ONS 13

3.9K 77 9
                                    

K E N T

Sa pag alis ko sa California, tanging lungkot ang dala ko kasama ang mga anak ko. Kumusta na kaya si Gabriella, hindi siya mawala sa isip ko. Nang nasa airport kami, ang bigat sa pakiramdam na aalis kami na hindi siya kasama.

Nakailang tingin din ako sa entrance at paligid noon hanggang sa makapasok kami ng tuluyan sa loob ng eroplano. Itinuon ko ang aking atensiyon sa aking mga anak, para sandaling makalimutan ang isang sandaling pinagsisisihan kong gawin.

Maaring sumunod siya, oo.

Pagdating namin sa Pilipinas ay sinalubong kami ng tatay ko sa airport. Isang normal lamang na pakikitungo namin sa isat-isa, pero niyakap ko siya dahil alam kong okay na ang lahat. Dumiretso kami sa hospital at sinalubong ako nila Kiko at Lian, kasama ng matalik kong kaibigan na si Hens na siyang tumingin sa mga babies.

Nang makita ko si inay, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon. Napaiyak nalamang ako at tumungo para sa kanya at yumakap.

"Nay.."

"Andito ka na nak."

Lumalagas na ang kanyang buhok, wala na rin ang isang paa niya dahil ang sabi'y kumalat na doon ang cancer. Ibang-iba na ang itsura niya ng dumating ako. Malayong malayo sa malakas, maganda at malusog kong inay.

"Sorry nay.." Hingi ko ng tawad "Sorry nay, hindi ko nagawa ang pangako ko."

"Ano ba nak, wag ka ngang ganiyan." Nagsimula na rin itong umiyak at mas niyakap ko siya ng mahigpit "Hindi ko kasama si Gabriella 'nay.."

Nagsimula na akong magkwento ng pangyayari. Tanging ang nasa kwarto lang ay ako, si Kirk at Kirstine at si dad at inay. Si Kiko at Lian kasama ang tatlo kong anak ay nasa extended sala nitong kwarto.

"Wag ka ng umiyak. Kilala kita, alam kong dumaan ka ma masinsinang pag dedesisyon. Sana lang ay wag kang pagsisihan sa huli anak. Asaan ang mga apo ko?" Tanong niya, kaya agad namang kinuha ni Hens ang mga baby.

Kinuha ko una si Dylan "Ito nay ang panganay, si Dylan."

"Ito naman si Rylan.. At Finn.." Hawak hawak ni dad si Finn at ni Kirstine naman si Rylan.

Ibinigay ko sa bisig niya si Dylan "Kamukhang kamukha mo sila nung baby ka ka pa Kent.."

"Yeah, they look exactly like you son.." Sabi naman ni dad at linalaro si Finn.

Napuno ng saya sa kwarto dahil sa tatlong bata. Mas gumaan ang pakiramdam ko lalo na at kasama ko na sila.

Kanlaon ay pinauwi muna kami sa bahay kung nasaan ang step mother namin. Kinakabahan akong makilala siya.

"You don't have to worry. Mom won't bite you. Besides, wag kang mag isip na hindi siya pumupunta ng hospital. She sometimes goes there together with dad. Isn't it weird? They were all civil." Kwento sakin ni Kirstine habang nasa kotse kami "Mom do not hate you, in fact she was so happy to meet Kiko and Lian. And today, maybe she'll be extra excited since she'll be meeting her apo's..."

Ganoon nalamang ba ito kabait?

Pag dating sa malaking bahay na ikinamangha ko ay nakita ko ang isang nasa mid 40's na babae, na kasing tanda ni nanay. Hindi ko maiwasang ihawig silang dalawa. Ang ganda niya, ang puti, at sobrang bata tingnan kapag nasa malayo.

"Hi Kent.." Sambit niya at lumakad papunta sa akin.

Sa hindi ko alam kung ano ang maramdaman ay niyakap ko siya pabalik "Hello, tita Bea.."

"Oh no no, call me mom. No to formalities Kent..please.."

Sobrang bait nga niya. Inasikaso niya ako at ang mga baby. Sobrang saya ang makikita sa mata niya, at hindi ko akalain na ganito ang uuwian ko sa Pilipinas.

Runaway Dad (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon