PROLOGUE
EREC 'S POV
Nakarinig ako ng mga yapak ng mga hindi ko alam sa bubong. Siguro mga pusa lang kasi tuwing gabi gumagala ang mga pusa kaya kami nagigising ng maaga.
Tumayo na ako at tumingin sa paligid. Natutuwa ako ngayon dahil walang pasok ngayon hanggang bukas alam niyo kung bakit? Saturday ngayon hehehe! Sino ba naman ang ayaw ng sabado? Siguro meron pero karamihan gusto ng sabado.
Nakahanda na ang pera sa lamesa kasi kailangan ko bumili ng pandesal.
Saamin kasi kung sino unang magising siya ang bibili ng pandesal para may makain kaming almusal o diba?! Astig!Lumabas na ako at dinala ko ang susi ng pintuan syempre nilock ko rin.
Habang naglalakad ako nakarinig ako ng mga putukan. Medyo kinabahan ako putok kasi ng baril yun. Dahan dahan akong nag lalakad at nanginginig yung mga paa ko.Pagkatawid ko sa kabilang kanto dahil andun yung bakery tahimik naman ang paligid. Teka wala bang tao dito sa bakery? Tumawag ako ng ate pero walang sumasagot. Inulit ko ulit ang pag tawag ko at dumating na si ate.
" Goodmoring po "
Sabi ko kay ate ngumiti naman ito at binigay niya saakin yung pandesal nag bayad narin ako.
Naglakad na ako pauwi. Grabe ang dilim parin kahit nakabili na ako ng pandesal tapos ang lamig pa dito sa labas buti nalang nakapag jacket ako.
Habang nakatingin ako sa mga bituin nagulat nalang ako dahil nagkaroon ng orange yung mga bituin. Alam niyo bayun? Kapag may sunog nagkakaroon ng ganun? At ayun! May nakabanga na saakin. Syempre tao nakabanga saakin.
" so..sorry "
Sabi saakin nung nakabanga. Tumayo nalang ako at kinuha ko yung pandesal buti nalang nakalagay ito sa paper bag.
Bakit nga pala maraming tumatakbo?
Magtatanong nga ako sa mga taong dumadaan." Umm ate ano po bang nangyayari? "
Tanong ko sa mga taong dumadaan.
" Hindi mo ba alam bata? May nasusunog na bahay! Kaya ikaw bata tumakbo kana! "
Sabi ni ate.
Tinanong ko kung saan banda yung sunog at nung tinuro niya ay banda doon sa bahay namin. Huwag mong sabihing bahay namin yung nasusunog? Tumakbo na ako papuntang bahay at habang tumatakbo ako may mga bumbero akong nakakasalubong.
At nung nakita ko na yung bahay namin ... Saamin nga ang nasusunog.***
< END OF PROLOGUE