Chapter 17 : Choices
**
Aizel's P.O.V.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Ateng Gangster. Nakakatakot yung aura niya, na parang everytime, papatayin niya lahat ng makakasama ng mood niya.
"Gary!!" sigaw niya.
At yun! May lumabas na lalaki dun sa gilid ng puno, naka motor siya. May tao pala dun?"What's this Siga?" tanong ni Ciara, na nakatingin ng masama kay Ateng Gangster.
Tanging death glare lang ang isinagot niya rito.
Creepy! Nakakatakot siya. Kaya pinili ko na lang manahimik.
Ano kayang pakay nila dito? Mabuti na lamang at wala ng dalawang linggo sila Nanay. Bumisita sila sa mga kamag-anak namin sa Cavite. Dahik pag-uusapan raw nila yung tungkol sa bukid na sinasaka nila tatay rito.Tinignan ko sina Ateng Gangster at si Cyrinne Jane DAW. Gaya ng sabi niya. Pati na rin pala si Ciara.
Nagtitinginan lang sila."Boss Glaze, wala na rito yung lalaki!"
"Good, umalis kana, pumunta kana sa teritoryo. Magpapahuli na muna ako."
Tumango naman na yung Gary, at pinaharurot ng mabilis yung motor niya."Hindi mo man lang ba kami papapasukin sa bulok na bahay niyo?"
Nainis ako sa sinabi ni Cyrinne sa bahay namin. Kahit na ganito yung bahay namin, at least natitirhan pa naman. Oo! Anak mayaman siya. At wala kami sa kalingkingan ng yaman nila. Pero sana wag siyang matapobre.
"Wag mo pansinin yan Aizel, palibhasa anak mayaman. Feeler."
Saka ako hinila ni Ciara papasok ng bahay. Walang sabi-sabi na sumunod rin pala si Cyrinne at Glaze yung gangster.
"Oh, hindi kayo pinapasok! Pumapasok kayo!" nakataas kilay na sabi ni Ciara.
"H-hayaan mo na s-sila. T-tara t-tuloy kayo." Sambit ko. Nakakahiya naman kasi, kung palalabasin ko sila.
"Aizel, kukutyain ka lang ng mayamang maldita na yan. At yang gangster na yan, baka masaksak niya tayo ng wala sa oras."- worried na sambit ni Ciara
"At ikaw naman Malandi." taas kilay na sabi ni Cyrinne. "Anong gagawin mo dito sa bahay nila? Mag po-pole dancing? Like duh! Hindi po to KTV BAR.."
"For your informtion, hindi ako malandi. Sadyang maganda lang ako, at lapitin ng mg boylets. At isa pa, hindi pa Biyernes Santo, para magmaldita ka diyan. Mag pipista pa lang ng patay." sagot naman ni Ciara. War talaga silang dalawa.
"Mananahimik kayo o sasaksakin ko na lang yang bunganga ninyong dalawa, para umabot pa kayo sa pista! Tss."
Halos, magtanggal tanggal lahat ng cells sa katawan ko, sa pagkagulat sa sinabi ni Glaze. Nakakatakot talaga sila. Lalo na't nagbabanta nanaman siyang ilabas yung kutsilyo niya.Nanahimik naman sila. Ang kaso, wala pang five minutes dumada nanaman si Cyrinne.
"Kaya ako naparito, dahil kailangan mong sumama sakin. Nerd!"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Nakayingin siya sakin. Isang masamang tingin. Na animo'y may masama siyang balak
"B-bakit?"
"Sasamahan mo ko sa Sta. Catalina. At wag ka ng mag-inarte."
"Hindi siya sasama sayo." hinawakan ni Ciara yung braso ko.
Sta. Catalina? Seryoso na ba siya? Hindi ko na alam kun saan nakatira si Lola. Dahil binalikan ko siya nun sa tinitirhan namin, ang kaso, lumipat na raw siya. Pero dun pa rin daw sa Sta. Catalina mismo.
"S-sta. Catalina?"
Tumingin kami kay Glaze."Bakit alam mo yun?" nakataas boses na sabi ni Cyrinne.
"Hindi, nabanggit ko lang." Tumingin ito kay Ciara. "Ikaw!" turo niya dito,
"Bakit ha?"
Ang siga rin ni Ciara. Tsk-tsk.
"Di ba nabanggit mo nun na, nasa Matanda yung Gold Badge?"
"Oo, bakit? Di mo mahanap? Ha!!!! Dapat lang no."
"Asan na yun Tomboy? Ha? Gangster ka na nga magnanakaw ka pa. Tonta!" sigaw ni Cyrinne dito,
Gusto ko mang makisali ang kaso wag na lang. Mahalaga ang gold badge na yun sakin. Dahil bigay iyon ng lola ko. At sinabi niya noon na, wag na wag kong iwawala iyon. Aang kaso nakuha ng iba eh.
"Manahimik ka nga. Kahit gano ka pa kayaman, kayang kaya kong wakasan ang buhay mo."
"Sorry ka! Dahil kahit gaano ka pa kasiga. Mapapatay rin kita."
Hinablot ni Glaze yung kutsilyo niya sa bewang niya. At kinuha naman ni Cyrinne yung gunting dito sa lamesa namin. Na ginagamit ko panggawa ng projects.
"Oh ano? Sa tingin mo hindi kita kaya!"
Nagulat na lang ako, nung nasa likod na ni Cyrinne si Glaze, habang nakatutok yung kutsilyo nito sa leeg nito.
Dahil sa natakot ako, wala na akong pakialam sa mangyayari sakin. Wala silang delicadeza. Di man lang sila marunong gumalang sa bahay namin. Magpapatayan pa sila."Tama na yan. Please lang, igalang niyo naman tong bahay namin."
Pilit kong inaawat si Glaze.
"Hayaan mo na yan Aizel. Mas mabuti na ring mawala sa mundo yang maldita na yan."
"Manahimik ka, malandi ka!"-sigaw ni Cyrinne dito.
"Tama na yan."
Itinulak ni Glaze si Cyrinne. Kaya napaupo ito, bago umalis nang tuluyan sa bahay."Tonta!" tumayo si Cyrinne, at pinagpag yung dress niya, gamit yung kamay niya." Ikaw, sumama ka sakin sa Sta. Catalina ngayon, kung ayaw mong mawala yung scholarship mo. At ikaw malandi ka, magtutuos pa tayo, pati na yung tomboy na yun!"
Scholarship ko? Mawawala? Hindi pwede to?
Aizel, sasamahan mo lang daw siya. P-pero, hindi ko kakayanin yun eh. Baka i-bully lang niya ako.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko dapat tinapos ka na niya eh,"
"Manahimik ka." timingin nanaman siya sa direksiyon ko." Gumayak ka na! Ayaw ko ng marinig ang sagot mo. Dahil sigurado akong, ayaw mo rin marinig yung sasabihin ko, na mawawala na yung scholarship mo, pag di ka sumama sakin."
**
Ciara's P.O.V."Kung ganun nga maldita! Sasama ako. "
Sabi ko sa kanya. At hindi ko na siya hinintay na magsalita.
Sta. Catalina? Well, masubukan ngang pumunta dun. Baka andun sa Imelda na yun ang mga kasagutan sa tanong ko.
Hinila ko na si Aizel, papunta sa kwarto niya.
Aayusan ko muna siya, sayang yung dinala kong make-up at damit no.Maghintay ka lang muna diyan Maldita. Hahaha.
Aizel and I will be more beautiful than you.
**
BINABASA MO ANG
FOUR in ONE (Quaruplet Sisters)
Ficção AdolescenteFOUR girls with only ONE similar faces. They're KAMBAL, not just KAMBAL. But KAMBAL KAMBAL. In English! QUADRUPLETS. KAYANIN MO PA KAYA ang pressure, pag nagsama-sama sila sa iisang bubong? Magkaroon kaya ng World War? O may magaganap na PARTY. LET'...