Chapter 25 : The Party

177 9 1
                                    

3rd POV


"Miss Ashely.. Kaka-out lang po ni Ms. Irene, lalabas na din po yun."

"Ok.. I'll just wait here."


Ilang saglit pa'y dumating na si Irene.. Nakapag palit na ito ng damit from her uniform to casual. May usapan kasi sila ngayon together with Kyle. Ashely was invited para pumunta sa first showcase promotion ng huling grupo na tinrabaho niya at dahil ayaw niyang pumunta mag-isa, niyaya niya ang mga kapatid niya. She also asked Jessica but as expected, hindi ito sumama.. Ayaw kasi nitong mapag usapan lalo na't wala pa siyang public appearance after she came back though there are already rumors that she's expanding her business in the country.


"Akala ko ba hindi k sasama?" pinitik ni Irene si Kyle sa tenga na siyang nag da-drive papunta sa studio..

"E nag absent na ako diba? Nakakahiya kasi sa inyong dalawa..."

"By the way Ashely.. Ni-release na nga pala ng SM Ent ang video na ginawa mo with Gio, Nathan and Dale huh. Grabe lang, how did you come up to that idea? Collaboration pala yun with Star Wars."

"It's not my idea..." Ashely said dahil yun naman ang totoo.. "I was just assigned to direct it nothing more than that.."

"Pero ang gwapo pa din nila on screen.. Si Gio, si Nathan lalo na si Dale. He rocks that big bike. Siya ba talaga yun?"


She nod at her.. Speaking of Dale, ilang araw na silang hindi nagkikita matapos ang araw na pumunta sika sa address na binigay sa kanya ni Ms. Gene kung saan nakatira ang kanyang Tita Valeen. Busy si Dale dahil sinisimulan na niyang pag aralan ang ilang projects and proposals na iiwan ng kuya niya.

Nang puntahan nila ang bahay, it's a big house pero hindi na nakatira doon ang hinahanap nila. Nakausap nila yung may-ari ng bahay at ang sabe, si Valeen nga daw ang unang may-ari ng bahay na yun pero pinagbili daw yun sa kanila 15 years ago na ang nakakaraan. Wala daw silang alam kung nasaan na ito ngayon pero susubukan daw nilang kontakin ang kaibigan ni Tita Valeen na siyang naghanap mismo sa kanila as the buyer.

Hindi na binaggit pa ni Ashely sa mga kapatid niya ang naging lakad nila ni Dale dahil ayaw niyang madagdagan pa sila ng iisipin.. Alam ni Ashely na busy ang mga ito lalo na ngayo't nakilala na ni Clyde ang babaeng nagsasabing siya ay isang totoong Cordova. Pero hindi pa din maalis sa isipan ni Ashely ang nakaka-pagtaka, kung bakit ngayon lang ito lumabas? Hindi siya pa siya sigurado kung anak nga ito ni Airee. Dahil kung totoo, posibleng may alam ito sa mga nangyayare sa kanilang pamilya.

Di pa man siya nakikilala ni Ashely, pakiramdam niya'y may hindi magandang mangyayare na kaylangan nilang paghandaan.


Sa kalagitnaan ng pag iisip niya, napansin ni Ashely ang mga ngiti sa labi ni Kyle.. "Anong ngiti yan huh? In love ka ba?"

"Oo Ashely.. In love yan." sabat ni Irene. "Alam mo bang nahuli ko yan mag isa sa may veranda.. Nakangiti kaharap ang cellphone. Ano nga bang pangalan nun Kyle?"

"Sophia.." Kyle answered. "Hindi ko siya girlfriend huh? We're just friends.."

"Sophia?"

"Yes. I've met this girl 2 times already.. The one is in the school and the last one is in the lobby of our company. I don't know why she's in there but i think it's really fate."

"Fate mo mukha mo..." pinitik ni Ashely ang tenga ng kapatid niya.. "Naniniwala ka ba dun? But how does she looks like?"

"She's pretty and petite.. Bakit?"

"May kakilala kasi akong Sohpia... But nevermind. Baka magka-pangalan lang sila."


She looked out at the window.. Isa lang naman ang kilala niyang Sohpia... Yun ay ang public attorney ng police office nila. Pero na-isip din niya na baka mali siya, at magkapangalan lamang ang mga ito. There are billion of Sophia's in the word.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon