Prologue

700 12 0
                                    

Disclaimer: This story is purely fictional. Every characters, scenes, and places are all made up. Any, scenes that are the same are purely coincidental.

©️ All Rights Reserved.

****

Naglalakad ako papuntang canteen namin para mag-lunch. Hindi kasi ako nabaunan ni mama kaya kay ate Eunica muna ako nanghingi ng baon. Paliko na ako ng may isang bato akong nabunggo at napa-upo ako sa sahig sa lakas ng impact.

"Aray!" daing ko

Kung minamalas ka nga naman, oh! Nabunggo ka na nga, natapunan ka pa ng shake! Argh!

"Bulag ka ba or something, miss?!"

Napakunot 'yung noo ko sa inasal ng walanghiyang nakabunggo sa akin. Aba! Siya na nga nakabunggo, at ako na nga yung natapunan, siya pa ang galit?!

Ini-angat ko yung ulo ko at handa na akong bigyan ng malupit na sapak 'yung taong nakabunggo sa akin ng bigla akong napatulala sa kanya. Napatigil din 'yung pagsalubong ng kamao ko sa mukha niya dahil sa sobrang pagkagulat.

Para akong nakakita ng prinsipe sa mga fairy tales na binabasa sa akin ni ate nu'ng bata pa ako. Ang gwapo! Nakakapang-laway! Kahit na nakakunot ang noo nito, hindi pa rin nawawala 'yung kagwapuhan niya at parang nakadagdag pa ito sa kakisigan niya. Bigla nalang tumibok ng mabilis 'yung puso ko.

Nakita kong pinasadhan ng kamay nito ang buhok na lalong nagpa-gwapo sa kanya.

"Ano, miss? Tutunganga ka nalang ba d'yan?!"

Hindi pa rin ako nakasagot.

"Oy, Calvin! Nandito ka lang pala pre, tara n-- oh anong nangyari dito?"

Doon lang ako nagbalik sa huwisyo at pagtingin ko, napapaligiran na pala kami ng mga estudyante ng Phoenix. Bigla akong nahiya.

"Tss, wala pare. Natapon lang naman yung buko pandan shake ko dahil sa tatanga-tangang babaeng ito." sabi niya sa mukha ko at dinuduro-duro pa ako. Nakarinig naman ako ng tawanan sa paligid.

Pero imbis na magalit ako, hindi ako nakasagot at napayuko nalang ako. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kanya.

"Sa susunod miss tumingin ka sa dinadaanan mo. Stupid girl." 'yun lang at nakaramdam nanaman ako ng tawanan sa paligid namin. Nangigilid na din yung mga luha ko.

Alice! Wag ka ngang parang tuod! Sumagot ka! Bulong ng utak ko pero nanatiling tikom 'yung bibig ko. Naramdaman ko nalang na naglalakad na ito paalis sa amin.

Nanatili pa din akong nakayuko at hiyang-hiya sa mga nangyari hanggang sa nag-sisi-alisan na yung mga tao sa paligid.

"Hey, miss! Okay ka lang?"

Nakakita ako ng palad sa harapan ko at pag-angat ko nakita ko yung lalakeng tumawag sa nakabunggo sa akin.

Pabalik-balik 'yung tingin ko sa palad niya at sa mukha niya. Nu'ng hindi na siya nakatiis, siya na yung kumuha ng kamay ko at tinulungan akong makatayo.

"S-Salamat." nahihyang sabi ko dito.

Ngumti naman ito ng malapad at nasilaw ata ako sa puti ng mga ngipin nito.

"It's my pleasure, pretty girl." sabi nito at kinindatan pa ako. Naramdaman kong namula yung mga pisngi ko.

"Ito nga pala, oh." sabi niya at nilahad sa akin yung palad niyang may panyo.

Nagulat naman ako. "Naku! Wag na. Ok lang meron ako dito." sabi ko at dali-dali kong kinapa yung panyo ko sa bulsa ng uniform ko pero kung sa minamalas ka nga naman! Ugh!

Napatigil ako sa pagkapa at nahihiyang tumingin sa kanya.

Tumawa ito at napahawak pa sa batok niya. Ang cute niya! "Ah, eh, take this. It's okay."

Nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ba pero sa huli, kinuha ko na din. Nahiya na din ako dahil baka nanganglay na siya.

"T-Thank you."

"Anything for a pretty girl like you. Nga pala, pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko. Hot tempered eh. Natapon mo kasi yung paborito niyang inumin kaya ganu'n." Pagpapaliwanag nito.

So, favorite niya pala yon? Nakaramdam ako ng saya. May alam na din ako sa kanya!

"Uhm.. wala 'yun. K-Kasalanan ko din kasi. S-Sige mauuna na ako. Babalik ko nalang yung panyo mo?"

"Kevin" Nakangiting sabi nito

"Ah! Sige K-Kevin, salamat ulit ah?"

"T-Teka, miss! Anong pangalan mo?"

Hindi ko na narinig yung sinabi niya dahil nagmamadali na akong umalis dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko. Ikaw ba naman matapunan ng shake eh. Tiyak na manglalagkit ka.

Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nililinis ko yung sarili ko sa rest room, hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung napaka-guwapo mukha ng taong nakatapon sa akin ng buko pandan shake. Bigla nanaman bumilis yung tibok ng puso ko.

Kahit masungit man siya, lalo pa din nakadagdag ng kaguwapuhan sa kanya 'yun. Hindi ko man nalaman ang buong pangalan niya pero natatandaan ko pa din kung ano ang tinawag sa kanya kanina. Calvin. Napangiti ako.




****

Under His Spell

Alice and Calvin's Story

Under His SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon