa paligid? Nakakatawa yung itsura niya kasi seryoso siya in the same time ang cute niya.
Nagulat din ako nung bigla niyang hinawakan yung pulso ko. Anong pinag gagawa nito? Maya maya ay napa tigil na siya. Napatingin siya sa itaas kaya naman napa tingin din ako.
Nagulat ako kasi biglang may bumagsak na tao dun. May kutsilyo yung taong yun. binagsakan niya si Eren kaya nasa ilalim si Erec at pinipilit nung lalake na naka jacket na saksakin si Erec pero hindi niya magawa kasi nabloblock ni Erec yung atake nung lalakeng naka jacket.
Sinipa ko naman kaagad yung lalakeng naka jacket para matulungan ko si Erec. Tumama naman siya dun sa pader. Tumayo kaagad si Erec para ready na niyang sugurin yung lalake.
Nung sinuntok ni Erec yung lalake kaso naka iwas tumama yung suntok ni Erec dun sa pintuan na kahoy. Nasira yung pintuan dahil sa suntok ni Erec. Grabe? Anlakas pala talaga nitong lalakeng to?
Kaso nung naka iwas yung naka jacket bigla niyang inatake si Erec kaya may sugat si Erec sa braso niya. Natamaan ng kutsilyo. Hinawi ako ni Erec. Sinasabi niya na dapat nasa likod niya lang ako.
Tinignan naman ako ni Erec. Sobrang kalmado nung tingin niya. Humahangin dito kaya makikita mo yung pagwave nung bangs niya.
***
EREC'S POV
Tinititigan ko lang si Mica habang hinihintay ko yung lalakeng naka jacket na umatake. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko? Bakit gusto kong protektahan si Mica? Kahit alam kong sagabal lang siya? Tsk! Kainis.
Naka titig lang din saakin si Mica hindi rin siya kumikibo. Maya maya ay sumenyas siya. May tinuturo siya. Napatingin ako sa harap ko. Oo nga pala nakikipag laban nga pala ako.
Susugod nayung lalakeng may kutsilyo kaso na block ko ulit. Naitulak ko siya dun sa gilid ng corridor na pwede siyang mahulog. Kaya naman nagulog siya kasi sobrang lakas ng pagka tulak ko sakanya.
" buhay pa kaya yun? "
tanong saakin ni Mica. Kaya naman tinignan ko. Nagulat ako kasi naka sabit parin siya at hinatak ako kaya parehas kaming nahulog.
***
MICA'S POV
Biglang hinatak nung lalake si Erec pababa kaya naman parehas silang nahulog sa baba. Napa tingin ako sakanila sa baba nakita ko naman na buhay pa sila.
Dahan dahan silang tumayo. Si Erec ang bilis na naka tay kaya sinugod niya kaagad yung naka jacket. Sinapak sapak niya. Natangal na niya yung hood kaso may maskara siya kaya hindi parin namin makilala kung sino.
Binato nung lalake yung kutsilyo niya kay Erec sa binte kaya naman napa luhod si Erec. Tumakbo nayung lalakeng naka jacket. Natakot kay Erec? Miski siguro ako kapag lalabanan ko si Erec matatakot ako eh!
Halos mabugbog na niya kanina yung lalakeng yun eh! siguro kung hindi lang natamaan ng kutsilyo si Erec sa binte baka patay nayun?
Napansin ko naman na napahiga nalang si Erec. Dali dali akong bumaba para puntahan siya.
Pagkababa ko nakita ko na tinangal na niya yung kutsilyo.Tinatakpan niya ng damit niya yung sugat niya sa binte. Kaya ngayon wala siyang suot pang itaas. Grabe yung katawan niya. Makikita mo talaga yung muscle niya kahit payat siya. Marami rin siyang mga piklat sa harap at likod ng katawan niya. Bakit kaya?
" tara na "
Sabi niya saakin.
" huh? "
Nagloloading na sabi ko sakanya kasi hanggang ngayon naka tulala parin ako sa katawa niya.
" Sabi ko tara na bumalik sa classroom kung ano ano iniisip mo dyan "
Sabi niya saakin kaya nagpatuloy na kaming naglakad. Hindi siya humihinge ng tulong. Kayang kaya niya maglakad kahit mag sugat siya. Tao ba tong si Erec?
<End of Chapter 11