CHAPTER 3
Nakaupo sa isang wooden rocking chair si Seniorito Reymond nang dumating and isa sakanya g tauhan. Napagawi ang tingin niya rito "Bueno?"
"Senior, nakita ko po sila kanina sa bayan, mag kasama at magkahawak ang mga kamay. Hindi ko po maikumpirma sa ngayon ngunit, ang kanilang kilos ay parang isang magkasintahan."
Umiba ang ekspresyon ng matanda at napahigpit ang hawak sa diyaryong binabasa nito. Napahinga ng malalim at tumango sa tauhan.
"Iuwi si Gabriella. Ngayon na!"
Agad na umalis ang tauhan nito at siya namang pinalitan ni Aling Helen. Nag-aalala itong tumingin sa amo. "Emond, wag na wag mong pakikialaman ang anak mo. May edad na si Gabriella." Mahinahon na saad nito.
"Ate Helen, mas matanda kayo saakin at matagal na kayo dito, kaya alam ko na alam mo ang mga kagustuhan ko."
Nagtitigan ang dalawa, mata sa mata "Masaya si Gabriella, kahit ngayon lang naman baguhin mo yang kagustuhan mo! Hindi naman siya magtatagal dito, ano ka ba!"
"Kahit na! Ayokong masira ang pangalan ko! Iniisip ko ang kapakanan ng anak ko, at alam ko ang tama! Minor de edad pa si Gabriella. Wala pa siya sa wastong edad para pumasok sa isang relasyon. " Pasigaw na saad nito "Lalong lalo na kung isang hampaslupa ang magugustuhan niya."
"Kaya lumalayo ang loob sayo ng mga anak mo dahil diyan sa mga kagustuhan mong wala sa lugar." Taimtim na sabi ni Aling Helen linisan ang silid.
Agad siyang nag-ayos at tumungo sa bahay ni Mercy.
______________
"Masarap? Masarap?"
Napangiti si Kent at tumangong pinagmamasdan ang magandang mukha ni Gabriella. "Aba magaling na ang Lala ko ah!"
Natawa ang dalaga sa reaksiyon nito "Sus, ang galing kasi ng teacher ko 'eh."
"Oo nga.." Pag sangayon ni Kent at yinakap ito.
"Kaya masayang masaya si nanay kapag nandito ka 'eh. Bukod sa nag eenjoy siyang mag turo sayo, nasisiyahan pa siya sa mga banat at kakulitan mo."
"Masaya din ako na laging pumupunta dito. Alam mo ba—" Naputol ang pag salita ni Gabriella nang may pumasok sa kusina. Ang nanay Helen niya.
"Kent! Gabriella!" Tawag nito at agad silang napalayo sa isat-isa.
"Nanny Helen!"
Pinagmasdan ni Kent ang mukha ni Manang Helen at alam niya na agad ang ibig nitong sabihin.
"Tara na at umuwi. Alam na ng daddy mo na may namamagitan sainyong dalawa. Hinahanap na ngayon si Kent ng mga tauhan niya. Mabuti at ako'y nauna rito."
Nagkatinginan ang dalawa, parehong nababahala sa sitwasyon.
"Nanny.." Sambit ni Gabriella habang naluluha "P-pano si Kent..."
"Gab." Tawag ni Kent "Okay lang ako, ako na ang bahala. Sumama ka na kay Aling Helen."
Lumapit ang dalaga para yakapin siya "I'll be back, I'll surely come back. Promise. Promise Kent."
Pilit na ngumiti ang binate "Oo naman ano ka ba, alam kong hindi ka aalis na walang paalam. Sige na."
"Kent iho, lumayo ka muna rito dahil alam mo na ang pwedeng gawin ng tauhan ni Senior."
"Opo Aling Helen, sige na po."
Muling sumilyap si Kent sa dalaga bago tuluyang pumunta sa likuran ng bahay at tumakbo papalayo. Hindi maintindihan ang nararamdaman, siya'y nakarating sa sap ana gusting gusto nila puntahan.
BINABASA MO ANG
Runaway Dad (Under Revision)
Genel KurguKent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with one baby but three. Book started : 2015 Status: Completed (Under Revision) Author: Heiressywrites All Rights Reserved