Chapter 10

1.1K 53 4
                                    

Chapter 10 : No Title

**
Ciara's P.O.V.

Zeke?
Bwisit yan, bakit andito yan? Naalala ko nanaman yung ginawa niya sakin nung huiling miyerkules.

Flashback :
"Hey!"
Tinignan ko kung sino iyon. At laking gulat ko na lamang nung makita ko siya. Dahil sino ba naman ang hindi magugulat? Nandito ako sa Comfort Room ng GIRLS tapos, andito siya sa loob.

"B-bakit?" kinakabahan kong sambit sa kanya. Ang gwapo sana womanhater naman.

"Wag na wag mong sasaktan si Aizel kundi, mananagot ka sakin!"
Lumabas na siya, bago niya binalibag yung pintuan!
Nagulat ako dun. Duh! Sinong hindi magugulat. Pinagbibintangan niya akong nananakit dun sa Aizel? Eh hindi ko naman kilala yun eh.

**
"Sinusundan mo ba si Aizel?"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. So! Aizel ba yung Nerd o yung Nakatulala kanina? Ah basta. Iisa lang ata sila.

"A-aizel?"

"Wag ka nang mag maang-maangan pa, kanina pa kita sinusundan. At balak mo siyang sundan hindi ba?"

"Manahimik ka nga!" sabi ko. Bago ko siya iniwan. Bwisit siya. Anlakas ng sapak sa utak. First time ko 'to ah!
Na hindi mapa inlab sakin ang isang lalaki. Sabagay! WOMANHATER nga diba?

Kinuha ko yung salamin sa bag ko. At nanalamin ako. Nagfe-fade na pala yung foundation ko. Kailangan kong mag retouch!
Pupunta na muna ako sa Comfort Room.

**
Glaze's P.O.V.

Laking pasasalamat ko. Dahil nakaalis na rin ako sa bahay na yun.At mabuti na lamang, nakuha ko yung Gold Badge ko sa cabinet nang kung sino man yun.

Isang linggo na rin magmula nung matapos ang pangyayari na yun. At nagpapasalamat ako, dahil kahit papaano, buhay pa ako ngayon!
Sino kaya yung tumulong sakin na yun! Nahihiya naman ako, dahil hindi man lang ako nagpaalam.

Naramdaman ko namang na pee pee pee ako.
Kaya, pupunta muna ako ng C.R.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari. Ganito nanaman lagi ang instincts ko eh.

Binuksan ko na yung pintuan.
At halos, manlaki yung mata ko sa nakikita ko. At yun din ang kanyang reaksyon.

"Ikaw!" sabi niya sakin. Saka lumapit at.

"Walanghiya ka. Kinuha mo yung Gold Badge ko.Matapos kitang tulungan, sa mga gangster na kumag na yun!" pinaghahampas niya ako.

Dahil sa hindi ko na napigilan yung sarili ko. Itinulak ko siya sa pader.
Ang siga niya eh! Akala mo naman kung kakayanin niya ako.
Nanahimik naman siya sa ginawa ko.

"Good!"

Habang tinitignan ko yung mukha niya, naninindig yung mga balahibo ko. Para lang kasi akong nananalamin.
Ibig bang sabihin, totoo yung nakita ko sa bar noon na babae? Na kamukha ko?

"May alam kaba tungkol dito? Kung bakit tayo magkamukha?' sabi niya.
I look at her coldly. At yun nga. Kinilabutan ata siya.

"Ikaw ang dapat kung tanungin niyan! Bakit tayo magkamuikha? Kakambal ba kita?"
Kambal kami! Sigurado ko yan. Dahil, sino ba naman ang mag aakala na, may kamukha ako. Na kuhang kuha pa talaga ng mukha ko. So malaki ang tendency na may alam siya tungkol sa pagkatao ko.
"H-hindi k-ko alam yang pinagsasabi mo." saka siya umalis sa pagkakasandal sa ding ding.

"Then, bakit tayo magkamukha? May alam kaba tungkol sa background mo? Na may nawawala kang kapatid o ano?"
Nacucurious na talaga ako sa pinagmulan ko. Lalo na't walang masyadong kinukwento si Tito Jude tungkol sakin nun.

Umiling iling siya.

"So may tendency nga?" sabi ko.

Nakarinig naman kami ng pagbukas ng pinto.
At lulan nun ang isa pang KAMUKHA KO?

FOUR in ONE (Quaruplet Sisters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon