Chapter 13 : The Picture

171 10 0
                                    

"Hello....." natigilan si Ashely sa paglalakad ng marinig niya ang boses ng Mommy niya sa kwarto nito na may halong takot. She doesn't want to interfere pero ng nakita niya ang kaba sa mukha ng mommy niya. "Stop this... I'm begging you. Wala na akong magagawa, it's been announce at kahit gawin mo pa yun, walang maniniwala sayo. We should talk about this again, lets meet."

Bahagyang lumayo si Ashely dahil alam niyang lalabas ang Mommy niya. Nang makita siya nito, nilapitan siya ng Mommy niya. She look tense and her Mommy asked her to drive the car. Hindi naman siya nag dalawang isip na samahan ito.

Wala ang mga kapatid niya sa bahay kaya walang nakakaalam ng pag alis nila.

"May problema ba?" tanong nito sa kanyang ina habang nakatingin siya sa madilim na daan.

"Nothing... Just take me to the place and wait for me. Ashely, don't tell this to anyone."

Hindi na siya nakapagtanong pa dahil biglang nag ring ang cellphone ng Mommy niya. Many questions are running through her mind lalo na ng makita niya ang Mommy niya na natigilan matapos ibaba ang cellphone. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib niya.

Biglang tumingin ang Mommy niya sa likod. Tumingin din siya through the side mirror and there's a car behind them.

"Is someone following us?!" hindi na niya naiwasan ang hindi kabahan. "Ma, tell me. Ano bang nangyayare?"

"Someone is trying to kill us..."

Dahil sa narinig na out of control si Ashely pero buti nalang mabilis niyang nakalma ang sarili niya. Nakita nalang niya mula sa side mirror na ang kotse sa likudan nila ay nag overtake sa kanila ng napaka bilis hanggang sa makalayo ito.

They thought the car was gone hanggang sa nakasalubong nila ito and the car switch it's head light on dahilan para masilaw si Ashely at ma out of control.....

**

Nagising si Ashely because of that dream... There are some sweat on her forehead. Tumayo siya para kumuha ng isang basong tubig sa kitchen. Panay ang hinga niya ng malalim hanggang sa umupo siya sa may sofa. Hanggang ngayon, dinadalaw pa din siya ng pangyayaring yun sa panaginip niya.....

"You don't look good... May sakit ka ba?" tanong sa kanya ni Ethan. He gave her a cup of coffee.

She took a drink bago tumingin kay Ethan. "Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi.."

Tumingin siya sa katapat na desk.. Napansin niyang wala pa doon si Dale. It's already 9 in the morning at nagtataka siya kung bakit hindi pa ito dumadating.

She was about to stand up ng bigla siyang matanggap ng tawag sa isang unsaved number. She wonder if this is the man who is chasing her pero ng sautin niya ito, nagpakilala ito bilang isang staff sa isang Entertainment Agency. Sandali siyang lumabas ng office para doon ito kausapin. Sandali lamang silang nag usap.. Ininform lang siya tungkol sa date at place kung saan gagawin ang video shoot na pinapagawa sa kanya ni Mr. Lee.

Nang matapos ang pag uusap nila, napahinga si Ashely ng malalim. Naisip niya na dapat case ng Mommy niya ang dapat na pinag tutuunan ng pansin pero hindi niya magawa kahit konting oras lamang.

"Good Morning..." bati sa kanya ni Dale pero hindi niya ito pinansin. "I saw you talking on phone, is it Viell again?"

Ilang segundo munang tinitigan ni Ashely si Dale na may panunuksong tingin. "Bakit mo tinatanong? It's not Viell. Isang staff yun mula sa EJ Entertainment. Kinuha nila akong producer and director para sa isang grupo nila."

"Can I come with you?"

Maraming tanong ang nabubuo sa utak ni Ashely at ang isa doon ay kung bakit kahit gustong tanggihan ng utak niya si Dale pero alam niya sa puso niya na gusto niyang kasama ito. Sa halip na sumagot, hindi na lamang siya nagsalita bagkus ay bumalik siya ng office at tinutok ang mata sa desktop.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon