Chapter 7: Pinky-promise

260 8 1
                                    

Louie’s POV

Isang linggo na ang nakalipas nang magkaayos na si Paula at Kyle. Hindi naman totally ayos na. Siguro kasi inisip na lang ni Paula si Pris An. Hanggang ngayon, naninibago pa rin si Pris An dahil mas sanay siyang ako ang tinatawag na daddy.

Ako? Okay naman na sa’kin na nagkaayos ‘yung dalawa. Wala naman akong magagawa kasi fake daddy lang naman ako ni Pris An.

Nasaktan ako? Oo, medyo. Kasi ako yung tumayong daddy ni Pris An for almost 4 years. Ako ang katabi niya kapag nasa work si Paula. Ako ang nagpapatahan sa kanya kapag hindi iyak siya nang iyak. Eh, ba’t ang drama ko?

Ngayon ang flight nila Paula pabalik ng Detroit, Michigan. Hindi nga lang ako sure kung ano ang napag-usapan nila ni Kyle. Hindi ko alam kung ano na ang magiging set up nila simula ngayon. Hindi ko rin alam kung magsasama na sila d’un. Basta, wala akong alam.

Sasabay na sana ako kila Paula kaya lang pinigilan ako ng magaling kong kapatid. Marami pa daw kaming dapat pag-usapan. Hindi kasi kami nagkaroon ng time sa isa’t isa n’ung bumalik siya at umalis ulit para sundan si Aubrey sa London.

“Hoy, ba’t nakatulala ka pa diyan? Magbihis ka na. Ihahatid pa natin sila Paula sa airport” biglang singit ni Justin.

“Ha? Kasama ba ako? Hindi ba pwedeng kayo na lang ang maghatid sa kanila?” mahina kong tanong.

“At ano naman ang gagawin mo dito sa bahay? Magmumukmok? Magsu-suicide?” biro pa niya.

“Gago. Anong suicide? Tinatamad lang akong umalis” palusot ko naman.

Ayaw ko lang talagang ihatid sila Paula dahil alam kong malulungkot lang ako at baka sa airport pa ako mag-emo.  

For almost four years, ngayon palang mawawalay sa’kin si Pris An. Kailangan ko na bang masanay na wala sila sa tabi ko?

Tss. Sa kwento ito, ako na lang yata ang walang pamilya. Ang loner ko naman talaga. Ang tanda ko na rin para maglaro pa. I mean, makipagkilala kung kani-kaninong babae. Paano nga ba ako makakahanap ng aasawahin kung hindi ako makikipagkilala.

Hindi ako pwedeng tumandang binata. Kailangan kong magkaanak na lalaki para naman may magpapatuloy ng lahi naming mga gwapo dito? Hehe.

“Hindi ka talaga sasama?” tanong pa ulit ni Justin. Kulit lang.

“Hindi nga. Paulit-ulit?” Napakamot na lang ako ng ulo.

“Ikaw bahala.” At sa wakas lumabas na rin siya ng kwarto ko.

Kung hindi lang dahil kay Justin, baka lumipad na rin ako papuntang Japan. Bakit Japan? D’un kasi ako nagpupunta kapag gusto kong mapag-isa. Parang isang kembot ko lang nasa Japan na ako ‘no? Wala eh, rich kid ako eh. Haha. Joke.

Nahiga na lang ako sa kama para matulog ulit. Naipikit ko na ang mga mata ko nang may bigla akong narinig na creepy sound. Alam niyo ‘yung sound ng pintuan sa mga horror movies kapag binubuksan? Whew.

Natatakot man akong tignan, nilingon ko pa rin ‘yung pintuan ko. Nagulat ako nang unti-unti itong bumubukas. Napaupo ako sa kama. Oo, bakla na kung bakla. Ikaw kaya dito. Hmp. Napapikit na lang ako nang tuluyan na itong bumukas.

“Da---“

“Yaaaah!” sigaw ko at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

“Daddy?” mahinang boses ng batang babae ang narinig ko.

“Oh my gosh! You scared me to death, baby!” ‘Langya! Si Pris An lang pala. Tss. Akala ko magiging horror story na ‘to eh. Sensya naman, kinabahan lang. Hehe.

HTS3: They're Back Together [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon