Chapter 13: Friendship
**
Aizel's P.O.V.
Gusto ko na ring umalis. Nakakahiya kasi sa kanya.
Yumuko na lang ako. Nakakahiya."Hai!" tinignan ko yung kamukha ko, na natira dito. "Mahiyain ka ba?" sabay tawa niya." Don't worry, hindi ako masamang tao, gaya nung sigang gangster at yung maldita na yun."
Napangiti naman ako.
"I'm Ciara, ikaw?""A-aizel."
Nakipag-shake hands siya sakin. At nakipag shake hands na rin ako. Kung kanina natakot ako sa kanya nung nagsisigawan sila nung mayaman na maldita nga raw gaya ng sabi niya. Ngayon, hindi na! Dahil nakita ko naman sa hitsura niya na palakaibigan nga talaga siya."Uuwi kana ba?" tanong ko, nakakainis naman 'tong kahiyaan na 'to. Nakakabanas!
"A-ah oo, sabay na tayo?"
Ngumiti naman ako sa kanya.**
Paglabas namin sa C.R.
All eyes on us! Yung tipong, namamangha sila na ngayon lang nakakita ng magkamukha!"Ahah! I can't believe it! May kamukha ako, at apat pa talaga tayo! Hindi ka ba nagtataka?"
Okay wala ng hiya-hiyaan 'to, nag-uusap naman na kami eh."Nagtataka! At sigurado ako na, magkakakambal tayo. See? Kailan pa nagkaroon ng apat na babae na iisa ang mukha? At may mga gold na kung-ano-ano pa tayo! So malaki talaga ang tendency!"
Tumawa naman siya nung sinabi ko yun."Madaldal ka pala no?"
Nginitian ko naman siya.
"D-di naman masyado.""Pero, seryoso. Pag napatunayan nating magkakapatid tayo, hindi ko gugustuhing magkaroon ng kapatid na, maldita at gangster. Mas okay na lang kung tayong dalawa lang! Iba kasi ugali nila eh!"
Tumango na lang ako." Pero, mas maganda naman kung magkaka-close tayo diba?"
Maliban na lang dun sa mayaman, nakakatakot siya eh! Yung tipong, gagawin niyang impyerno ang buhay mo.
Napaisip ako, may alam kaya sila Nanag at Tatay gusto ko tinapay? Chooss.
Seryoso, baka may alam sila Nanay,tungkol dito. Kailangan kong alamin yun! Paka uwi ko.
"Di ko alam." ska siya huminga ng malalim. "Gusto mo dumalaw sa boarding house namin?""H-hindi na, kailangan ko ng umuwi eh!"
"Please, kahit ngayon lang!"
Nakakahiya naman. Pero, sandali lang naman eh."S-sige, pero s'sandali lang a-ah? M-may gagawin pa kasi ako."
"Yehey!" saka niya ako niyakap.
Ansarap pala sa pakiramsam, na kahit papano, may kaibigan na rin ako dito sa school, noon kasi, ni isa ayaw akong lapitan. Dahil iba ang ugali ko. At hindi nila kayang tiisin ang kaboringan ko.Habang papunta kami sa parking lot, panay tingin niya sa mga lalaking nadadaanan namin. Hindi naman sa ano ako!
P-pero, m-malandi ba siya? Ang hilig niya kasing, maglalalapit sa mga lalaki eh. Kinikindatan pa niya, at nagpa-flying kiss pa siya."Sigurado ako, magugulat si Sheena, pag may nakita siyang kamukha ko."
Ngumiti na lang ako, bago yumuko.
**
![](https://img.wattpad.com/cover/51133130-288-k122545.jpg)
BINABASA MO ANG
FOUR in ONE (Quaruplet Sisters)
Teen FictionFOUR girls with only ONE similar faces. They're KAMBAL, not just KAMBAL. But KAMBAL KAMBAL. In English! QUADRUPLETS. KAYANIN MO PA KAYA ang pressure, pag nagsama-sama sila sa iisang bubong? Magkaroon kaya ng World War? O may magaganap na PARTY. LET'...