K E N T
Buong maghapon kaming mag kasama ni Gabriella. Sinulit ang pagkakataon at oras na kami lang dalawa. Kahit kami lang ang nakakaalam ng nangyari ngayong araw, parang sa mundo ko ay lahat nakakaalam na sobrang masaya ako dahil asawa ko na siya.
Sobrang nagpapasalamat ako kay Lisa, kay Pastor Rico at Mina pati na ng ibang nasa yate ngayon dahil ng dahil sakanila, very successful ang surprise wedding ko kay Gab.
Madami kaming naipon na litrato at nangako si Lisa na ibibigay iyon saakin na naka album at CD. Sobrang hilig ko pa naman mag ipon ng litrato, at halos si Gabriella ang laman ng gallery ko, pati na rin sa tinatago kong memory box.
Nang nag agaw na ang liwanag at dilim, ay saka na kami umuwi.
"Ayaw mo ba talagang sabihin ito kila kuya? They will be surprised if they knew you gave me a very special event today on my birthday."
Umiling ako "Huwag na muna siguro. At promise mo sakin na wala ka munang pagsasabihan. Gusto ko lang na yakapin ang katotohanan na kasal ka na sakin at parang gusto ko tayo lang muna ang makaalam noon."
"Oo naman, I promise. I will never tell anyone unless you tell me to." Sumusulyap ako sa kanya at pinagmamasdan niya ang singsing niyang suot.
"Sorry ha, iyan palang ang naipunan kong singsing para sa ating dalawa."
"Ha?" Tinapik niya "I wasn't thinking that way bub!" Sumimangot siya "I was just stunned that everything I've dreamed before, happens right now. It was just so simple yet I am so genuinely happy. I couldn't ask for more. Really."
Napangiti ako sa sagot niya. That's my bub.
"How come they've approved your request for marriage?" Tanong niya "You have no records of me."
"I have." Napangiti ako sa tanong niya.
"What!?"
Nakita ko sa office ni kuya William ang mga documents ni Gabriella. Hindi ako nag dalawang isip na gumawa at kumuha ng mga kopya noon. Simula sa passport niya, birth certificate, and other important documents na needed sa registry. Masyadong risky yung mga pinagdaanan ko, pero sa huli ay nagawa at napagtagumpayan ko dahil kasal na kami ngayon.
"Wag mo na alamin. Ang importante kasal na tayo."
Ngumiti siya at binuksan nalamang ang stereo ng kotse at sabay kaming sumasabay sa kanta. Nang makarating kami sa bahay ay narinig ko na ang tugtog sa loob.
Nabanggit na din saakin ni kuya William na magkakaroon ng maliit na pagsasalo sa bahay nila, imbitado ang ibang mga kasama sa negosyo niya.
Pagpasok namin ay sinalubong kami ng surprise ng mga bisita pati na sila kuya William at nakahinga si Gab ng maluwag nang makita si ate Armina na okay na.
Samut saring yakapan at bati ang nangyari. Ang iba naman ay kilala ko na kaya hindi rin naman ako nahirapan makipag usap. Pero halos ang kasama ko ay ang mga anak nila kuya William at ate Natasha para laruin sila dahil busy ang magulang nila mag asikaso ng mga bisita.
Pinagmamasdan ko lang si Gabriella paminsan minsan na makipag usap sa ibang tao.
"Kent." Napatayo ako nang tawagin ako ni ate Armina.
"Follow me."
Agad naman akong sumunod sa kanya at napunta kami sa bandang kusina, malayo sa dausan ng party.
"I have already heard the contract and deal from kuya William." Panimula niya. Hindi ko masabi kung galit ba siya, o hindi. Mahinahon lamang kasi siya.
BINABASA MO ANG
Runaway Dad (Under Revision)
Fiksi UmumKent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with one baby but three. Book started : 2015 Status: Completed (Under Revision) Author: Heiressywrites All Rights Reserved