K E N T
Everything happened so fast.
So fast that I couldn't expect things would be this hard.
"Pag isipan mo kuya. Kirstine will be here tomorrow, and we can go home all together next week after my completion."
Yan ang huling sinabi sakin ni Kirk ng muli kaming mag kita dito sa California. Ibinahagi niya sa akin ang balitang malala na ang kondisyon ni nanay.
Akala ko okay na, akala ko okay na okay na siya pero yun pala'y nag papanggap lamang siya kapag kausap ako. Kumalat na daw sa ibang parte ng katawan niya ang tumor at halos balisa akong kausap ni Kirk habang sinasabi niya sa akin lahat.
Sa ngayon ay marami akong tinatago. Tinatagong mga impormasyon na hindi alam ni Gabriella. Kapag kaharap ko siya kasama ang mga anak namin, parang ang sama kong asawa sa kanya.
Ang plano.
Ang kalagayan ni nanay.
Ang estado ng aking pamilya.
"Bub! I have great news!" Excited siyang pumasok sa kwarto namin "Mom can be here on their christening!"
Sa sinabi niya ay dapat nag react na ako. Pero ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko.
"So I talked to her kanina and I told her a glimpse of our surprise! She was so happy to talk to me. This is our stepping stone to forever Kent! Kapag nalaman ni mommy, for sure madali na lang tayo lumabas sa mga relatives ko pati na din kay daddy."
Napangiti ako "Sige."
Lumapit siya at umupo sa lap ko "You okay bub?"
Pilit akong ngumiti at niyakap siya "Oo naman."
Sumapit ang gabi nang mag request ako kay kuya William na mag-usap kami. Kahit siya at hindi alam ang sistema sa pilipinas. Hindi alam na may sakit ang nanay ko, o kamag anak ko ang mga bigating Verano. Wala dn akong balak sabihin sa kanya dahil para saan pa.
"Why do you want to talk to me? Were you ready for our plan?"
Tumango ako at umupo sa harap ng study table niya "May last request nalang sana ako."
"Ano yun?"
Napabuntong hininga ako "Sinabi kasi sa akin ni Gabriella na baka dumalo ang mommy niyo sa binyag ng triplets. Ayoko nang maging complicated ang lahat bago mangyari iyon. Kaya kung pwedeng i-move ang binyag?"
Ngumisi siya "That is exactly my plan. I never knew you would be this cooperative."
Kung alam mo lang na labag sa loob ko ang lahat na gagawin ko. Ayokong iwan si Gabriella, pero ayoko ding mawala ang nanay ko na hindi ko man lang nakasama sa huling saglit ng buhay niya.
Pinag isipan ko ng mabuti ang lahat. Magiging duwag ako sa plano ko para kay Gabriella.
Ang balak ko sana ay itanan sila at ilayo ng tuluyan sa pamilya niya. Dahil ito lang naman ang rason kung bakit hindi kami bwelo mamuhay ng magkasama. Pero naisip ko, masyado akong selfish sa plano ko. Ilalayo ko si Gabriella pero ni ako ay hindi pa stable ang buhay. Hindi ko alam kung mabubuhay ko silang apat.
Super malapit si Gabriella sa pamilya niya at saksi ako nang makita ko ang mga pinsan niya at kung gaano siya pahalagahan ng mga kapatid niya. Ang sama ko sa part na iyon na ilayo siya sa mga taong totoong nagmamahal sa kanya.
Saan ako lulugar?
Sa bagay na makabubuti para sa lahat.
"Anong gusto mong date ng alis niyo? So I could book it." Sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Runaway Dad (Under Revision)
General FictionKent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with one baby but three. Book started : 2015 Status: Completed (Under Revision) Author: Heiressywrites All Rights Reserved