Chapter 6

10 0 0
                                    

Chapter 6

ONE'S POV

Nung naglalakad kami ni Six pauwi ng bahay nakakaramdam akong parang may sumusunod sa likuran ko ewan ko ba kung sino pero pinabayaan ko nalang baka imagination ko lang lahat ng to.

" kuya naririnig mo bayun? "

Tanong saakin ni Six pero patuloy parin kaming nag lalakad.

" oo naririnig ko nga yun kaya mabuti pa bilisan natin ang paglalakad malapit na tayo sa sakayan ng tricycle "

Ngumiti si Six saakin at medyo binilisan naman niya ang lakad niya kaya binilisan ko narin.

Nung nakasakay na kami sa tricycle medyo gumaan na pakiramdam ko nun kasi alam kong hindi na makakahabol yung humahabol saamin kung meron man.

" kuya hindi na tayo mahahabol nun diba? "

Tanong saakin ng kapatid kong si Six .

" oo naman , tsaka mukhang wala naman talagang huma- "

" KUMAPIT KAYO! "

BLAG!

***
EREC'S POV

" oh ano? Mauna naba ako? Ayan na yung bahay niyo oh "

Sabi ko kay Mica at aalis na sana ako bigla niya akong sinamahan.

" oiiii samahaaannn mo koo!!! Pffft alam kong ngayon lang tayo nag kakilala pero alam ko namabait ka kaya samahan mo ko dito pleaseeeee "

Sabi niya saakin habang pinipisil yung braso ko at nag pupuppy eye siya. Badtrip.

" may kasama ka naman diyan eh! "

Sabi ko sakanha at bigla siyang natahimik.

" wala na akong mga magulang , wala narin akong kasama dito sa bahay ulila na ako "

Sabi niya saakin...

" sorry di ko naman alam eh ... "

" ok lang ... sige mauna kana "

" hay! Magpapaalam lang ako sa papa ko wait tawagan ko lang pumasok kana dun sa bahay niyo susunod na ako "

" yeheeey! Salamat ! "

At ayun na nga pumasok na siya sa bahay at ako naman naiwan sa labas. Kinuha ko yung phone ko at kinontact si Rain.

" hello rain? "

" oh bakit? May nangyare ba sayo Erec? "

" wala naman gusto lang mag paalam na di ako makauwi ngayon sa head quarter kasi may nag papasama saakin hay! Di ko naman matangihan. "

" oh sige sige , ok lang naman wala ka panamang gagawin ngauon e kaya ok lang sige enjoy bro .. ingat lang din "

[ CALL END ]

Binaba na ni Rain at ako naman pumasok na ng bahay wala na akong pake hahahaha. Pagkapasok ko nakita ko si Mica nagluluto ng pagkain namin.

Mukhang masarap yung pagkain mabango eh. Bihira lang ako mabanguhan sa amoy ng pagkain kaya pag bigyan niyo na ako.

" ummm ano? Di kapa kakain? Umupo kana diyan sayang naman effort ko "

" dami mo namang dama "

Umupo na ako dun ako ayun kumain kami ng sabay. Habang nag uusap kami medyo naiisip ko na mabait naman pala to si Mica at maganda kapag ngumingiti.

BEEEP ~

Teka biglang nag vibrate phone ko ah sino naman kaya yun? Hay! Nung tinignan ko.

From : Josh

Si Josh to yung detective na nakalaban mo na nagtratrabaho kay Rain. Gusto ko lang sabihin sayo na naaccidente yung kaibigan mong si One bayun? Text mo nalang ako kapag nabasa mo na to nasa ospital siya ngayon ito address ****

What the? Si One nasa ospital ngayon? Mabuti pa sabihin ko to kay Mica....

***
< 1 hour bago magtext si Josh lay Erec >

ONE'S POV

Ugh! Sakit ng katawan ko ... teka si Six nasaan? Shemay! Si Six!
Hindi ko namalayan na sumisigaw na pala ako.

" Siiiix!!! Asan kana! "

Sinubukan kong tumayo pero bumagsak din ako kasi sa mga sugat na nararanasan ko.
Nasira yung tricycle namin hindi ko alam kung anong nangyare ang nakita ko lang ay may tumayo sa harapan namin. At ayun nabanga ata namin dapat siya yung matutumba? Naguguluhan na ako.

" Ito ba ang hinahanap mo? "

Nakarinig ako na para bang robot ang boses kaya napatingin ako sa harap ko at nakakita ako ng paa. Tinignan ko yung mukha pero di ko masyadong makita kasi nanlalabo paningin ko.
Pero ang napansin ko hawak hawak niya yung kapatid ko.

" huwag mong sasaktan kapatid ko ! Maawa ka! "

" bakit naman? Paalam "

Nakita ko nalang na palayo na siya wala man lang akong nagawa. Paalis na yung taong robot nayun dala yung kapatid ko! Hindi! Huwag please....

At nawala na nga siya sa paningin ko... nahimatay na ako.

< END OF CHAPTER 7 >

More to come :D

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon