Chapter 27 : I will kill him first

140 9 2
                                    

Kyle POV


Hanggang ngayon malabo pa din para saken ang katotohanan na si Sophia na kilala ko ay ang Sophia na siyang nagsasabing isa siyang totoong Cordova.

For over 25 years of my existence, ngayon ko lang nalaman na hindi pala kami totoong Cordova. We just have that name but we don't have a Cordova blood the runs through our veins. Damn! I just hate Dad for not telling it to us.

Sa totoo lang, wala naman kaming dapat ika-bahala sa pagdating ni Sophia dahil wala naman daw itong balak kunin ang company dahil legalize daw itong nakapangalan kay Kuya Clyde pero nag lalaro sa isip ko ang mga sinabe ni Ashely...

Sophia is a public attorney and once worked with Ashely's police office.. And at the same time, nagkakilala kami.. Nagkataon din na biglaan siyang dumating sa company and saying that thing.. At Heto naman si Kuya Clyde, nadala kaagad sa simpleng picture at birth certificate.

And why it has to be Sophia? Alam kong hindi magging maganda ang pakitungo ng mga kapatid kong babae with her. Nakakatawa lang because I like her too.

I tried to call her pero hindi niya yun sinasagot.. I want to talk to her pero hindi ko alam kung anong address niya.


"Kaya pala bigla nalang kayong nawala sa party kagabi." Sandaling tumayo si Nathan para kumuha ulit ng beer. Dahil weekend ngayon at walang magawa sa bahay, I decided to go in here at nasabe ko na din sa kanya ang nangyare last night. "Sa tingin ko naman wala kayong dapat ipag alala as of now.. Hindi din kasi naten kilala yung Sophia at hindi din naten alam ang takbo ng utak niya."

"Ang nakakainis lang kasi.. Gusto ko siya at balak ko na sana siyang ligawan kung hindi lang talaga nangyari yung kagabi."

"What does she looks ba? Mas maganda ba yan kay Samantha?"

"Iba yung ganda ni Samantha at iba din yung kay Sophia.. I don't have to compare them. Pero kung tinatanong mo ko kung anong itsura niya, she's pretty, long legged and sexy body."


Nakatimikim ako ng malakas na batok mula kay Nathan... He always do that kapag sinasabe kong sexy ang isang babae.. I don't know if he's jealous or not. But I think it's not. Ganyan lang talaga kami ni Nathan.

Nagtagal pa ako sa restaurant ni Nathan dahil sunod naming napag usapan si Gio na hindi umattend at ang tungkol sa kanila ni Sheena..  Nasabe ko din sa kanya ang bagong project ng company ni Kuya na AP Entertainment.

When I was about to go home.. Napatingin ako sa driver seat. Saka ko lang naalala na kaylangan ko nga palang idaan kay Ashely ang cake na gawa ni Zoe. Katulong niya ang dalawang bata sa pag gawa nun. Naghanap ako ng U-Turn at nagpunta sa bahay ni Ashely.

Patay ang ilaw sa labas ng bahay ni Ashely pero tanaw ko mula sa glass wall na bukas ang ilaw nito sa may kitchen.. Nag doorbell ako ng tatlong beses pero hindi niya yun binubuksan. Hindi kaya umalis siya? Aish!! Ang lamig pa naman dito sa labas. Hindi ko naman pwedeng iwan dito ang cake sa may main door.

Nagpunta ako sa likod ng bahay at nagbaka sakaliing bukas yun pero unfortunately, hindi.. So I have no choice but to use the spare key under the doormat. Though she's using a digital lock in her house, pwedeng gamitan ng key ang backdoor niya.

Dahan dahan akong naglakad papuntang living area.. Medyo madilim doon at tanging ang ilaw mula sa kitchen ang nagbibigay liwanag. Baka nga umalis si Ashely or hindi kaya tulog. I decided to put the cake on her dining table.

Pero ang laking gulat ko ng biglang may bumati saken at sa mismong ulo ko pa tumama kaya bahagya akong nahilo.. Pumikit ako at tinignan kung sino ang bumato. She's not Ashely. I'm sure she't not dahil kaagad niyang nahawakan ang kamay ko at iligay sa likod ko yung tipong parang mababalian na ako sa ginagawa niya.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon