Chapter 15

5 0 0
                                    

Chapter 15

ROSE'S POV

Napatulala ako sa sinabi ni Mica. Siguro yun nayung sagot niya sa tanong namin ni Joe. Napatingin ako kay Joe. Nakatulala siya kaya naman nilapitan ko siya. 

" Hey Joe "

" I need to follow her , Guys! sundan ko lang si Mica baka mapahamak yun "

Sigaw ni Joe sa mga katropa niya , kumuha siya ng flashlight at kutsilyo at tuluyan nang umalis. Napatulala lang din ako sa sinabi niya. Huminga nalang ako ng malalim.

Napatingin nalang kami sa kabilang building kung saan lumalaki na yung sunog. Sobrang lakas ng sunog. Halos lamunin na ng sunog yung buong building nayun.

***

EREC'S POV

Naglalakad ako dito sa madilim na hallway ng school. Medyo kumakapal nayung usok dahil sa sunog. Ayun din yung dahilan kung bakit hindi na ako masyadong nakakakita. Nahihirapan na ako maglakad pero kaya pa naman.

Ano bang nangyare? Baki bigla nalang nagkasunog sa kabilang building? Maya maya habang naglalakad ako napatingin ako sa labas. Nakita kong pumapatak nayung ulan. Hanggang sa lumakas nayung pagbagsak ng ulan. May pag asang humina nayung sunog at tumigil.

Habang naglalakad ako sa hallway may na aninag akong anino sa kabilang corridor na papunta saakin. Binuksan ko yung isang locker namin at pumasok muna ako dun. Nagtago ako dun kasi alam kong yun yung kalaban namin. Paano? Syempre kompleto kami sa classroom eh. Tsaka ang ayos ayos maglakad. Kung siya yung lalakeng sumigaw para huminge ng tulong edi dapat hindi siya maayos maglakad.

Napatingin lang ako sa hallway. Nakita ko yung lalake na nakajacket na mahaba. Kulay itim yung jacket niya. Makapal yung buhok niya , naka maskara rin siya kaya hindi ko alam kung sino siya , Medyo matangkad siya , Kahit naka damit siya masasabi mong may katawan siya. Kaso ang nakakagulat sa taong to. Pamilyar yung galaw niya.

Habang nagtatago ako dito sa locker biglang namatay yung ilaw. Bigla akong nagulat sa pangyayare. Bakit biglang nawalan ng ilaw?

" EREC?! "

Teka? Sinundan ako ni Mica? Bakit ako sinundan ni Mica? patay baka kunin siya nung warfreak. Shemay naman na Mica to! Lalabas na sana ako ng locker , kaso biglang naka lock na siya. What the hell?! Nakita ako nung lalakeng yun? Nilock niya ako dito para hindi ko siya mapigilan at makuha niya si Mica?! Peste naman!

Hanggang sa narinig ko nayung boses ni Mica. Nasagi na ata niya yung lalake kanina. Fudge. Hindi pwedeng makuha siya nung warfreak nayun! Hindi! Nangako akong proprotektahan ko siya!

"hindi ako si Erec ako yung warfreak"

Rinig ko na sabi niya. Tumaas yung balahibo ko. Nakakatakot yung boses niya. Pero kahit nakakatakot pamilyar talaga siya. Hindi ko matandaan kung saan o kung kailan basta pamilyar siya.

Pero hindi niya pwedeng makuha si Mica?! Yung Mica ko! Hindi niya pwedeng patayin yung Mica ko. Yung taong ma-

Biglang nagkaroon na ulit ng ilaw. Wala na si Mica pati yung lalake na naglalakad kanina. Fuck! My Mica! nawala na siya sa paningin ko! Wala na siya kailangan kong gumawa ng paraan to find her. I need to find her.

Sinipa ko ng malakas yung pintuan ng locker kahit masikip. Kumuha ako ng lakas para masipa. Nung nakaipon na ako ng lakas sinipa ko nayung pintuan at nasira yung pintuan at tumalsik. Isang sipaan lang. Ganto pala ako kalakas kapag nagagalit.

" Asan si Mica? "

Tanong ni Joe saakin. Sumunod din siya? Kasalanan ko to. Kapag may nangyareng masama kay Mica hinding hindi ko mapapatawad sarili ko.

" Nakuha siya ng warfreak "

" ANO?! HINAYAAN MO SIYANG MAKUHA NUNG WARFREAK NATUN?! "

Pasigaw niyang sabi saakin. Hinablot niya yung kuwelyo ko at dinikit ako sa locker.

" EREC! KAPAG MAY NANGYARENG MASAMA KAY MICA MALALAGOT KA SAKIN! "

Hindi na ako sumagot sa pinag sasabi biya saakin. Kasalanan ko naman kasi yalaga kung bakit siya nakuha nung warfreak nayun.

" Kaysa nag aaway tayo bakit kaya hanapin nalang natin siya diba? "

Payo ko naman sakanya. Sumang ayon naman siya sa sinabi ko. Mabuti naman kasi hindi namin mahahanap si Mica kung mag aaway lang din kami.

***

JOSE'S POV

Napaka swerte ni Erec mahal siya ng taong mahal ko. Kung pwede nga lang turuan ang puso ni Rose na ako nalang mahalin niya , kaso imposible. Kahit ba may mahal siyang iba mag hihintay ako para kay Rose. Alam kong hindi ko kayang pantayan si Erec. Lalo na magkapatid pa sila ni Eren.

" Okay kalang ba? "

Malungkot na tanong saakin ni Rose. Ngumiti naman ako sakanya at hinawakan yung ulo niya.

" yes okay lang ako , ikaw? "

" natatakot ako eh "

" wag ka mag alala andito ako "

" salamat "

Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sakin. Hindi naman siya bumitaw sa pagkakahawak ko sakanya. Siguro takot na takog na siya para hawakan yung kamay ko. Tinignan namin yung hallway malapit dun sa may nasusunog , napansin ko na namamatay matay yung ilaw dun.

Ano kayang nangyayare dun? Bakit kaya namamatay matay yung ilaw dun? Maya maya pa ay namatay na nang tuluyan yung ilaw. Hindi na sumindi ulit. Ano kayang nangyare dun?

Napansin ko na lalong napahawak nang mahigpit si Rose. Nararamdaman ko yung kaba niya. Lumakas narin yung ulan. Nakita ko na kahit papaano ay nawawala nayung sunog dahil sa lakas ng ulan.

" pumasok na tayo sa classroom para hindi tayo mapahamak "

Aya ko sakanila kaya naman pumasok na kaagad silang pumasok ng classroom. Buti nga hindi matitigas ulo ng mga kasama ko ngayon.
Kamusta kaya sila Erec dun? Sana naman okay lang sila. Alam kong mag alala ng sobra sobra tong si Rose. Ayaw ko naman na makikitang umiyak si Rose. Kaya sana makaligtas si Erec.

< End of chapter 15

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon