***
T R I P L E T S
Finn
"Finn? Maaari mo ba ibahagi sa amin kung ano ang nakikita mo sa larawan?" Tanong ng guro kay Finn na nakatutok dito habang nagtuturo.
Tumingin muna siya kay Benny, na tila nagdadalawang isip kung sasagot o hindi. Nakuha naman ni Benny kung ano ang ibig sabihin nito kaya nag taas ito ng kamay "Ako nalang po teacher."
Ngumiti ang guro dahil sa pag presinta nito "Oh, himala at nag taas ka ng kamay Benny."
Napakamot ito sa ulo "Eh, iyan lang po ang alam ko na isasagot eh."
Tumawa ang guro at tumango "Oh sige, ano ang nakikita mo sa larawan?"
"Nanay po."
"Hmm, pano mo nasabing isang nanay ang nasa larawan?" Tanong muli ng guro.
"Kasi po makikitang pagod ang nanay sa litrato. Pinagpapawisan, ngunit nakangiti pa rin." Sagot ni Benny, habang nakatutok ang mga mata sa picture na nakapaskil sa blackboard.
Tumango ang guro at ngumiti "Maaari ka bang mag bahagi kung ano ang ginagawa ng iyong nanay sa inyong bahay?"
"Ah..eh.." Ibinalik nito ang tingin kay Finn, pero nakita niya ang pag yuko at iwas ng tingin nito sa kanya, kaya ngumiti siyang tiningnan ang guro "Ah ma'am, kasi po patay na nanay ko eh."
Natigil ang guro "Oh my god, sorry Benny. Hindi na dapat ako nag tanong pa. Maa---"
"Pero pwede naman po ako mag kwento!" Pagpuputol nito sa guro "Nakapiling ko din po ang nanay ko bago ito mamatay, tsaka naaalala ko pa naman po ang mukha at kilos niya."
"Sigurado ka ba?"
"Opo!" Sagot nito at ngumiti "Ang nanay ko po bago mamatay, isa siyang taga luto sa karinderya sa palengke. Nakikita ko din po ang pawis niya kapag nagtatrabaho siya, pero hindi ito tumutulo sa luto niya ah!"
Nagtawanan ang mga kaklase nito, na kahit si Finn ay napataas ng tingin sa kanya.
"Sa umaga ginigising niya kami para pumasok sa paaralan. Nakahanda na ang baon namin na biscuit, at ihahatid na lang nila kami dito. Palagi siyang naka angkas sa tatay ko, at hatid sundo rin siya sa palengke. Masipag nanay ko, pero hindi niya kinaya ilabas si bunso eh, ang laki daw kasi ng ulo."
May iba sa kaklase niya ang tumawa, at ang iba naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya. Ang guro naman ay nasisiyahan na nakikinig sa bata habang nagkukwento.
"Minsan nakikita namin siyang nahihirapan, pero nakangiti pa rin siya. Sabi nga sa amin ni itay, bago mawala si nanay, nakangiti ito at ibinilin kaming lahat na maging mabuting bata. Kaya, maihahalintulad ko po ang nanay ko sa litrato, ang nanay na masipag, pinapawis! Ang nanay na masipag, nakangiti pa rin kahit pagod."
Nabuo ang palakpakan sa loob ng silid aralan. Kahit ang guro ay napabilib sa kwento ng bata. Pagkatapos nitong mag recite ay tumunog na ang bell kung saan snack time na. Habang ang iba ay abala at nag uunahan lumabas ng classroom, tumungo si Benny sa upuan kung nasaan si Finn.
"Hoy, simangot ka diyan." Siko niya sa kaibigan "Tara na kain tayo."
Hindi ito umimik pero sumunod ito sa kanya papalabas ng classroom dala dala ang snack bag nito. Naupo sila sa isang bench.
"Alam mo, di ka mabubusog kung di ka ngingiti diyan."
Napabuntong hininga si Finn at binuksan ang snack bag "Sorry.."
"Luh, sorry saan?"
"I should be the one answering it, but you saved me."
Kahit hindi alam ni Benny ang pinagsasabi ng kaibigan, nakuha niya naman ang ibig sabihin nito "Bakit ba kasi ayaw mo sumagot? Ang simple lang kaya ng tanong."
BINABASA MO ANG
Runaway Dad (Under Revision)
General FictionKent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with one baby but three. Book started : 2015 Status: Completed (Under Revision) Author: Heiressywrites All Rights Reserved