Chapter 4 : Dale is Back

217 12 0
                                    

"Mas makakabuti kung aalis ka muna ng bansa.." umiwas ng tingin si Yanni sa lahat lalo na sa tingin ni Nathan. "I'm telling you this dahil alam kong yun ang makakabuti."

"Bakit ba lagi mo nalang iniisip na ikaw ang tama?" may galit sa boses ni Ashely. "Kaya umalis si Ate Jessica sa grupo niyo.."

"It's her choice"

"You're right. Pero alam naten napilitan lang siyang gawin yun because of the both of you. Hindi niya ginusto na kumalat sa buong media na kayong dalawa ang nasa video at hindi siya."

"Hindi mo naramdaman kung anong naging impact noon samen.."

"So that's the reason why you treated Ate Jessica like you've never been friends for about many years?"

"Nangyari na ang nangyari.." Pumagitnan si Clyde sa usapan nila. "Walang may gusto ng nangyayari tandaan niyo yan."

Halos mangilid na ang luha ni Yoona "Pero Clyde paano naman ang issue? Hindi lang grupo nila ang na aapektuhan maging tayong lahat."

"Sa tingin niyo ba kapag umalis si Ashely mas matatahimik ang lahat? Mawawala ang issue na nagkaroon sila ng relasyon ni Dale at anak nila si Asha at Darren. We all know na totoo yun pero guys, walang pwedeng makaalam noon dahil maguguluhan na naman si Dale." James explained to them.

"Marami pang paraan... Hindi maayos ang problema kung ganito nalang tayo."

"Hindi na talaga..." mas malakas na ang boses ngayon ni Yanni. "At kahit kelan, hindi na maayos ito. Kung walang party na nangyari noon, hindi tayo ganito ngayon.. Dahil kay Jessica mawawala na ang grupo namen. And same as your group... Wala na si Zander, Ivan at Luke. Tapos ngayon wala si Bryan dahil nagpapakalunod siya sa kalisangan dahil nakipaghiwalay na sa kanya si Callie, kaya wag na din kayong umasa."


Padabog na lumabas ng practice room si Yanni.. Sinundan naman siya ng boyfriend na si Nathan. Naiwan silang tahimik at nag iisip. Gustong-gusto ng umiyak ni Ashely pero hangga't maari ay pinipigilan niya. Ayaw niyang magpakita ng kahit anong kahinaan sa mga kasama niya.


**

Sold out ang naging concert nina Yanni at naging successful ito pero kahit ganun pa man, hindi ko magawang maging masaya.

Ito ang unang public apperance nilang magkakasama matapos ang ilang taon. When they sung their new arrange debut song, most of them cried.. I cried dahil that time, Ate Jessica is the only one who's running on my mind. Sinadya kong baguhin ang arrangement ng kanta for them to feel incomplete.

Minabuti ko nalang na umalis at hindi tapusin ang concert ng gabing yun..

At ngayon, gabi naman ng concert nina Kyle.. Almost 1 week din kaming nagkasama-sama ng mga staff at hangga't maari'y iniiwasan kong mapalapit sa kahit kanino man sa mga dati kong kaibigan. Alam kong nararamdaman din nila ang pag iwas ko dahil kay Dale. At dahil naawa ako kay Ethan, isinama din ko siya.. Hindi naman mahirapan kausapin si Mr. Lee.


"Lets Go.."

"Hindi mo tatapusin ang concert?" gulat na tanong ni Ethan. "Diba may after party pa ang lahat ng staff with them.. Hindi ka na nga umattend last time tapos di ka na naman aattend ngayon."

"Alam mong hindi ako pumupunta sa mga party.." naglakad na ako palayo ng stage. "Kung gusto mo, maiwan ka dito at sumama ka sa kanila. Tapos na ang trabaho ko dito."

"E teka.. Wag ka naman mag madali." nakasunod siya saken hanggang sa makalabas kami ng venue.


Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon