Chapter 6 : Strange Feelings

144 8 0
                                    

"Do you really need to change the arrangements?" tanong kay Ashely ng kasamahan niyang composer sa label company niya.

"Of course.." Ashely said with her confident tone of voice. "They'll have this Big Concert Anniversary, and it should be something to be remembered. This song? Into the New World, is there debut song that was written by me. It will be better kung iibahin ang genre ng kanta diba?"

"You'll do this for all of the fans to feel greedy about doing the concert without your sister or you just want to see the group members to feel guilty on what had happened?"

"I don't need to answer that..." Ashely tapped the guy's shoulder. "Lets finish this dahil marami pang aayusin sa stage."

Biglang pumasok ang isang staff. "Ms. Ashely, they already here. Pwede na po tayong mag start ng rehearsal."

"I'll be there.."


Panay ang buntong hininga ni Ashely habang papunta siya ng main stage. This is not her first time na hahawak siya ng concert. She did this before pero sa ibang grupo. It's just that, she doesn't feel to do this with this group pero wala siyang magagawa kung hindi gawin ang duties niya.


"Hi Ashely.." masiglang bati sa kanya ni Veil na sinundan din ni Hanna at Yuri.

"Oh.. Hello" Ashely smiles na parang masaya talaga siyang makita ang mga ito. "How are you guys?"

"Ok naman kami.." sagot ni Yuri na isa sa pinakamagandang babae para sa kanya. "Ikaw? Still looking good huh. Ang dami sigurong nanliligaw sayo?"

"Wala..." she answered. "Busy kasi ako.. Maraming trabaho here and there."


Hindi na hinayaan pa ni Ashely na magtanong ang mga ito dahil hindi niya gusto may nagtatanong sa kanya about sa ibang trabaho niya. Pinatawag niya ang lahat ng staff and crew.


"Ok Guys.. This will be my first time to handle this kind of Big Concert and I hope that everyone will give their best cooperation and I'll also do my best to make this successful and please treat as one of your friends..." habang nag sasalita si Ashely, hindi naman maiwasan ni Yanni na titigan ito.


Masaya si Yanni na makita muli ang matalik na kaibigan. Matagal na niyang gustong makita ito pero noong magkasabay sila sa elevator, tila parang naduwag siya at nanahimik nalang.

During rehearsals, napansin ni Yanni na iba ang arrangement ng isa nilang kanta. At dahil gusto niyang malaman kung bakit, nilapitan niya si Ashely during their break.


"Can I talk to you?" Sandaling natigilan si Ashely ng makita si Yanni. "Nothing personal, may napansin lang kasi ako sa bagong arrangement nung isang kanta."

"Ah, yun ba? Napagdesisyunan kasi namen na baguhin yun. May problem ba?"

"Wala naman.. Para kasing masyado namang malungkot."

"It's your debut song.. Mas maganda kung ibang tunog naman ang maririnig nila with the same song. Sige, maiwan na muna kita dahil marami pa akong gagawin.."


Sinundan niya lang ng tingin si Ashely. Di nagtagal ay bumalik siya sa kinatatayuan ng mga kasama niya at naabutan niya ang mga itong nag uusap-usap tungkol sa bagong arrangement ng kanta.


"Kinausap ko na siya.." singit ni Yanni sa usapan.

Lumapit sa kanya si Yoona. "Kinausap mo siya???"

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon