Chapter 15 : X

145 11 2
                                    

One week before.....


*DALE POV*


"Hanggang dun lang talaga ang kaya kong sabihin. I'm sorry Dale."


Yan ang sagot saken ni James nang humingi ako ng paliwanag sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit... Gusto kong maalala ang lahat pero bakit sila mismong mga kaibigan ko hindi ako matulungan.

Nang gabing yun, hindi ako nakatulog... Gusto kong paniwalaan ang sinabe ni James pero paano? Ni hindi niya ako mabigyan ng paliwanag. "Bakit hindi ka pumunta sa dati mong bahay.. The place you stayed when we were high school, maybe it can help to answer your questions.." Naiinis man ako sa suggestion ni James, I decided to go to the place.

I know I stayed there before dahil nabanggit yun saken ni Yeri noon. Isang beses lang akong pumunta dito after the incident at hindi na nasundan pa.

Hindi man ako sigurado sa password, I tried my birthday at nagbukas ang pinto. I tried to turn on the lights pero hindi ito nagbukas. Kaya naman hinanap ko pa ang fuse. Nagliwanag ang buong bahay at nilibot ko ang bawat sulok nito.

Huli kong pinuntahan ang kwarto na sa tingin ko'y saken.. May mga ilang boxes doon na nakapatong. I asked myself kung may mga bagay ba na makakatulong saken para maalala ang lahat. Tinignan ko ang loob ng bawat boxes, ang ilan dito ay puro books at mga bagay na hindi ko alam. Sa huling box, nakita ko doon ang ilang mga pictures na noon ko lamang nakita. Umaasa akong may makikita akong picture doon ni Ashely or kahit kaming dalawa.. Pero kahit isa, wala..

Muli akong naglibot sa kwarto.. I open the drawers and closet hanggang sa mapansin ko ang isang cellphone na nakatago sa drawer ng side table. Basag ang screen nito. Sinubukan kong buksan pero naka locked ito at kaylangan daw ng restoration. Naisip kong baka makatulong ito kaya naman dinala ko ang cellphone.

Nang sumunod na araw, dinala ko ito sa service center at nag baka sakaling magawan nila ng paaran..


"Baka block po ang cellphone..." sabe ng lalaki. "Magagawan po naten ito ng paraan at ma-rerestore naten ang ilang files."

"You mean hindi lahat?"

Tumango ang lalaki. "Mukhang matagal na din po kasing hindi ito nabubuksan.. Bago na po kasi ang software na ginagamit ngayon at may tendency na mabura ang ilang files." Hindi ako kaagad nakasagot.. "Ano sir?"

"Sige.. Pero hanggang kelan?"

"This could take days or a week. Iwan niyo nalang po ang contact number niyo and I'll inform you once your phone is ok. As you can see sir, madami po kaming customer ngayon."

"I see... I'll leave the phone to you but make sure to fix it. Thank You."


The phone could take a week before it can be fixed but still I need to do something while waiting.. Nag isip ako kung sino pa ang pwede kong kausapin. Si Nathan kaya? Hindi... Puro kalokohan lang sasabihin noon. Si Yanni kaya?

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Yanni. I asked her if I could see her for a minute and gladly she's free. Nagkita kami sa SM Building kung saan nagtatrabaho siya bilang voice instructor.


She gave me a glass of juice.. At umupo sa katapat na upuan. "What's the matter? Biglaan yata ang pagtawag mo saken.."

"Is there something wrong that?"

"Wala naman.. Nakakapanibago lang kasi. We used to be so close before like siblings but after the incident everything about you changed. And now, your here.. What do you want to know?"

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon