Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9

ONE'S POV

Nagising ako dito sa ospital. Nakita ko yung ilaw na sobrang liwanag. Ang sakit parin ng katawan ko pero nagagalaw ko narin. Kailangan ko ng tumayo para hanapin kapatid ko.

Teka sino nga pala magbabayad ng gastusin ko dito? Wala akong pera para bayaran ang mga doctor dito. Kainis naman. Tatayo na sana ako nang biglang may nagsalita sa gilid.

" Huwag mo munang pilitin sarili mo , humiga ka muna at magpahinga "

Sabi niya saakin. May bilog siyang salamin. Naka suit siya na black. Sobrang formal nung suot suot niya. Mukha siyang mayaman na business man. Sino naman kaya to?

" Sino ka? "

Tanong ko sakanya , pero napansin ko na medyo paos payung boses ko. Napansin ko rin na marami paring mga   nakalagay sa katawan ko.

" Huwag kanarin mag alala sa financial ng ospital , sagot ko na lahat "

Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba ito? Sagot niya yung pagpapa ospital ko? Seryoso ba siya? Tumayo naman siya at nilapitan ako. Inayos niya rin yung salamin niya.

" Ako si Rain and you are One right? "

Sabi niya saakin na may halong tanong. Tumango naman ako sakanya. Inabot niya saakin yung kamay niya para makipag shake hands. Nakipag shake hands naman ako kahit masakit yung braso ko.

" Huwag kana mag alala sa kapatid mo , tutulong kami hanapin yang kapatid mo "

Teka? Tutulong? Bakit ano bang meron saakin bakit parang may kailangan siya saakin para gawin niya lahat ng to?

" Ano bang kailangan mo? bakit mo to ginagawa? "

" Gusto lang kitang tulungan "

Pabitin na sabi niya saakin. Kumuha naman siya ng upuan para maka upo siya sa tabi ko. Naka ngiti lang siya nung kinukuha niya yung upuan.

" I know you want something "

Sermon ko naman sakanya. Ngumiti naman siya saakin.

" I know obvious masyado pero ang gusto ko lang naman ay sumama ka sa gropo namin "

Paliwanag niya saakin. Naka titig lang siya sakin. Hinihintay yung isasagot ko.

" For what? "

" Alam mo kasi One yang kumuha sa kapatid mo ay kaaway namin , kailangan namin din siyang makuha kaya ka namin tinutulongan lalo na ang biktima ay yung kapatid mo "

" Bakit ko pa kailangan sumama sa gropo niyo? "

Tumayo naman siyang naka ngiti parin at may parang kukunin sa lamesa. May kinuha siyang folder na red sa lamesa.
Lumapit siya ulit saakin at inabot saakin yun. Kinuha ko naman kaagad para makita kung ano yung nasa loob ng folder.

" Alam mo One , I really want you to join "

Sabi niya saakin , nacurious lalo ako kung ano ba yung nasa loob ng folder na red. Pagka bukas ko ay nakita ko yung mga pictures ko. Iniistalk ba ako ng lalakeng to?

May mga pictures ako dito na lumalabas ng bahay , lumalabas ako galing school , lumalabas galing computer shop at kapag naghahack ako.

" I love the way you hack things "

Sabi niya saakin. Oo nag hahack ako ng iba't ibang bagay. Ang mga hinahack ko ay yung mga account , markets , games at iba pa. Illegal yun. I know.

" One you're a smart guy , kaya naman gustong gusto kita sumama saamin. Malaking tulong ka sa investigation na to , also for your sister's sake "

Paliwanag niya saakin. Napatingin nalang ako ng diretsyo sakanya. Itong taong nasa harap ko ay isang taong hindi mo pwedeng kalabanin basta basta. Sino ba tong lalakeng to?

" So deal? "

Wala na akong magagawa. Alam niya lahat ng mga masamang gawain ko para makapag aral lang. wala na akong nagawa kundi sumama.

" Deal "

Inabot niya ulit yung kamay niya at nakipag shake hands naman ako sakanya. Hindi ko alam sasabihin ko. Ngumiti nalang siya saakin at mukhang papaalis na siya.

" Welcome to my team "

Sabi niya saakin bago niya tuluyang sinarado yung pintuan. Ako naman naka tulala parin. Tinititigan ko yung mga pictures na to.
Paano niya nalaman na naghahack ako? Andito sa red na folder na to yung lahat ng details about my history and family.
Both Mother and Father side.
pero para sa kapatid ko gagawin ko to.

***
EREC'S POV

Andito ako sa bahay nila Mica ngayon. Kasama ko siya. Kaming dalawa lang dito sa bahay ni Mica. Tulog na siya , andun lang siya sa kwarto niya ako naman andito sa living room niya. Sa sofa niya ako natutulog.

Sa totoo lang naka tulog na ako kanina kaso nanaginip lang ako. Napa niginipan ko lang yung taong pinapatay saakin ni Rain. Bakit? Kasi may atraso daw yun kay Rain.

Isa daw silang masasamang tao. Nagbebenta ng pinagbabawal na gamot kaya pinapatay saakin ni Rain. Pinatay ko naman sila. Kaso hanggang ngayon hindi ko sila matangal sa isip ko kung bakit sila parin yung naiisip ko? bakit ang special nila para maalala ko pa. Para din akong nakokonsensya.

Madami narin naman akong napatay. Bakit sila lang yung napapaninginipan ko pa lage? Ano bang meron?

Hindi ko napasin na namamawis na pala ako. Kaya pumunta ako sa kusina. Yung kusina nila Mica ay malapit sa kwarto ni Mica.
Pumunta ako sa kusina at binuksan yung ref. Kumuha ako ng ice cream dun.

Kinuha ko naman at kinain ko naman kaagad. Umupo muna ako sa tapat ng kwarto ni Mica. Naka sandal ako dun sa pintuan niya.
Maya maya ay nakaramdam ako na parang may nahihirapan huminga.

May naririnig akong may humihinga. Hirap na hirap siyang huminga. May hika yun ah? Habang iniisip ko kung sino napansin ko na baka si Mica. Binuksan ko naman yung pintuan ni Mica.

Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si Mica hirap na hirap abutin yung inhaler niya nasa sahig. Hindi niya maabot tapos makikita mo na pawis na pawis na siya.
May hika pala si Mica? Lumapit kaaga ako at inabot sakanya yung inhaler.

Ginamit naman niya yung inhaler. Hindi naman nagtagal ay nakahinga na siya ng maayos. Hinatak niya ako at yakap yakap niya ako. Halos mangiyak ngiyak na siya.

" Sala.. salamat Erec "

Sabi ni Mica saakin habang niyayakap niya ako. Napansin ko na umiiyak na siya. Hindi ko alam kung paano ko siya ikokomport.

" Dito ka muna sa tabi ko "

Sabi niya saakin. Wala naman akong nagawa kundi huminga nang malalim at samahan siya. Ano bayan! hindi pa naman ako mahilig sa ganito peste. Wala na akong choice. Hay. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako ng mahigpit.

< End of Chapter 9

WAR FREAK (R)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon