Chapter 14 : Questions....

175 11 0
                                    

"Ok.. Pass your papers and you may go."


Inaayos ni Kyle ang mga gamit niya habang ang mga students ay sunod-sunod na pinapatong ang paperworks na ginawa sa klase niya. Nang matapos, kinuha niya ito. At dumiretso na palabas ng campus building dahil yun na ang huling klase niya para sa buong araw.

Nailagay na ni Kyle ang mga gamit niya sa kotse ng bigla niyang maalala na hindi siya nakapag sign out sa faculty room. Napailing nalang siya at dali-daling naglakad pabalik.


"Nakalimutan mo na naman mag sign out Sir Kyle..." iiling na sabe ng kanyang co-teacher. "May naghahanap sayo kanina dito..."

"Sino daw?"

"Baka girlfriend mo..." pabirong sagot nito. "Magandang babae e.. Sige na Sir Kyle, mag sisimula na ang klase ko."


Naisip ni Kyle na baka ibang Kyle ang hinahanap nito lalo na't dalawa silang Kyle na instructor sa buong campus at minsan siya ang na papagkamalan dahil dati siyang kilalang tao.

Pabalik na siya ng kotse at dahil nagmamadali siya bigla nalang may isang babae na lumabas out of nowhere.. Nagkabungguan sila at dahil malaki siyang tao, muntikan ng matumba yung babae pero mabuti nalang kaagad niya itong nahawakan sa likod.


"I'm sorry.." the girl said. Binitawan na siya ni Kyle. "Nagmamadali kasi ako kaya hindi na kita nakita?"

"Sa tangkad kong to hindi mo nakita?" natatawang tanong ni Kyle. He noticed that the girl is wearing a formal attire. "I'm the one who should say sorry. Perhaps, are you a new instructor?"

"No.. No. Actually, may binisita lang. I have to go."


Sinundan lang ni Kyle ng tingin ang babae hanggang sa makalayo na ito pero bigla niyang na realize na hindi man lang niya naitanong pangalan nito. Napakamot siya ng ulo at minabuti nalang na dumiretso na sa kotse.

Pagdating niya sa bahay... Kaagad siyang sinalubong ng dalawang bata. Kinuha ni Darren ang ilang papel na dala niya habang si Asha naman ang nagdala ng bag niya. Sanay na siya sa dalawang bata dahil lagi nilang ginagawa yun sa tuwing nadating si Kyle.

Malapit na siya sa dalawang bata dahil bukod sa anak ito ng kapatid niya, siya na ang nag alaga sa mga ito simula noong bumukod si Ashely 2 years ago.


"Is your Tito Clyde home already?" Kyle asked.. "Napansin ko yung kotse niya sa labas.."

"Yeah.. He came home early with Tita Zoe. Hindi daw po maganda ang pakiramdam ni Tito Clyde."

"Nasaan ang Tita Irene niyo?"

"I'm here...." lumapit si Irene sa kanila na kakagaling lang ng kitchen. May bitbit itong isang baso ng tubig. "Ashely called and said na hindi siya makakapunta tonight for dinner dahil she's busy."

"I see.. So how's Kuya Clyde?"

"Mukhang ok na siya.. Sabe ni Ate Zoe, may hindi daw magandang nangyare sa company pero hindi daw niya alam kasi hindi daw sinasabe ni Kuya."


Nakipag kulitan muna siya ng onting oras sa mga bata bago tuluyang pumunta sa kwarto at magpahinga. Dala niya ang kanyang mga gamit pati na din ang mga paper works na ipinasa sa kanya ng mga estudyante niya. Napansin niyang may isang envelope na nakasingit sa mga nakapatong na papel.

Kinuha yun ni Kyle..  Hindi niya sana io bubuksan dahil baka napasama lang ito ng kanyang isang student pero nabas niya ang pangalan niya sa likod maging ang dalawag initials na S.S. He got curious kaya tinignan niya kung ano ang nasa loob nito.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon