Baryo ng San Agustin
5:30 am
"Aling Mercy! Darating ang pamilya ni Seniorito Montanes kasama ang mga kamag-anak nito! May malaking handaan daw! Kailangan ka raw po ni Aling Helen para sa pagluluto at paghahanda."
"Naku! Maraming salamat Kardo! Pupunta ako doon ngayon na!" Masayang sabi ni Aling Mercy.
"Nay! Ano daw pong meron?"Tanong ni Kent na kakalabas palang ng kwarto.
Lumapit si Aling Mercy sa anak "Ikaw bata ka! Tanghali na! Kung hindi mo pa narinig ang sigaw 'ee hindi ka pa babangon!" Tinapik niya ang binata "Oh siya! Mag handa ka na ng agahan ng mga kapatid mo at pupunta ako sa hacienda ng mga Montanes, darating daw ang pamilya nito at may malaking pagsasalo. Kailangan ako roon ,ikaw na muna ang bahala dito."
"Opo inay!"
Pagkaalis na pagkaalis ng ina ay agad siyang naghimo para sa mga kapatid. Bukod sakaniya, may dalawa pa siyang kapatid na natitira. Medyo matanda na ang nanay Mercy nila pero nagta-trabaho pa rin ito para sakanila.
"Kiko! Lian! Tara na at kumain! Pupunta ako kay nanay para tumulong! Hugasan niyo ang pinggan pagkatapos at wag lumabas ng bahay ha!"
"Opo kuya!"
Agad siyang naligo at nagbihis, sa edad na labin-walong taon, hindi alintana ang kagwapuhan ni Kent. Bukod sa nakatira sa bukid ay ang ganda ng balat nito, moreno, at may pagka-chinito.
Ang parating sabi ng nanay niya ay kamukha daw niya ang tatay niya. Sangayon siya doon, pero ang poot at galit sa puso niya ay hindi na maalis pa sa kadahilanang iniwan sila nito.
Hindi nga mahalata ng iba na nakatira siya sa bukid dahil sa angking itsura nito. Kapag naaarawan siya, namumula ang kanyang pisngi, at hindi man lang tubuan ng kahit isang tigyawat. Halos tinitilian siya ng mga babae dahil sa angking ganda ng katawan nito.
"Kent! Pupunta ka ba sa hacienda Montanes?" Tanong ng matalik niyang kaibigan na si Hens.
"Oo Hens! Bakit? Ikaw din ba?" Tanong niya sa kaibigan.
"Oo Kent, pinapapunta ako ni nanay ee! Malaki raw ang sahod sa paglilinis ng hardin at mga mamahaling kotse."
"Ayos! Doon din ang punta ko!"
Sabay silang tumungo sa lugar ng hacienda Montanes. Swerte nga naman at kinuha agad sila ng mayordoma para magtrabaho. Malaki kasi ang lupa ng mga Montanes,halos mas malaki pa ito sa lupang tinitirhan ng mga kapwa nila laki sa hirap. Sa laki ng lupa at bahay, kailangang marami ang taga-linis.
"Trabaho ha! Trabaho!" Masungit na sabi ng mayordoma, si Aling Helen.
"Kent iho, pagkatapos mo dyan ay tulungan mo ang nanay mo na ilipat ang mga putaheng binili sa palengke." Mahinahon na sabi nito kay Kent.
BINABASA MO ANG
Runaway Dad (Under Revision)
General FictionKent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with one baby but three. Book started : 2015 Status: Completed (Under Revision) Author: Heiressywrites All Rights Reserved